Just a month in the university, I saw how diverse the people in this place are. You've got to belong or else you'll be left alone. Kailangan mong makasabay sa agos ng mga tao kundi ikaw ang matatapakan. Bawal ang lalampa-lampa, dapat madiskarte at palaban. It reminds me of the real world.
Like now...
Nandito ako nakaupo sa cafeteria at hinihintay ang mga kaibigan kong dumating nang makita ko ang isang payat na lalaking sadyang binangga ng isang di hamak na mas malaking lalaki. Nagtawanan ang mga kasama ng lalaking bumangga lalo na nang matapon lahat ng laman ng tray sa damit mismo ng payat na guy. The cafeteria grew silent at nanood ang lahat.
I saw the skinny guy just standing there looking ashamed. Umiling ako. Sinasabi ko lang na bawal ang lampa at mahina dito but this guy is the exact thing. He's a dork. Payat, nerd-looking because of his wide-rimmed glasses, baduy and most of all takot lumaban. Perfect bait for bullies.
"What now? Are you gonna cry like a baby?" Pang-aasar pa ng isa sa mga lalaki dito at itinulak ito ng isa pa.
"Weak ka talaga! Nerd!" Patuloy na kantyaw ng mga ito dito. Yumuko lamang si dork. Tsk!
Naiinis ako. Naiinis ako sa dork na'to kasi hindi man lang marunong ipaglaban ang sarili. Hinahayaan niya lang na magpa-api sa mga lalaking ito na akala mo naman kung sino. I am affected because I am pretending as a dork pero kung sa akin mangyari ang ganyan ay lalaban ako.
"Ano? Wala ka na namang gagawin? Come on! Fight us! Come on!" Hamon ng lalaking bumangga. Nakita kong nagtagis ang bagang ni dork pero nagpipigil pa din na lumaban. Ugh! Really?
Tumayo ako at lumapit na. "What if I fight you instead?" Hamon ko din sa mayabang na lalaking ito. Nagtawanan ito at ang mga kasama.
I looked over to the dorky guy and raised a brow at him. Coward! Dork! Kainis.
"Oh, would you look at this! Isa pang lampang pangit to the rescue." Tumatawang pahayag nung lalaki. Now, that's it! Pangit nga ako tignan pero maganda talaga ako. Humanda itong bruhong 'to.
Lumapit ako dito. Humanda ka talaga! No one is allowed to call me ugly! Ngumisi siya nang nakitang sobrang lapit ko na. Ngumisi din ako.
"What are you gonna do, ugly girl? Ohhh, I'm scared." Pang-uuyam nitong umakto pang nanginginig sa takot. Ha! Tignan ko lang kung di ka talaga manginig sa gagawin ko.
"Nothing. Just...this!" Sinipa ko siya where it hurts the most at nang mapaluhod siya ay sinapak ko pa siya sa mukha. Tatanong pa akala hindi ko kayang gawin. Stupid!
"Damn you!" Sigaw nito. Nagtawanan ang mga tao sa cafeteria at maging ang mga kaibigan nito sa sinapit niya.
"Next time you call me ugly, hindi lang yan ang aabutin mo. And next time you bully someone make sure you are perfect. Naiintindihan mo ba?" Matigas na paalala ko dito.
"Who the fuck are you to-awww!" Sinuntok ko siya straight sa mukha. Ang tigas nitong guy na to pati ang mukha!
"Naiintindihan mo?!" Mas mariin kong tanong.
"Yes! Fuck! Awww." Daing nito na hindi alam kung alin ang uunahing indahin. Ang ulo niya sa baba o sa taas.
"Good boy..." I gave him an evil smirk while patting his head. He just glared at me. Tse! Humarap ako kay dork at nakita ko siyang nakatayo pa din doon habang natutulala sa amin. Umismid ako. Isa din. Tse!
"At ikaw..." Mukha siyang natakot sa akin. Gosh! Really?! I'm no monster. "Next time na may nangbubully sayo, lumaban ka naman! They are power tripping and you look like a weakling!" Singhal ko dito saka tumalikod na para bumalik sa upuan ko kanina.

BINABASA MO ANG
Loving Bestfriend
Storie d'amoreCliché story of a girl who fell in love with her best friend. The boyish Veneia Angela Samonte fell in love with her best friend since birth, Yohan Vladimir Arevalo- the player. And the player fell in love with - oh no, not her but with some evil w...