Nang magtanghali ay masaya kaming nagkukwentuhan habang kumakain. I remember the times we used to be like this. Marami naman kaming magagandang alaala, hindi lang kami ni Yohan kundi ng buong barkada. Ang totoo ay ganito naman talaga kami palagi noon. We were the kind of group who despite our different schedules and blocks maintained to stick together and still found time to see each other. We had a solid friendship.
It's sad to admit that I was the one who almost destroyed what we had. I have let my emotions cloud my perception of our friendship. Ako yung hindi solido yung paniniwala sa kung ano ang mayroon kami noon. Ako yung hindi natutong magtiwala. Akala ko kasi kapag inamin kong gusto ko si Yohan, they will start judging me.
I thought no one will choose to stay beside me through the pain. I thought I had to deal with it alone. Kaya siguro hindi ko rin nakayanan kasi wala akong mapagsabihan.
Admittedly, I felt what I only chose to feel. I saw what I only chose to see, which were the bad times. The times when I would leave the group to rather be alone. The times when I would stare at them from a distance.
Pinili kong ipunin lahat ng masamang panahon na pinagsamahan namin dahil iyon ang pakiramdam kong nararapat. Kinain ako ng sarili kong mga insekyuridad.
It's only now that I came to see what I missed to appreciate before. Yung saya, yung mga alaala, yung samahan na hindi mapapantayan at yung pagmamahal namin para sa isa't isa na walang hinihinging kapalit.
Sa buhay natin marami tayong makikilala, araw-aram may panibagong mukha tayong makakasalamuha, pero bibihira yung mga taong mananatili sa tabi mo buong buhay mo. Sabi nga di ba, people come and they go. Maraming tao ang darating at marami din ang aalis ngunit mayroon namang mangilan-ngilan na mananatili.
I looked at each one of them. They were so engrossed with their conversation and I'm only listening for now. Hindi ko kasi alam ang pinag-uusapan nila dahil isa ito sa bahagi nang buhay nila na wala ako.
Ngayon ko napagtanto na hindi sukatan ng pagiging totoong magkakaibigan ang distansya o dalas ng pagkikita. Hindi batayan ng sinseridad niya bilang kaibigan mo ang pag-alis ng isang tao. Leaving doesn't really equate to actual leaving unless without the intention of staying in your life.
Nanatili ang tingin ko sa nagkukuwentong si Yohan.
Ang totoong kaibigan umalis man ng matagal, mawalan man kayo ng komunikasyon, hindi man kayo magkita ng maraming taon, magkagalit man kayo at marami mang magbago, pakakatandaan mong mananatili ang hindi mapantayan niyong koneksyon.
Kinapa ko ang sarili kung mayroon pa rin akong nararamdaman na galit kay Yohan. Isang hakbang para linawin ang lahat ay ang pagtanggap na maaaring may mga bagahe sa nakaraan ang bitbit ko pa hanggang ngayon. I need to assess my feelings first before I talk and make peace with him because the moment I do, I want everything out. Yung walang natitira ni isang salita o letra sa isip ko mula sa lahat ng gusto kong sabihin sa kanya.
Yumuko ako at nanatili ang titig sa pinagkainang plato. Ano nga ba ang nararamdaman ko ngayon ukol sa kanya? Binuksan ko ang parte ng aking isipan, isang baul kung saan ko itinago ang bawat bagay na ginusto kong iparating o itanong sa kanya. At tanging kanya lang.
Ngumiwi ako nang biglang buhos ng iba't ibang emosyon. Tingin ko ay sa dinami-dami ng aming alaala ay ganoon din ang dami ng mga bagay na ikinubli ko sa kanya.
Starting from when we were kids up until...now. Yes, I guess that's the truth. Hanggang sa ngayon meron pa rin akong mga piniling itago. Another step is to be honest to myself more than anyone.
Naramdaman ko ang mahinang tapik sa braso ko kung kaya't nag-angat ako ng tingin. Nakita ko silang lahat na nakatitig sa akin, pagtataka at pag-aalala ang nangingibabaw sa kanilang mga mukha.

BINABASA MO ANG
Loving Bestfriend
RomanceCliché story of a girl who fell in love with her best friend. The boyish Veneia Angela Samonte fell in love with her best friend since birth, Yohan Vladimir Arevalo- the player. And the player fell in love with - oh no, not her but with some evil w...