Chapter 10

1.7K 35 3
                                    

Maraming nagbago simula ng araw na iyon.

After namin sa Hideout ay inihatid namin si Jean. Yes, namin. Si Yohan na nakisabay lamang sa akin pauwi nang sunduin ako ng driver ko ay isinabay din si Jean. Ang kapal ng mukhang mangyaya ng iba di ba? Mas malayo pa nga ang bahay ni Jean sa bahay namin mula sa Hideout. Hindi na sila nahiya sa gastos sa gas!

Pero hinayaan ko na. Mas mabuti nang kasama nila ako para mabantayan sila.

Hindi lang iisang beses kaming pumunta para tumambay sa Hideout at kumain ng lunch ng sabay-sabay. Surprisingly nagkakasundo na talaga kami kaya naman after that ay madalas na kaming magkakasama at naging isang grupo na. Even with Jean.

Unfortunately, but yes. Sino pa ba ang may kasalanan? Of course dahil iyon sa kagustuhan na naman ni Yohan.

As days passed that I've spent with them, I learned to overcome my own insecurities as well. Naisip ko kasing hindi maganda iyon para sa akin. I can't self-pity. If I am to pity myself then who's gonna believe in me?

"Para sainyong proyekto sa 3rd period ay gusto kong gumawa kayo ng isang dula tungkol sa buhay ni Rizal. Hahatiin ko kayo sa dalawang grupo. Sige na, magbilang ka." Nagsimulang magbilang ang kaklase ko na nasa kaliwang gilid. Inuunahan ko na sila at nagbibilang ng para sa sarili upang malaman kung sino ang mga magiging kagrupo ko.

"Yung mga 1 dito sa kaliwa at yung 2 ay sa kanan. Magpulong kayo sa mga gagawin ninyo o kung sino ang mga gaganap." Utos ng aming teacher. Agad kaming nagtayuan para magpunta sa grupo. Group 2 ako kaya ay doon ako nagpunta sa right side. Iniikot ko ang isang upuan upang gawing paharap sa kanila sa isang bilog.

Kagrupo ko din sina Lucy, Leo, Yohan at Jean. Ang iba ay napunta sa kabilang grupo.

"Oh, sino ang leader natin?" Tanong agad ng isang lalake. Sila-sila lang ang nagpasya. Hindi na ako umiimik dahil parang mas gusto kong lumipat sa kabilang grupo habang nakatingin kay Jean at Yohan na magkatabing nag-uusap. Nagngingitian ang dalawa na para bang nakakatuwa ang pinag-uusapan nila. Napatingin sa akin si Jean at ngumiti, sinuklian ko lamang iyon ng tipid na ngiti. Nang hindi na siya nakatingin ay saka ako umirap.

"Sino gaganap na Rizal?" Natatawang tanong ng isa naming kagrupo.

"Si Chard!" Biro ng isang lalake sa kaklase naming si Chard. Ang buhok kasi nito ay madaling ihawig sa signature look ng buhok ni Rizal. Nag-tulakan sila at agad umayaw ito sa pagganap bilang Rizal.

"Si Yohan nalang! Playboy din naman, natural lang ang pag-arte." Natatawang biro ni Leo. Humagalpak sa tawa si Yohan at ibang kagrupo namin.

"Sige ba! Basta si Jean yung ka-loveteam ko dyan." Pagsang-ayon agad nito ng may kundisyon. Naghiyawan ang mga kagrupo ko sa narinig. Hindi ko na napigilan ang pag-irap. Love team? Ano ba ang buhay ni Rizal? Romance?! Diyos ko naman!

Okay, Ven. Calm your senses. Isipin mo nalang din tragedy ang inabot ng love story nila.

Duh!

Rizal died a single man. Kung sino man ang magiging role ni Jean sa lahat ng babaeng naging parte ng buhay ni Rizal ay hindi niya din nakatuluyan.

Matapos nilang makapagpasya ay nagusap-usap na sila ngunit nanatili akong tahimik at naghihintay nalang ng maaring gawin.

Napunta ako sa creative team. Ayos lang din sa akin dahil iyon naman ang gusto ko. Ayokong magkaroon ng role dahil baka madiscover nila ang talent ko. Nagkamot ako ng ulo. Oo na joke lang kasi, ayoko lang sumama sa mga practice nila kung ang makikita ko lang doon ay si Yohan na panay ang pagpapacute kay Jean habang ang mga kaklase naman namin ay tuwang-tuwa pa.

Loving BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon