Chapter 13

1.5K 34 2
                                    

"Can I have my friend for a dance?" Napalingon ako kasabay ng pagkabog ng dibdib. Itinago ko ang pagsimangot nang si Jobs ang makita ko sa aking likod. Bakit hindi si Yohan? Umasa ako eh!

"Are you enjoying your night?" Tanong nito sa akin. Sumimangot ulit ako. Hindi niya naman ako nakikita kaya okay lang. Gusto kong magsumbong sa kanya na hindi ako nageenjoy kasi hindi naman ako sinasayaw ni Yohan.

"Oo naman." Pagsisinungaling ko. Pinilit kong gawing normal at masigla ang aking tono.

"Sure ka?" Hinarap niya ako ng nakataas ang kilay. Nasobrahan ata sa sigla ang aking tono kaya kaduda-duda. Knowing Jobs, he's sensitive of others.

Umirap ako upang itago ang pagkagulat.

"Yes, I am sure. Bakit naman ako hindi mag-eenjoy? Ako pa! I had everyone's attention. I had the spotlight kanina. Okay na okay yun!" Ani ko na ikinatawa niya.

"Crazy! Siyempre, you look different and beautiful tonight kaya nagulat sila kanina." Hinampas ko siya. Ako pa ang inuto. Alam ko naman kung bakit sila natahimik. Yes, so different from normal...They thought I am so baduy.

And ako beautiful? Sus! If everyone thinks I am beautiful then why won't Yohan notice?

Eh kasi his eyes were all over Jean...mas maganda pa rin si Jean. You're too late trying to be you, he'll never notice you now.

Napasimangot ulit ako. Oo na! Leche talaga!

"Where's Lucy?" Tanong ko nalang para maiba ang usapan namin.

"She's with the girls. There..." Sabay nguso nito sa may gitna ng dancefloor. I looked over and saw Lucy, Kyra, Mena and Jean dancing.

Inilibot ko ang tingin at nakitang halos lahat ay nakatingin sa apat na babae. Who wouldn't? They demand attention.

"You wanna join them?" Tanong sa akin ni Jobs. I looked at him horrified.

"Of course not!" Agarang sagot ko. Tumingin ulit ako sa apat at nakita ko silang nagtatawanan. Nanikip ang dibdib ko dahil sa mumunting mga kurot.

Napatingin sa amin si Lucy at nakita niya akong nakatingin sa kanila. She waved and urged me to join them. I smiled then shook my head. I'll only ruin the pretty picture.

"Ako naman!" Napalingon ako ulit sa kay Jobs at kay Yohan na ngayon ay nasa likod nito. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ang ibig niyang mangyari. He's finally going to dance with me. My moment, finally! Ang laki nang ngisi ko nang iabot ni Jobs ang kamay ko kay Yohan. Damn it! I am being too obvious but I don't care!

"Ngiting-ngiti ka ah?" Nakangising puna ni Yohan. Niliitan ko ang ngiti at medyo nahiya. "Ano? Bakit ang tahimik mo tonight, Ven?" Tanong nito. Umiling ako. This is probably my last dance. I won't entertain anyone after this. He may not be the first but at least he's still my last dance.

And this is my chance to ask him the questions I dread to ask. Magsasalita na sana ako nang naunahan niya ako.

"What do you think of Jean, Ven? Do you think she likes me? Do you like her for me?" Tanong nito matapos ang mahabang katahimikan habang nagsasayaw kami. Lumayo ako sa kanya ng konti at nakita siyang na kina Jean ang mga mata. The girls are still dancing.

I am here beside you Yohan. Ako yung nasa tabi mo, oh. Nandito naman ako pero bakit ang layo pa rin ng tingin mo?

He never once looked at me again nor notice I was looking at him. He was busy looking at Jean, particularly. Bumuntong hininga ako dahil sumasakit ang dibdib ko sa sobrang sikip nito.

So much for asking him. I don't think I'll even like his answers. Huwag na nga lang.

Pumikit ako at dinama nalang ang pagkakataon. Nasa tabi ko naman siya. Sinasayaw niya na ako. I'll have this moment for myself kahit kunwari lang.

"Ha?" Wait! Nagulat ako nang maramdamang binibitawan ni Yohan ang mga kamay ko.

"Hi Ven! It's my turn to dance you." Napatanga ako sa mukha ni Kik. Tinignan ko si Yohan na nakangiti sa amin. He tapped my shoulders then Kik's and turned his back on us.

"W--wa-what?" Kik began swaying. Nanlulumo ako. Wala na bang mas sasakit sa gabing ito. I'm losing Yohan to Jean and I just lost my chance for him to be my last dance. He didn't even asked me, he just gave me away. I hugged Kik. Naiinis ako. Naiiyak. Gusto ko namang pigilan eh pero punong-puno na talaga ako.

"What's wrong, Ven?" Pinipilit niya akong ilayo sa kanya para matingnan sa mukha pero mas hinigpitan ko ang yakap. "Naapakan ba kita?" Nagtatakang tanong nito.

Sa kabila ng luha at sama ng loob ay nakuha kong matawa. At dahil doon ay medyo gumaan ang pakiramdam ko. What will I do without Kik?

"Just let me hug you, Kik. Just until I feel okay." Sagot ko dito. Hinayaan niya naman ako. That's the thing about him. Maloko ngunit maaasahan. He didn't ask anymore questions.

Sinayaw ko pa si Leo matapos ni Kik. He was the last one I danced with. Hindi na ako nag-abalang isayaw ulit ni Yohan dahil busy na muli ito kay Jean. Aasa pa ba ako?

"Uuwi na kami. Ven, susunduin ka ba ni Tito?" Tanong ni Yohan. Hindi ko siya tinignan pero tumango ako.

Nasa labas na kami. I roamed my eyes around to search for Daddy's car. Isa-isa nang nagpapaalam sila. I just stood there. Kinuha ko ang phone ko sa secret pocket sa ilalim ng dress ko. May message from Dad! Lalo akong nanlumo nang mabasa ko ang mensahe niya.

Of all times! Bakit ngayon pa? Naiiyak na naman ako. Damn this! Hindi niya ako masusundo dahil matagal matatapos ang meeting nila. Sabi pa nitong sumabay nalang ako kay Yohan dahil susunduin naman daw ito ng driver nito. Ayoko! Ayoko talaga! Then what? Makikita ko na naman sila ni Jean? No way! Umay na umay na ako! I've been seeing red kanina pa!

What am I gonna do? Umupo ako sa hagdanan sa labas ng venue at pumangalumbaba. Pinagdiskitahan ko na din ang sintas ng aking chucks.

This night is a tragedy! Nakakainis! Lahat! Argh!

Paulit-ulit iyon sa utak ko.

"Ven! Come on! Nagtext si Tito, sumama ka na daw sa amin." Nag-angat ako ng tingin sa black SUV na tumigil sa harap ko kung saan nakasilip si Yohan. Napanguso ako. Kaiyak talaga ito. Bumuntong hininga ako at tumayo na. I don't have a freaking choice! No one's giving me a choice!

Padabog kong isinara ang pinto nang makaupo ako sa tabi ni Yohan. Nasa gitna namin siya ni Jean.

"What's your problem? Dahan-dahan naman!" Singhal nito sa akin. "Are you okay, Jean?" Ay naku! Naku! Naku! Napairap ako sa kawalan. Ano bang mangyayari ditong masama kung padabog kong sinara yung pinto? OA masyado! Ang layo-layo naman ni Jean!

"Sorry po..." Kunwaring mapagkumbaba kong pahayag. Punyeta talaga! Nanggigigil ako. Sobra-sobra! Someone please stop me!

I tried to calm myself. Pumikit ako at nagkunwaring matutulog para huwag naman silang maistorbo. Nakakahiya eh! Nakikisabay nalang ako, I'll disturb them pa? So kapal ko naman na niyan! Arggggh!

"Uhm, Jean, so you're free this coming Saturday?" Rinig kong tanong ni Yohan. Para pa siyang kinakabahan sa pagkakatanong. Hindi ko narinig na sumagot si Jean ngunit nalaman ko rin ang naging sagot nito. "Okay! It's a date then." Tuwang tuwang saad ni Yohan. Nanigas ako sa pagkakaupo. Ramdam na ramdam ko ang tubig na naipon sa gilid ng aking mga mata.

Sabi na kasi eh! Ayoko talagang sumabay dito. I really can't take more. I was already praying silently and repeatedly for the trip to end.

Loving BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon