Nang lumingon ako sa iba ay nakita ko silang may mabining ngiti habang nakatingin sa amin ni Yohan. Mukha silang masaya sa panonood sa amin na nagkakasundo sa pag-alala sa nakaraan. And I understand why, ito ang unang pagkakataon simula nang dumating ako na nakita nila akong mabuti ang pakikitungo kay Yohan.
Hindi ko maiwasang ituon ang tingin kay Jean at nagulat ako nang maging siya ay nakitaan ko ng tuwa. Walang bakas ng ibang emosyon lalo na ng inis o selos. Lumuwag lalo ang pakiramdam ko kaya naman ay mas natuwa akong alalahanin ang nakaraan.
The conversation became more animated and I feel lighter allowing myself to look back to the good times. Na-realized kong marami-rami din pala talagang magagandang alaala ang mayroon sa pagkakaibigan namin noon. How foolish of me to just focus on the negatives. Bakit ko nga ba hinayaan ang sarili ko na yakapin at alagaan lamang yung sakit habang sadyang binabaon yung masasaya?
"I remember Yohan loves to smell your armpits." Ani Jobs. Natawa ako ng malakas.
Naalala ko din iyon, after naming maglaro or train ng basketball laging dumidikit sa akin si Yohan at nangungulit amuyin ang kili-kili ko. Pagkatapos ay aasarin akong ang baho nito. Maaasar din naman ako sa pagkapahiya at hahabulin ko siya ng kurot o hampas. Maghahabulan kami hanggang sumuko ako kakahabol habang siya naman ay patuloy sa pang-aasar.
"Yes, he keeps saying na mabaho! If I know naadik lang siya sa bango." Taas kilay na pahayag ko para kay Yohan. May kaonting himig ng paghahamon para tutulan niya ang aking sinabi. Humalakhak siya.
"Asa! Mabaho talaga!" Kontra din niya.
"Weh!" Binato ko siya ng cornik na kinakain namin. Noon dumating sina Kik at Leo na naging kuryoso sa aming pinaguusapan at tawanan. Nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay walang sumusunod sa kanila para maligo.
"Ano yan? Ano yan?" Agarang tanong ni Leo. Nagpalipat lipat pa ang tingin niya sa aming dalawa ni Yohan. Mababakas ang pagtataka sa kanyang mukha dahil sa narinig na pag-uusap sa pagitan namin. Or maybe he thinks we are again fighting as he looks ready to stop us if ever a fight brews.
I chuckled and winked at him. He just raised a brow at me in return and then smiled.
"Anong pinagtatawanan niyo kanina pa?" Tanong naman ni Kik sabay nameywang pa.
Napalingon ako sa gulat kay Mena nang bigla nalang siyang bumunghalit kakatawa. I think I know why. Pinasadahan kong muli ang ayos ni Kik. Oh my, why?!
Kinagat ko ang aking labi para magpigil ng tawa. Nagkatinginan kami ni Jean at gaya ko ay kagat labi din siyang nagpipigil. Hirap na hirap na ako kaya naman ay may umalpas nang tawa sa aking bibig. Ganoon din ang nangyari kay Jean at halos sunod sunod na kaming natawa maliban sa dalawang kadarating lang.
"What? Why are you all laughing? Share niyo naman gusto ko din matawa!" Ungot ni Kik na lalo naming ikinatawa. Napatukod ang kamay ko sa mesa habang hawak ang tiyan ng isang kamay.
Oh, I don't think he'll still be able to laugh after knowing he's the subject of our laughters. He'll go ballistic instead. Just imagining how he'll react sent me into another fit of laughter once again.
"Ang daya niyo naman!" Reklamo pa rin niya.
"We were just reminiscing our funny times in high school." Tatawa tawa pa ring tugon ni Jobs.
"Sali ako! Madami ako niyan baon!" Dali-daling pumwesto si Kik ng upo na tila excited pang magkwento. Rinig ko ang mahinang reklamo ni Mena noong tumabi ang basang basang Kik sa kanya.
"Naalala niyo ba dati kuripot talaga yan si Jobs, di ba?" Panimula ni Kik. Humagalpak siya matapos sabihin ito.
"Gago ka. Inaano ka ng kakuriputan ko?" Balik tanong ni Jobs kay Kik na ikinatawa namin lahat.
BINABASA MO ANG
Loving Bestfriend
RomanceCliché story of a girl who fell in love with her best friend. The boyish Veneia Angela Samonte fell in love with her best friend since birth, Yohan Vladimir Arevalo- the player. And the player fell in love with - oh no, not her but with some evil w...