Six years after
I got out of the cab with my coat on my arm while carrying my luggage and my purse on the other arm. I am wearing a white spaghetti strap tank top paired with skin tight jeans and doll shoes. I am comfortable in this so I travel wearing this.
Siguradong masusurpresa silang lahat sa pagdating ko. Hindi ako nagpasundo cause they don't know I'll be coming home for Christmas this year. Pinagmasdan ko ang bahay namin galing sa labas. I soaked in every detail and compared it to how I remember it to be. Ang daming nagbago, naiba ang kulay ng pintura ng aming bubong at pati na rin ng gate. I almost thought I'm lost if not for the address. Inilibot ko naman ang tingin sa paligid.
Gosh, I missed this place! Ilang buwan akong nakaramdam ng homesickness doon sa UK before I finally got to adjust. London is one busy city and my flat's neighbourhood is too. Hinanap hanap ko ang tahimik na paligid gaya nito bago ako nasanay sa hustle-bustle ng lugar.
I tilted my head at the sound of the gates opening from the other side of the street. Nakita ko si Yaya Lota na binubuksan iyon para sa lalabas na isang kotse. Napatingin siya sa gawi ko at nangunot ang noo lalo pa nang ngitian ko siya.
"Good morning po Yaya Lota!" Masayang bati ko sa kanya. Pinakatitigan niya ako na tila ba nagtataka kung bakit ko siya kilala at binati. Sinuri niya ako mula ulo hanggang paa at pilit na kinilala. Tumawa ako ng makitang nahihirapan siya sa pagsino sa akin.
"Nakakatampo ka naman Yaya Lota, kinalimutan mo na ako. Wala kang pasalubong galing sa akin mula UK!" Kunwa'y nagtatampu-tampuhang sabi ko. Nanlaki ang kanyang mga mata.
"Vene! Aysus, Vene! Ikaw na ba yan? Nakabalik ka na pala! Hala! Ang ganda-ganda mo na at dalagang-dalaga ka na ngayon." Tuwang wika niya habang tumatakbo patawid ng kalsada upang makalapit sa akin at mayakap ako sa kasabikan. Natatawang niyakap ko siya pabalik.
Napatingin ako sa kotseng ngayon ay hindi pa din umaalis sa garahe ng kabilang bahay, ni umandar ay hindi nito ginawa. I can make out a figure at the driver's seat but I can't see the face 'cause the car is heavily tinted. Binalewala ko nalang iyon at hinarap muli si Yaya Lota.
"Oo na Yaya Lota, huwag mo na ako bolahin dahil mas maganda ka pa rin sa akin kaya bibigyan na kita ng pasalubong..." Kinindatan ko pa siya at namula siya sa sinabi ko. Inipit niya ang takas na buhok sa kanyang tainga na para bang umakto siyang nahihiya pero tanggap niya ang sinabi kong maganda siya. Natawa ulit ako. Hindi pa din talaga siya nagbabago.
Ngumisi ako nang may naisip na kalokohan.
"Yaya, tulungan mo ako mang goodtime tayo..."
Hinila ko si Yaya Lota sa gilid ng aming gate. Nagtatakang nanonood lamang si Yaya Lota sa ginawa ko, sinenyasan ko siyang huwag maingay. Pinindot ko ang doorbell namin ng tatlong beses tsaka nagtago na din katabi ni Yaya Lota sa gilid ng pader so I can surprise the one who will open the gate.
I rang the doorbell again as I heard footsteps approaching from inside.
"Teka lang po! Nandyan na!" I heard Yaya Mina's voice shouting from the other side. Bumukas ang mas maliit na gate and she popped out her head but she saw no one.
"Ano iyon? Wala namang tao ay! Namamaligno na siguro ako." Rinig na rinig ko ang pagtataka sa boses ni Yaya Mina at pigil na pigil na ako sa pagtawa. I couldn't contain my laughter any longer so I jumped in front of her and shouted 'surprise'.
Napatalon siya paatras habang sapo ang dibdib nang dahil sa gulat sa ginawa ko.
"Anak ng palakang maitim ang singit!" Pumikit siya at malalalim ang ginagawang paghinga. Tumawa ako ng malakas sa reaksyon niya. "Bene! Josko ka talagang bata ka! May pasorprays sorprays ka pa! Sorprays dit ang gagawin mo sa akin!" Sermon niya.
BINABASA MO ANG
Loving Bestfriend
RomantizmCliché story of a girl who fell in love with her best friend. The boyish Veneia Angela Samonte fell in love with her best friend since birth, Yohan Vladimir Arevalo- the player. And the player fell in love with - oh no, not her but with some evil w...