Chapter 4

1.8K 35 0
                                    

Nang dahil sa na-realized ko sa taxi pauwi nang gabing iyon ay pinili kong dumistansya muna kay Yohan. I started hanging out with Kik more often. Mainam na ang ganito. I also need time for myself.

"Kik, balik na tayo sa room!" Yaya ko dito pagkatapos namin maglunch. Hila-hila ko siya sa kwelyo niya sa likod.

"Ven, wait." Reklamo niya at tumigil sa pagpapahila sa akin, mas malakas siya kaya nadala niya ako. Kumawala siya sa hawak ko at lumapit sa upuan nina Mena, Lucy and Kyra. Napailing na lamang ako sa taglay na yabang nito.

They were chatting when Kik sat with them cooly. All of them gave him weird glances.

"Hi pretty girls!" Kumindat pa ito. Napangiwi ako maging yung tatlo. Kitang-kita ko ang pag-irap ni Mena kay Kik.

"Uhm, excuse me Francisco but can't you see, me and my girls are talking privately here?" Sarcastic na sabi ni Kyra dito pero Kik is one persistent a-hole.

"Oh go ahead, I won't mind hearing you girls talk about me." Tumataas taas pa ang kilay na sagot naman ng mayabang na si Kik. Goodness! Facepalm moment ito! Gusto ko siyang itakwil bilang kaibigan.

Umiling ako at sa pag-iling kong iyon ay nahagip ng mata ko si Yohan kasama ang isa na namang babae. Tss! It's a different girl this time. I wonder what happened to the freshman girl last week. Akala ko ba they were having a good time!

Naglakad sila papasok ng cafeteria at madadaanan nila ako. Sa taranta ko ay napaupo na din ako sa table ng tatlong babae.

"Uh hi!" Napipilitan akong ngumiti ng hindi halatang kinakabahan. Tinignan ako ng tatlong babae kagaya ng tingin nila kanina kay Kik. Napangiwi ako. Now they probably think I'm as weird as Kik. Ngumiti pa din ako sa kanila.

"Dude!" Tawag ni Kik sa kung sino. Dafuq! I hope it's not Yohan. Not Yohan...Not...

"Dude! Ven! What are you two doing here? San sila?" Damn! It was Yohan! Naikuyom ko ang palad sa ilalim ng mesa. Gusto kong sapakin si Kik sa ngala-ngala! Pinilit kong ibinaling ang ulo ko sa kay Yohan at doon sa kasama niyang babae.

"You know, these girls-" Tinakpan ko ang bibig ni Kik dahil walang kwenta lang naman ang sasabihin niya. Mapapahaba pa ang usapan nilang dalawa tungkol sa kayabangan nila kaya ako na ang sumagot kahit na gustong gusto ko nalang manahimik.

"Nandun sa table, naglalaro yung dalawa eh. Puntahan mo na." Pasimpleng taboy ko. Duh! Ayokong makita si Yohan at ang babaeng akbay niya sa harap ko ng matagal. Baka bigla kong sabunutan yang malanding yan at maubusan pa ng buhok, kawawa naman!

Tumango naman si Yohan at nagpaalam na. Nakahinga ako ng maluwag. I feel like I passed a test.

Naramdaman kong marahas na tinanggal ni Kik ang kamay ko na nakatakip sa bibig niya. Nakahawak pa pala ako doon. Pinunas ko sa damit niya ang kamay ko. Ewww ha!

"Why did you do that?!" Singhal niya sa akin.

"Alam ko naman na kayabangan lang ang sasabihin mo. Nakakahiya naman sa amin na halos kabagin na sa hanging dala mo! Leche! Dyan ka na nga!" Sarkastiko kong sabi at saka padabog na tumayo. Babalik nalang ako sa room ng mag-isa. Wala akong pakialam kung kay Kik ko ibinunton ang inis ko kay Yohan at sa babae niya! Siya naman ang may kasalanan kung bakit ko pa kasi nakita tapos iniiwasan ko nga tinawag naman niya.

"Hey Veneia, wait up!" Habol na tawag sa akin ng isang babae. I looked back and saw Mena, Lucy and Kyra tailing behind. Kita ko namang umiiling si Kik at may sinasabi habang naglalakad pabalik kina Jobs. I looked at the three again and saw that they were all smiling at me. Napakunot ang noo ko. Were they the ones calling me?

Loving BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon