Dalawang linggo pa akong nanatili sa hospital para sa iilan pang tests. Sa dalawang linggo na iyon ay hindi na muling pumunta si Yohan. Hindi ko ininda ang pagkawala ng kanyang presensya. It wasn't hard seeing as though it only feels like those times when he would ignore me because he was too focused on Jean. In other words, the feeling is not new at all.
Ngayon naman ang araw na pinayagan na akong lumabas upang makauwi. Kumpleto sina Mommy, Daddy at Karlo para sunduin ako.
"Are you ready to go home na?" Mom asked me with a smile. I smiled back and nod as an answer.
I am actually excited! I have been itching to get out of here after a week of waking up. Ayoko dito dahil pakiramdam ko ay may malubhang sakit ako at kailangang makulong sa hospital. Isa pa, sobrang nakakainip ang mahiga at maupo dito ng halos walang ginagawa. I felt invalid and the hospital gave out that vibe!
Dumating si Daddy na tulak-tulak ang isang wheelchair then inalalayan niya akong tumayo para makaupo dito.
"Wala na ba tayong nakalimutan?" Tanong ni Dad bago kami tuluyang umalis sa room at umuwi sa bahay. Tahimik lamang kami buong biyahe.
Nang makapasok ang sasakyan sa garahe ay pinagmasdan ko ang labas ng aming bahay mula sa bintana ng kotse. I roamed my eyes immediately and looked for any changes. A sense of relief washed through me when I saw little to none at all. Sa sobrang sanay ko na siguro sa pagbabago ay mas nagugulat na ako sa kawalan nito.
Inalalayan nila ako pababa sa kotse at maging sa paglalakad papasok sa bahay. Nang humakbang ako sa loob ay biglang nagsulputan ang confetti.
"Welcome home Ven!" Sabay-sabay na sigaw ng aking mga kaibigan kasama si Yaya Mina na naluluha-luha pa. Tumawa ako dahil sa pinaghalong gulat at saya.
Naghanda pala sila ng welcome party sa bahay. Kaya naman pala wala silang lahat sa hospital para sumundo at mayroong kanya-kanyang alibi.
I didn't mind though when they said they can't come to the hospital. I learned not to depend too much on other people. They can choose to support me or not but it won't matter because I have my own support system. I have myself!
Ngunit hindi ko maipagkakaila na masarap pa rin sa pakiramdam na may ibang mga tao na handa kang damayan.
"Thank you!" Sabi ko sa kanilang lahat.
Nandito din ang mga Arevalo maliban kay Yohan. Hindi ko na siya hinanap pa kina Tita Betty. Sa tingin ko din naman ay may alam na sila dahil wala rin silang nabanggit tungkol kay Yohan.
Matapos ang kasiyahan ay agad din naman akong nagpahinga. Medyo madaling mapagod ang katawan ko ngayon dahil hindi pa ulit sanay na naggagalaw.
Every other day ang gagawin kong therapy para makapaglakad ulit ng maayos. On the first days, I feel like a baby just starting to learn how to walk. Mahirap pala talagang magsimula ulit sa umpisa gayong alam mong nagawa mo na ito dati pa.
At ngayon nga, after another month, ay halos normal na ulit ang buhay ko. I can now stand and walk on my own. Almost everything seems to be falling into place like how they supposedly were. Almost.
Pinagmasdan ko ang aking mga gamit at libro noon sa kursong Business Management. I have missed the first semester of school dahil na din sa nangyari sa akin. Nagsimula na rin ang second semester na hindi ko na din naabot. But I don't feel any regrets.
Alam kong may nagbagong muli. Marami, actually. Hindi lang iyong pananaw ko o ang nararamdaman ko. Buong pagkatao ko ang nagbago.
I feel like I don't know myself anymore.
How can I be my own support system if I can't trust who I am? I guess this is the price I have to pay for all my pretensions.

BINABASA MO ANG
Loving Bestfriend
RomanceCliché story of a girl who fell in love with her best friend. The boyish Veneia Angela Samonte fell in love with her best friend since birth, Yohan Vladimir Arevalo- the player. And the player fell in love with - oh no, not her but with some evil w...