Chapter 30

2.7K 60 7
                                    

Kinabukasan pagkagising ko ay agad akong naligo. It's already 9, siguro naman ay gising na din ang mga kaibigan ko. I texted Jules to ask which hotel they were in. Balak kong maglibot ngayon kasama nila.

"Ya! Nasaan yung susi ng---" I stopped when I saw Yohan sitting on our couch. Napatingin siya sa akin at ngumiti habang ako naman ay napakunot noo. What the hell is he doing here?

"Good morning, Ven! May lakad ka? Saan? Samahan kita! I am free!" Gusto kong mapatunganga sa kanya. Umismid ako at hindi siya pinansin. Naiinis pa rin ako sa kanya dahil sa nangyari kagabi pero parang wala na iyon sa kanya.

"Ya! Yaya Mina!" Patuloy kong tawag. Lumabas naman ito galing sa kusina.

"Bakit? Anong nangyayari sayo?" Tanong niya. Ngumuso ako. Gusto kong pagsabihan siya kung bakit nakapasok si Yohan sa bahay namin pero pinigilan ko ang sarili. I must not show that I care because I don't care!

"Nasaan susi ng kotse?" Tanong ko sakanya na ang tinutukoy ay ang extra naming kotse. Alam ko namang matagal nang wala ang kotse ko simula nang maaksidente ako noon.

"Susi ng kotse? Bakit? Gagamitin mo?" Nagtatakang tanong niya. Umirap ako.

"Hindi, Ya! I am just gonna take a selfie inside the car." Sarkastiko kong sagot. Si Yaya talaga! Kahit kailan hindi na nagbago!

"Saan ka punta? Ako nalang magdadrive sayo, Ven. Huwag ka nang magmaneho baka kung ano pa mangyari ulit sayo. Ipapasyal na din kita. I bet miss mo na ang Pilipinas." Singit ni Yohan sa usapan namin ni Yaya. Lalo akong umirap nang sumang-ayon si Yaya Mina sa alok ni Yohan.

"Oh ayan naman si Yohan, nagpipresinta na tor gayd mo. At tsaka, sira daw yang sasakyan kaya nga hindi ginagamit ng daddy mo." I groaned over my bad luck!

"Sige, huwag nalang. Nasaan pala sila Mommy and Daddy?" Tanong ko para magpaalam.

"Maagang umalis si Tito, may bagong kaso daw siyang hawak. Si Tita naman ay kasama ni Mommy doon sa kaibigan nila." Si Yohan ang sumagot. Naiinis na ako kanina pa sa pagsingit singit niya kahit hindi naman siya ang kinakausap ko!

"Yaya, pasabi nalang sakanila din na lalabas ako. I'll text them too." Bilin ko bago umalis na. Naglakad ako palabas ng bahay nang hindi pa din pinapansin si Yohan. But I can feel him following behind me. Binalewala ko lang siya. I got my phone and dialed Jules. Agad naman nitong sinagot.

"Jules, I'm on my way to your hotel. I can't bring our car, we can just rent a van or something." Pambungad ko dito.

"Sure we can do that but you're early. The girls just woke up." Ngumiwi ako. Nothing new with that.

"Tell them to hurry up! I wanna go to a lot of places today that's why we need to leave early. Ask the receptionist now to book us a rental car, please, so it can be prepared already."

"Ven, ako nalang kasi ang bahala. Yung van namin pwede iyon tapos ako ang magmamaneho para sainyo. Sige na...para hindi na kayo magrent. Libre na nga ito, o." Singit ulit ni Yohan mula sa likod ko.

"Is that Yohan? What is he saying? You're with him this early? I'm starting to think it was a different row you had last night." Nanunuyang wika niya. I cringed.

"Shut up, Jules! Tell the girls to hurry their ass up! See you in twenty. Let's talk when I get there." Pahayag ko at ibinaba na ang linya. Binalingan ko si Yohan na nakasunod pa rin hanggang ngayon. Tumigil ako at hinarap siya kaya ay napatigil din siya.

"What is it that you want Yohan?! Stop following me like a freaking dog! It's annoying!" Bulyaw ko sa kanya. Wala na, sumabog na ako sa inis.

"I just want to help you...as a friend. I wanna be friends with you again, Ven." Seryosong pahayag niya. I snorted.

Loving BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon