Chapter 2

2.5K 48 2
                                    

Ever since that day, lagi na kaming naglalaro. Madalas pa ring mag-away pero mas madalas nang nagkakasundo. They enrolled us in the same primary school.

"You are so pink and girly!" Sabi sa akin ng classmate namin na si Leo ng lumapit ako para ayain si Yohan na magcolor with me. Sinimangutan ko ito.

"Because I am a girl! Yohan, let's go color these books!" Baling ko kay Yohan.

"Ewww! That's a Barbie coloring book! Boys don't play with that." Reklamo na naman ni Leo. I folded my arms on my chest and looked at him sharply.

"Ikaw ba ang niyaya ko? I said Yohan! Don't be so papansin!" Sabi ko dito ng pairap then turned to Yohan. He was looking at the coloring books with disgust and then to me.

"Ven, I don't want to do it with you. Why don't you ask some of our girl classmates? Leo and I are going to play with these toy cars." Sabi ni Yohan.

Napanguso ako at kinusot-kusot ang mata. I wanna cry. I am his friend and friends play with their friends! Leo was making me away so he's not supposed to be our friend. I sniffed and was just really trying to hold back my tears. They both looked at me.

"The girl is gonna cry. Nyenye." Mocked Leo.

"Gay! I am not gonna cry! I am strong kaya di ba Yohan? If you don't wanna color with me then I'm going to play with you nalang." Sabi ko and hid the coloring books. No one's going to steal my best friend!

"Are you sure?" Tanong ni Yohan. Tumango nalang ako at napilitang makipagplay sa kanila. Toy cars aren't that bad I have one for my Barbie but it's in hot pink.

Simula ng makipaglaro ako sa kanila ng toy cars ay lagi na din naman ako nilang sinasama sa mga laro nila. Hindi ko man gusto ang iba doon cause they are for the boys but it's fine kasi I still have my best friend.

"Leo, look at this new game on my PSP!" I heard Yohan telling Leo who's also busy with his own PSP. Napasimangot na naman ako. Leo na naman! Nakita kong sumilip si Leo sa PSP ni Yohan at namangha. Nag-usap silang dalawa nang hindi ako sinasali. And I think even if they'll let me join wala din akong maiintindihan.

Hindi ako mahilig sa PSP tsaka sa mga nilalaro nilang combat and guns pero nung gabing iyon nang pinapatulog na ako ni Dad ay nagrequest ako ng PSP.

"What do you need it for, baby?" Tanong niya sa akin. Ngumuso ako at nagpaawa ng hitsura bago sumagot.

"Yohan has it. I want one too. Gusto ko din iyong may laro yung bang bang po." Hinaplos ni dad ang ulo ko habang tumatawa ng marahan.

"You want a boy's game?" Taas kilay na tanong niya. Tumango ako.

"It's fun, daddy! Gusto ko din nun. Please?" Patuloy ko sa pagpapaawa. Ouch! Pinisil niya ang pisngi ko habang umiiling ng nakangiti.

"Alright fine! How can I say no to my baby? I'll buy you one tomorrow. Basta just don't tell your mom I bought you, deal?" Sabi niya. Napangiti ako ng malapad, hindi ko napigilang bumangon at humiyaw payakap sa kanya.

"Deal! Thank you daddy! I love you so much!" Tuwang tuwa kong sabi habang nakayakap pa din kay dad.

"Yohan! Yohan! Look at my new toy! I have the latest games!" Pakitang-gilas ko agad kay Yohan nang magkita kami sa school kinaumagahan. Kagabi ko pa ito gustong gawin, halos hindi pa ako makatulog sa excitement na ipakita ito sa kanya pero kasi mommy didn't allow me to go to their house. Maging ito ngang PSP ay patago ko lang din nilagay sa bag kasi bawal akong magdala ng toys sa school.

Natuwa ako ng sobra nang makuha ko ang buong atensyon ni Yohan, lumapit siya sa akin at ni-check ang bago kong PSP. Sumama na din si Leo at isa pa naming kaklase.

Loving BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon