Chapter 8

1.7K 37 2
                                    

I felt really special and invincible simula nang araw na iyon. Until one day...

"Look at that girl! She's pretty, huh?" Siniko ako ni Kik at ngumuso sa isang babae na dadaan sa tambayan namin. Tinignan ko ito, she looks new. Siguro transferee or late enrollee. Kakasimula palang naman ng klase a week ago. Senior high na kami ngayon, graduating.

"She's pretty. I like her fishtails, it's so classy! And check out that cute little flower for a ponytail. Oh my gosh. Totally fab -" Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Kik sa maarte kong pagsasalita. I bit my lip dahil sa hindi ko napigilan ang sarili sa paghanga. Tumikhim nalang ako at umirap para makabawi.

"That's how maarte she looks like." Reklamo ko nalang kahit I really love how she did her hair. Napahinga ako ng maluwag ng magpatango-tango si Kik. Mabuti na lamang at slow talaga ito.

Natanaw kong tumatakbo sina Yohan, Leo at Jobs papunta sa amin. Nag-uunahan sila at nagtutulakan. Tinulak ni Jobs si Yohan ng naunahan siya nito kaya naman ay nasagi ni Yohan ang babaeng maganda.

"What the?!"

"Sorry!"

Sabay pa nilang sigaw. Pinulot ng babae ang bag niya at ang mga gamit na nahulog galing dito ngunit nakatulala lamang si Yohan. Matapos makuha ang lahat ay tinignan nito si Yohan ng masama.

"Next time look where you're going!" Singhal nito pero tulala pa din si Yohan. Umalis na ito at sinundan lamang ito ng tingin ni Yohan ng hindi nagsasalita. Maya-maya pa ay unti-unti itong ngumiti tsaka bumaling sa amin. Napasimangot ako sa reaksyon niya.

"Creepy." Sabi ni Leo. Napatango kaming lahat.

"I think I was in heaven for a few minutes cause I just saw an angel!" Ngiting-ngiti na wika ni Yohan.

Nagtawanan sila habang ako naman ay muntik nang mapaface-palm.

"Ang baduy mo Yohan!" Inis na sabi ko dito. Ako itong mukhang anghel! Maganda yung babae pero mas maganda naman ako! Bakit hindi niya iyon mapansin?

"Ha? Hindi banat yun. I am serious." Seryoso ngang sabi nito. Napanganga sila ako naman ay lalong nainis. Edi hindi banat! Leche!

"You are serious?" Ulit na tanong ni Kik na tinanguan ni Yohan dahilan para lalo silang magtawanan.

Inismiran ko silang apat, tinalikuran para magpunta na sa classroom namin.

"Class, we have a new student." Tinawag ng teacher namin ang bago daw estudyante. Pumasok yung babaeng may mala-anghel daw na mukha. Siya iyong babae kanina na nakabangga ni Yohan.

Humawak ako sa aking puso dahil sa pag bundol ng kakaibang pakiramdam. Kinakabahan ako. Kung bakit ay hindi ko alam. I turned my head to look at Yohan and my emotions doubled. Nakikita ko siyang gulat sa kanyang inuupuan ngunit makikita rin na masaya ito sa paraan ng pagkinang ng kanyang mga mata.

"Hi! I am Jean Lorenzo, transfer student from Japan." Pakilala ng babae sa harap.

"Yes, Arevalo?" Tanong ng teacher namin sa ngayon ay nakataas kamay na si Yohan. What is he doing?!

"Uh, I just have a question for her." Ngiting-ngiting pahayag pa niya. "Miss, anghel ka ba?" Naghagalpakan ang mga nakarinig at inasar pa siya na corny sa gagawing pick-up line. Pero hindi ko magawang matawa sa ginagawa at sinasabi niya kasi alam kong seryoso siya sa tanong.

"This isn't a pick-up line so all of you shut up! Nagtatanong ako ng maayos!" Inis na sigaw nito sa mga kaklase naming patuloy ang pang-aasar sa kanya. Bumaling ulit siya doon sa babae ng may matamis na ngiti. "Sorry about that, miss but really? Anghel ka ba? Ang ganda mo kasi." Nanlalaki ang mata ko sa sinabing iyon ni Yohan lalo pa at nang tignan ko naman ang babae ay namumula ang mga pisngi nito na parang kinulayan ng pula.

Loving BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon