Chapter 9

1.5K 35 1
                                    

"Jean, would you like to hang out with us later?" Narinig kong tanong ni Yohan dito.

I don't know how it's possible that I heard him ask her despite the ruckus going on inside the classroom and to think I'm like at the far end of the room from them. Maybe malakas lang talaga boses niya or ninja moves na ata ang tawag dito out of insecurity and paranoia.

Naramdaman kong may tumabi sa akin at umakbay. Paglingon ko ay nakita ko si Kik. Napahinga ako ng malalim.

Kung sana si Kik nalang ang best friend ko. Ano kaya ang lagay ko ngayon? Will things be different? Will I get a chance? Will I even be able to get Yohan's attention?

"Mamaya sa Hideout daw ulit tayo, dude. There will be a lot of college girls again." Tuwang pahayag niya. He looks mischievous as if he's planning something or excited about something. Well, I know he's excited for girls. Nothing new.

Napagtanto ko na niyayaya ni Yohan si Jean sa Hideout kanina.

"Can I pass?" Parang balewalang tanong ko. Hindi ako dito nakatingin kundi sa pen na pinaglalaruan ko. I am thinking.

I don't think I can handle anything right now without breaking down. Puno ako ng takot, insekuridad at pangamba sa ngayon. Baka hindi ko mapigilan at sumabog nalang ako bigla.

"Bakit naman? Come on dude! It will be fun! It will be the girls' first time to go there. Sasama daw sila." Nakangising balita nito. Walang ganang tumango ako.

Wala naman kaso sa akin na sumama sila. Okay nga sana pero ang sabi ko nga kasama si Jean.

Seeing how Yohan acts with her, scares me. And seeing how all my friends welcome her, makes me insecure.

Isang araw palang pero pakiramdam ko ay naagaw niya na sa akin ang lahat ng meron ako. The worse part is she's unaware of it all and that she's more deserving than I am.

My insecurities are eating me alive! Nag-iinit ang gilid ng mata ko. God! I shouldn't cry in front of anyone just because of this!

Lumapit si Mena at umupo sa tabing upuan ko sa kabilang gilid.

"Excited na ako para mamaya. Maganda ba yung place?" Tanong nito sa akin pero si Kik ang sumagot. I guess I am too slow to function.

"Of course! Madaming babae." Sagot nito. I saw Mena rolled her eyes.

"I am not after girls. Duh!" Maarteng pahayag nito.

"Really? Then you must be after gorgeous guys like me?" Nakangisi at aroganteng sabi naman ni Kik. Kita ko ang pagngiwi ni Mena sa narinig.

"Yuck! Gorgeous? Saang parte?" Mapang-asar na tanong nito kay Kik na pinasadahan pa ng mapanuring tingin. Nanlaki ang mata ni Kik sa sinabi ni Mena.

Napabuntong hininga ako. Am I going to be caught in the middle of their endless banter?

Yumuko ako sa mesa at isinubsob ang ulo sa nakapatong na braso. I am not in the mood for this. Definitely not!

I have my own mess to deal with.

"Ang yabang mo!" Sigaw pa ni Mena kay Kik. Hindi ko na napigilan. I slammed my fist on the desk and that shut them up together with everyone else in the room.

"Will you two both shut the hell up?! If you are just going to argue, please, go out where I can't hear you! It's annoying!" Sigaw ko sa kanilang dalawa. Hiningal pa ako dahil sa tindi ng emosyong dumaan sa akin. I think I just had a freaking breakdown in the form of an outburst.

After that, nagsimulang umingay ulit ang paligid dahil sa mga bulung-bulungan sa ginawa ko.

I calmed down and looked at Mena and then Kik. They both looked shocked and scared.

"What happened? Ven?" Nagtatakang tanong ni Jobs sa amin. Ang buong barkada ay nakatingin na sa amin at parang ngayon lang din nakabawi sa nangyari.

"I'm sorry. It's just that..." I sighed.

"You are freaking scary when you are mad." Anas ni Kik na parang wala pa sa sarili dahil sa trauma na inabot.

"That's a first!" Puna naman ni Yohan. So, I got his attention because of that huh? Is that what it takes? Shout? Be honest?

"I'm just...my head is pounding since this morning. I'm sorry." Paliwanag ko. I looked at Mena na parang hindi pa din nakakabawi sa state of shock.

"It must be the amount of homeworks we have." Hula ni Leo. "We should definitely need to relax. Hangout na talaga ulit tayo later." Dugtong pa nito.

"Yeah, I think Leo is right." Pagsang-ayon dito ni Kyra. Napa 'woah' si Yohan at Kik sa sinabi nito. Jobs tapped Leo's shoulder with a grin. Lucy and Mena looked at each other mischievously and then smirked at Kyra. Alam ko na iyan dahil maging ako ay medyo nagulat at ngumisi din.

"What?" Maang na tanong sa amin ni Kyra.

"It's the first time you ever agreed with each other." Pahayag ni Lucy. Ngumiwi si Kyra sa sinabi nito.

"And it won't be the last. Someday we'll agree on more things and our feelings will finally be mutual too." Sabi naman ni Leo. He sounds so serious and he looks rather serious too.

Nagtawanan at hiyawan sila dahil doon. Inakbayan pa ni Jobs at Kik si Leo. Kyra turned bright red and gone mute.

Napapailing na lang din ako. I'd like to say kinikilig ako sa dalawa. Nakakawala sila ng badtrip.

"Yohan, dapat pala kay Leo ka magpaturo sa pagbanat dyan kay Jean. Ganoon dapat!" Singit ng isa naming babaeng classmate na nasa malapit lamang pala at naririnig ang usapan namin.

Tinignan ko ito at sinamaan ng tingin. Bina-badtrip niya ako ha! Kung siya kaya ang banatan ko ng literal sa mukha?! Goodness bItch!

Bumalik na naman ang inis ko nang dahil doon lalo pa at hindi na din natigil si Yohan kakakulit kay Leo. He took the advice seriously! Kaya naman pati siya ay gusto ko nang banatan din.

Nang mag-dismissal na ay nagkayayaan nang umalis papunta sa Hideout. Gusto ko pa sanang tumanggi pero hindi ko na nagawa dahil lahat sila ay kinausap na akong sumama lalo na si Yohan. Tingin ba niya ang lakas ko para tiisin siya at ang kanyang namumungay na mga mata't nagsusumamong boses? Pwes, hindi ako malakas nawalan nga ata ako ng lakas nang siya na ang kumausap sa akin.

"Oh Ven, bakit hindi ka nakikisali sa kanila? Nagmumukmok ka na naman dyan. Mamaya ako na naman ang kukulitin mo." Natatawang puna ni Kuya Mar sa akin.

Nandito na naman kasi ako sa harap ng bar area at nakaupo ng walang ginagawa. Nawawalan ako ng gana.
Everytime nalang na nandito kami wala akong gana. Well, sino ba naman ang gaganahan ganitong nakakainis ang sitwasyon at mga nakikita ko. Lahat sila by partner tapos ako lang ang wala!

Aba naman! Ninth wheeler na ang tawag sa akin nito. Napakasaklap!

At ito pa! Ito pa talaga!

Si Yohan todo asikaso kay Jean na akala mo naman bisita niya ito sa bahay niya. Bahay niya na pala ngayon ang Hideout? Di ako nainform!

Ngayon naman ay tinuturuan niya itong magbilliards. Umirap ako nang makita itong ngumisi nang mahawakan ang kamay ni Jean para turuang umasinta. Chancing ang unggoy!

Gusto kong magdadadabog at magreklamo dahil nung ako yung tinuruan niya hindi naman siya ganyan umasta! At, wala siyang pasensya noon. Sumuko siya agad kaya si Jobs ang nagturo sa akin.

This is so unfair! Wala tuloy kaming ganyang moment!

"Kuya Mar, pahingi nalang ako ng juice. Yung maraming maraming maraming yelo please..." para naman lumamig ulo ko kahit papano. Hininaan ko ang pagkakasabi nung huling salita.

Loving BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon