As I watch her face change with emotions, I saw the answer to my supposed rhetorical question. From surprise to disbelief and then sorry expressions.
Damn! Nakapikit na pinasadahan ko ng palad ang aking buhok. Masakit pala talaga. However, I cannot blame her. Mas nauna ko siyang sinaktan. Mas nauna siyang nasaktan.
Tinignan ko siyang muli. Nanatili pa rin siyang tahimik gaya ng aming mga kasama.
"I know what you might be thinking...na ang kapal ng mukha ko para mahalin ka matapos ng lahat ng nasabi at nagawa ko noon sayo."Nilingon ko pati na ang mga kaibigan. "Isipin niyo nang lahat iyon."
At binaling muli ang buong atensyon kay Ven. "Pero Ven, nagsasabi ako ng totoo. Mahal kita."
Naramdaman ko ang malalakas na kamay na pumigil sa aking braso mula sa kaibigan.
"Dude, lasing ka na." Doon ko lang natanto ang ginagawang paglapit kay Ven habang sinasabi ang lahat ng yun.
Nagpumiglas ako sa pagharang nila at pinilit muling humakbang palapit kay Ven.
"Hindi! I'm not drunk! She has to hear all of it!" She has to! Ang dami kong gustong sabihin at gusto ko siyang hawakan.
Baka sakaling maisip niyang mahal niya pa rin ako matapos marinig ang lahat. Baka sakaling maramdaman niya ang nararamdaman kong desperasyon ngayon. Baka sakaling makumbinsi siya ng aking hawak.
Tinulak ako ni Jobs nang may kalakasan. Pilit inilalayo doon at hinaharang sa mga pwedeng sabihin.
"You have to think of her, bro! Does she wanna talk? Does she wanna hear what you have to say? Look at her..." Bulong niya sa akin. Hindi ko magawang sulyapan si Ven para alamin ang mga sagot sa tanong ni Jobs.
"I waited for this. Alam mo iyon..." Kunway sagot ko sa mahinang boses. Namumuo ang inis dahil ang daming humaharang.
"But is this the right time for you two to talk?" Seryosong tanong naman ni Kik. Napatitig ako sa kanya. Hindi na ako nagulat na seryoso siya pero nagulat ako sa impact ng naging tanong niya sa akin.
Sinulyapan ko si Ven. She looks extremely bothered and uneasy. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagsasalita. Doon ko natantong tama ang mga kaibigan namin. Nahihirapan siya. And seeing her struggle because of me again makes me weary. I think I've caused her enough pain before. Hindi na dapat dagdagan pa.
Mahirap man ay bumitaw ako sa planong pakikipag-usap. Hinawi ko sina Jobs, Leo at Kik na nakapalibot sa akin at iritableng naglakad palayo. Nangibabaw ang iritasyon ko sa sitwasyon.
Isang pagkakataon lang naman ang gusto ko para mapakinggan. Ito nalang ang tanging pinanghahawakan ko. Ang mga bagay na hindi niya alam katulad ng nararamdaman ko mula noon hanggang ngayon. Pero bakit hindi pa maibigay-bigay sa akin?
Sinisi ko ang bawat bituing nahagip ng aking paningin.
Anong kasalanan ko? Oo, naduwag ako noon pero bakit naman ganito? Bakit parang ayaw akong bigyan ng chance ngayon? I am trying to make up for my decisions in the past. Why don't you let me?
"Yohan!" I scratched the back of my neck.
Mom sounds ridiculous. Ikailang beses na niya akong tinatawag para sumama sa kanya sa pagbisita sa kapitbahay even when I already told her na ayaw ko. Hindi ako gumalaw mula sa paglalaro sa aking PSP. She'll eventually stop forcing me to go with her.

BINABASA MO ANG
Loving Bestfriend
RomanceCliché story of a girl who fell in love with her best friend. The boyish Veneia Angela Samonte fell in love with her best friend since birth, Yohan Vladimir Arevalo- the player. And the player fell in love with - oh no, not her but with some evil w...