Chapter 19

1.7K 35 2
                                        

Nang iniwan ako doon nina Mom, Dad and Karlo ay wala akong pinagsisihan. I was living life like I never had before. I'm spending my 18th birthday here too. Bukas na iyon kaya para magcelebrate ay nag-iinuman kami ditong apat sa kwarto ni Ate Carmela. We are trying to be quiet and discreet dahil baka mahuli kami ni Lolo. Lagot kami if ever.

Humagikhik ng malakas si Heart na medyo tinamaan na. Lol! I am tipsy too but I still have control.

"Ano bang pinagtatawanan niyo?" Tanong ko. Nagkukumpulan sila doon sa kabila at may tinitignan sa phone na hawak ni Jolo. I got curious. Sinilip ko ang phone at laking gulat ko ng akin pala iyon and they were checking my photos. Holy! I yanked it from his hand.

"Hey!" Reklamo ni Heart. Tumawa naman si Ate Carmela and Jolo sa akin. Tinignan ko ang screen ng aking phone and saw one of my pictures. Ito yung tinitignan nila kanina. Napapikit ako sa hiya.

It was a photo of me with the boys as one of the boys! This was taken after one of our basketball games. Nakatingala kami ng konti dahil sa angle na kinunan ni Kik ng selfie. And with this angle halos kita din ang mga suot namin di lang mukha. Jobs was behind us carrying the ball, si Leo naman ay nakatayo sa kaliwa ko habang nakacross arms and then si Yohan na nakaakbay sa akin habang ako ay napakalaki ng ngiti. Of course dahil akbay ako ni Yohan.

"So, tinuloy mo talaga yung pagpapanggap mo?" Tanong ni Ate Carmela. Napanguso ako. Yes, alam niya ang tungkol doon.

"Anong pagpapanggap yan?" Nagtatakang tanong naman ni Jolo. But not my other two cousins. Kay Ate Carmela ko lamang iyon nasabi noon.

"Ano nang nangyari? Napapansin ka na ba niya sa wakas?" Tanong ulit ni Ate Carmela totally ignoring Jolo's question. Inirapan ko siya. Naiinis na ako kasi her questions remind me of what happened.

"Hindi pa? Maybe you should stop trying to be one of the boys and be the real you. Baka mapansin ka na niya if you'll show him how pretty you are." Nagpatuloy talaga si Ate Carmela. Ang dalawang magkapatid naman ay nakikinig lang sa amin. Umirap ulit ako.

"What are you talking about?" Kunot noong tanong ni Heart. Then, her face lit up na parang may light bulb na nag-appear sa taas ng ulo nito. Oh gosh.

"Oh! You like your friend? Which one?" She shifted her position and faced me.

"Take note...not just a friend, her best friend." Ate Carmela corrected. "Yung nakaakbay sa kanya dun sa photo." Siya na din ang sumagot. Tsss. I shook my head.

"Pwede ba? Let's talk about something else." Tunog naiinis na sabi ko.

"Bakit ayaw mo pag-usapan? Basted ka no?" Nanunuyang wika ni Jolo. I glared at him. Then as if alam nila ang sagot nagtawanan silang lahat.

"Aww, so broken ka pala ngayon..." Dugtong pa nito ng natatawa.

"Way to rub it on my face, Jolo." Sarkastikong wika ko. Lalo silang nagtawanan. Nakakainis!

"Ano bang nangyari, Ate Ven? Kwento mo naman!" Ungot ni Heart. I shrugged. Really? She wants me to tell my broken tale?

"May girlfriend na." Nang sinabi ko iyon ay napainom ako bigla. Nanuyo ata yung lalamunan ko dun.

"Ohh, ouch talaga!" Nang-aasar na naman na comment ni Jolo. Tumawa ulit sila. Kairita! Pinsan ko ba talaga sila?

Hinampas ko ng unan sa mukha si Jolo pero tumawa lang ito lalo at inakbayan ako. Napailing nalang ulit ako. The door suddenly slammed open and we were all silenced.

Loving BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon