Chapter 24

2.1K 48 3
                                    

Napabiling ang ulo ko sa kaliwa nang dahil sa sampal niya. Shit! Pakiramdam ko ay nangapal ang mukha ko dahil sa ginawa niya. Natigilan ang lahat, may narinig pa akong nagsinghapan at may tumili din.

Nanginig ang kamay ko sa panggigil kaya naman ay sinampal ko rin siya ng kasing lakas ng kanya o mas malakas pa.

Nanlalaki ang matang nasapo niya ang kanang pisngi. Pasalamat siya at nakakapagpigil pa ako sa klase ng mga emosyong naghahari sa akin ngayon. Kundi, hindi lang sampal ang isusukli ko sa kanya.

"Ven!" Nanunuway na sigaw ni Yohan na nagmamadaling dinaluhan si Jean.

Suminghap ako sabay patuyang tumawa. Why am I not even surprised about this anymore?!

"What's happening?"

Lumapit na rin sa amin ang iba naming kaibigan na nagtatanong at tila ba nag-aabang umawat kapag nagkagulo muli pero hindi ko sila pinagtuunan ng pansin. I am just eyeing Yohan and Jean intently. Two against one.

"Why did you slapped her?!" Mahina ngunit mariing tanong ni Yohan. Alam kong kapag ganyan na siya ay galit na galit na talaga siya. Nanggigigil pa siya at halatang pinipigilan lamang ang galit sa akin. Kung kaya niya lamang siguro akong pisikal na saktan ay ginawa niya na.  But then, he has hurt me long enough the worse way. Emotionally.

"Ano? She slapped me first!" Depensa ko. This is for myself dahil sino nalang ba ang kakampi sa akin kundi ang sarili ko lamang. 

"Nakita ko pero bakit kailangan mo din siyang sampalin?! Sana hindi na!" Gusto kong manapak ulit dahil sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin doon? Hayaan ko nalang na apihin at masaktan ako?

Kinuyom ko ang kamay ko para pigilan ang sarili. May humaplos sa aking kamay ngunit hindi ako kumalma.

"Maybe we can talk this out properly. Come on, guys! Calm down..." Ani Jobs na sinusubukang pigilan ang gulo.

Nakita kong umiling si Yohan at tumingin sa akin ng may nang-aakusang mata.

"I thought you know better..." Disappointed pang sabi niya sa akin.

What? Umawang ang bibig ko at saka muling sarkastikong natawa ngunit habang ginagawa ko iyon ay lalong humihigpit ang pagkakakuyom ko. Nararamdaman ko na ang hapdi sa sugat na dulot ng aking mga kuko.

Now that's it right? That's it!

"Alam mo, Yohan? You...should know better! You should know me!! Ilang taon tayong magkaibigan kaya akala ko kilala mo ako. Alam mong hindi ako ang klaseng mananakit kung hindi ako sinaktan. Kahit ngayon nalang  ulit, iparamdam mo naman na mahalaga pa din ako, na kaya mo akong ipagtanggol dyan sa babae mo. Respeto naman, o." Mahinahon pa ang pagkakasabi ko ng lahat mas mukha pa nga akong nagmamakaawa sa huli kong sinabi.

"Hindi siya basta babae ko lang. Sana respetuhin mo din na mahal ko ang babaeng sinampal mo! Mahirap ba yun, Ven?" Sagot niya. Nagpanting ang tainga ko sa kanyang pahayag. 

"Guys, tama na..." Awat naman ni Lucy sa aking tabi. Hindi ako nakinig.

Ano bang klaseng tanong iyong 'mahirap ba?'. Hindi niya ba nakita? Wala na ba talaga siyang pakialam sa akin kung kaya't manhid na siya sa nararamdaman ko mula noon? Unti-unting nanikip ang dibdib ko at tila ba anumang oras ay sasabog nalang bigla.

"Ngayon mo tinatanong kung mahirap? Oo! Putang ina, ang hirap! Tinanggap ko nang sabihin mong hanggang kaibigan lang ang kaya mong ibigay sa akin, nagpanggap akong okay lang ang lahat. Pinilit kong bumalik tayo sa dati. Sumali pa nga ako sa punyetang surprise na ito di ba?! Kasi, sinusubukan ko! Pero sobra na, sobra sobra ka na!" Naghihinanakit na sigaw ko kahit na alam kong andun ang mga kaibigan namin. Natahimik silang lahat sa rebelasyon ko kaya't nagpatuloy ako. Once and for all, I'll get it out. I've been way too dumb but after this is enough.

Loving BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon