"Mommy, I don't wanna be here. I wanna stay in my room and play PSP lang." Naririnig kong reklamo ng isang batang lalaki.
"Yohan, behave okay? They have a daughter same age as you, you two can play together. Look, there she is." Nakita kong turo sa akin ng isang magandang babae sa nakasimangot na bata.
"Betty! It's so nice to see you again and now we are neighbors pa. Nakakatuwa." Salubong ni Mommy sa babaeng maganda. Sila siguro yung friend ni Mommy na bagong lipat sa tapat namin. Nag-usap pa sila pero hindi ko na pinansin. I played with my doll nalang.
"Yes, friend. Venny, come here honey." Dala-dala ang manika ay lumapit ako sakanila. "Introduce yourself, baby."
"Hi po. I'm Veneia Angela Samonte. I am five years old, pretty and fab. And this is Via, my doll. Nice to meet you po!" Pakilala ko nang parang pangbeauty pageant. Tuwang tuwa naman sina Mommy at yung babaeng maganda sa akin pero todo ismid ang natanggap ko galing sa batang lalake. Napanguso ako. Hindi ba maganda yung pag present ko?
"Hi Veneia." Sabi nung magandang babae sa akin kaya napatingin ako sakanya. "I am Tita Betty, you are so cute!" Napangiti na din ako sa sinabi niya at lumapit ako sakanya para halikan ito sa pisngi. I like her na din pareho kami beautiful ni Tita Betty. "Veron, she is so adorable. Gusto ko din ng baby girl!" Sabi nito kay Mommy.
"Edi sundan niyo na si Yohan." Sagot ni Mommy at tinuro yung batang lalake. Aha! Siya si Yohan?
Nagkatawanan ang dalawa. Huh? Tinignan ko naman yung Yohan pero nakaupo lang naman siya hindi naman siya aalis bakit susundan?
"Saan ka punta? Pwede sama?" Tanong ko sa batang lalake. Napatingin silang lahat sa akin.
"Venny?" Tanong ni Mommy sa akin.
"You said po Mommy sundan siya." Turo ko kay Yohan. "Bakit po? Saan siya punta? Is he gonna play? Gusto ko sama!" Nagkatawanan ulit ang dalawa.
"Oh my gosh Veron. She is really so cute and innocent." Nakangiting sabi ni Tita Betty.
"More like dumb." Komento naman nung batang lalake.
"Yohan!" Galit na suway ni Tita Betty dito. Napangiti lamang si Mommy.
"Venny, ayain mo na si Yohan na magplay kayo. Sige na." Utos sa akin ni Mommy. And as the good girl that I am, sinunod ko siya.
"Your name is Yohan di ba? I am Veneia Angela Samonte pero you can just call me Venny. Ikaw? How would you like to be called?"
"Yohan. You're so maingay and madaldal!" Napanguso ako sa pagsusungit nito.
"You're mean naman! I don't like you!" Sigaw ko dito.
"I don't like you too! Ang arte mo hindi ka naman pretty." Pang-aaway pa nito sa akin.
"Mommy!" Tumakbo ako pabalik kina Mommy nang pumapalahaw sa iyak para magsumbong. I really hate when people say I am not pretty kasi I know I am! They are lying to me.
"Oh why are you crying baby? Did Yohan make you away?" It was Tita Betty. Tumango ako habang umiiyak. Gusto ko siya mapagalitan!
"Yohan! Come here! What did you do to her?" Galit na si Tita Betty. Hindi naman ito sumagot.
Napangiti ako na nakikita siyang nakayuko lang habang pinapagalitan. Buti nga! I smiled evilly and stuck my tongue out at him when he looked at me. Umiyak ulit ako nang tumingin sa akin si Tita Betty nang ituro ako nito.
"Betty, wag mo nang pagalitan ang bata. Baka away bata lang ito." Pigil ni Mommy kay Tita Betty. Nooo, Tita should keep scolding him! Hmp!
"Why did you cry ba, anak?" Baling sa akin ni Mommy.
"He said kasi I am not pretty!" Sumbong ko. Narinig kong bumuntong hininga si Mommy. I looked at her.
"Yohan, apologize to her and tell her that she's beautiful." Utos ni Tita Betty dito. Umiling ito.
"No, I don't think she's pretty and she's so maingay! Ayoko sa kanya." Ungot ng batang may sungay sa paningin ko. Papagalitan pa sana ito ni Tita Betty pero pinigilan ni Mommy.
"Betty, hayaan mo na. Totoo namang maingay nga itong anak ko." Natatawang sabi pa ni Mommy. Kinunutan ko ito ng noo.
"Anak, behave ka rin ha." Sabi ni Mommy habang inaayos ang buhok ko. Bumulong pa ito. "Hayaan mo na. He doesn't think you're pretty cause for him you are the prettiest!" Napangiti naman ako dun. I like that.
"Sige na. Play na ulit kayo. Pakuha mo kay Yaya yung bike mo tapos magbike kayo sa labas pero don't go too far, okay?" Nagtatalon ako sa tuwa. I love biking.
"Mom can I get my bike too?" Tanong din ng batang may sungay sa kay Tita Betty. Mukhang gusto niya rin magbike. Ako din kaya bati ko na ulit siya para may kalaro ako sa bike.
"Okay. Ask your Yaya din to get it for you. Remember the rules, big boy."
"Yes, mom. Thank you!" Nauna itong tumakbo sa yaya nito, sumunod naman ako. Napanguso ako sa bilis ng takbo. Hiningal ako.
Ilang oras na kaming nagbabike at nagkasundo na din kaming dalawa ni Yohan. Minsan naguunahan kami sa pagbike...kaya hindi namin namalayan na napalayo na pala kami sa bahay. I looked back and saw our yayas busy gossiping with each other.
Yaya Mina talaga is so madaldal. I'm mana to her.
Beeep! Beeeeep!
Tumingin ako sa unahan ko at nakita ang isang kotse na paparating at mababangga ako. It was too late to move. I shouted out of fear and then it just all went black...
"Pangit!" Sabay ng sigaw na ito ay pagyugyog sa shoulder ko. Ha? I frowned and opened my eyes. Nakita ko agad si Yohan.
"Oh my gosh baby girl, okay ka lang?" Tanong ng isang girl. I think she was driving the car that hit me. But wait, why are they here!
"Am I dead?" Natatakot kong tanong dito.
"Crazy! You were not hit, bumagsak ka lang and closed your eyes!" Mukhang inis pang sabi ni Yohan. I scratched my head. Akala ko I was hit eh. Kaya pala everything went black pumikit kasi ako. I giggled and showed him a peace sign.
"Ayyy nako! Ang ala-ga ko! A-ayos ka lang ba, Bene? Is samteng hurt? La-got ako nito kina ati!" Paputol-putol na sabi ni Yaya Mina matapos akong paikutin para tignan kung may galos at pagpagan ng dirt.
"I'm okay Yaya. Ikaw po? You don't look okay." Sabi ko.
"Hay jos-ko! Hini-ngal ako doon day!" Paputol putol paring pahayag nito tsaka kinuha yung pet bottle ko and then drank from it.
"Yaya that's my water!" Reklamo ko dito.
"Nako-o Bene, pahingi na." Sabi nito bago tuluyang inubos ang laman ng pet bottle ko. Sige na nga! She looks like she needs it anyway!
"Pangit, will you be careful next time?" Biglang sabi sa akin ni Yohan na nasa tabi ko na pala.
"Opo! Sorry if I made you worried." Nahihiya kong sabi sa kanya.
Inaabakyan niya ako kaya napatingin ako sa kanya. He smiled at me. "It's okay. I was just scared to lose a friend." I hugged him cause of what he said.
"I promise that you'll never lose me. We will be friends forever and ever and ever and ever!"
"Alright. Promise din. We can be best of friends!"
Napangiti ako ng malapad. I want that. He's cute and fun. Unang kita ko palang sa kanya kanina ay gusto ko na talaga siyang maging friend. I offered my pinky to him and he did the same.
We sealed our promise with a pinky swear then after that I hugged him...
BINABASA MO ANG
Loving Bestfriend
RomansaCliché story of a girl who fell in love with her best friend. The boyish Veneia Angela Samonte fell in love with her best friend since birth, Yohan Vladimir Arevalo- the player. And the player fell in love with - oh no, not her but with some evil w...