Chapter 37

2K 37 7
                                    

I slipped out of my slippers and started walking on the white-gray sand. Tumigil lamang ako nang makarating sa may gitnang bahagi tsaka tumingala at pumikit, sinasalubong ng mukha ang init na galing sa araw na nasa aking tapat. I extended my arms in a welcoming gesture for the ocean breeze and twirled a couple of times.

I sighed satisfied. It has been awhile, buti nalang na dito at sa ganitong paraan namin napiling icelebrate ang birthday ni Jobs. Namiss ko ang pakiramdam na hatid ng beach.

Naalala ko ang London. The noise coming from the streets of bustling cars and briskly walking people. I remember how I always say that it sure feels like day even during at night. And, how fast-paced my life has become just to adapt to the place. Time became just numbers rapidly ticking away. Nothing else.

Now being back to this kind of place and having acknowledged the different vibe it exudes. The city suddenly felt like it was a prison and I was a prisoner for years. It never offered me this kind of comfort, peace and surprisingly, freedom.

Nagmulat ako at inayos ang tingin sa dagat. Pinagmasdan ko ang paulit-ulit na paghampas ng alon sa dalampasigan na minsan ay tila galit at minsan naman ay tila humahaplos lamang sa buhangin. Naglakad ako ng mas malapit sa hampas ng alon. Sa aking paglapit ay nakadama ako ng kakaibang lamig sa hanging dala ng mga ito. And again, my mind starts working out of curiosity.

Is it the wind bringing in the waves or is it the waves creating the wind?

Natawa ako sa naging takbo ng aking isip. I've always loved complexities, I guess. I like making life harder than it should normally be and die finding answers to questions I should not have asked in the first place.

Yumuko ako at pinulot nalang ang hinubad na tsinelas matapos magpasyang bumalik na muna sa nirentahan naming cottage. Nakasalubong ko pa sina Kik and Leo na sumisigaw at nagtutulakan pa na parang mga bata sa pag-uunahan makarating sa tubig. Natatawang sinundan ko ng tingin ang dalawa at nakita kung paano sumubsob sa tubig si Leo dahil sa malakas na tulak ni Kik at kung paano nagsimulang magsabuyan ng tubig ang dalawa.

"Look at those two idiots." Rinig kong pahayag ni Yohan habang nakatingin sa dalawa nang malapit na ako sa cottage. Amusement is visible on his face. At hindi nawala iyon kahit sa paglipat niya muli sa akin ng atensyon gaya nang kanina at kahapon niya pa ginagawa.

He's been watching my every move like a predator to its prey ever since we've got here. Alam ko dahil ramdam ko, hindi ako manhid. Lagi ko siyang nahuhuling nakatingin sa akin. He doesn't mind getting caught. Yet, it bothers me.

It bothers the bloody hell out of me how often I catch him looking because that means, that's how many times I looked at him too.

Umupo ako sa tabi niya dahil lamang sa wala nang ibang espasyo. Nanguha ako ng chips na pwedeng makain. Hindi ako gutom ngunit kailangan ko ng mapagkakaabalahan kundi ay baka magkahulihan na naman kami ng tingin.

"They look like lovers." Natatawang pahayag ni Jean. Halos pareho kami ng naiisip sa eksenang ginagawa ng dalawa sa may dalampasigan kaya naman ay nakitawa din ako.

Isa pang higit sa bag ng chips ay halos sumuko na ako. Pakiramdam ko ay ang hina-hina ko dahil lamang sa hindi ko ito magawang buksan. Nang ibabalik ko nalang ito sa mesa ay may humigit nito mula sa mga kamay ko. Wala akong nagawa kundi ang panoorin si Yohan na buksan ito. Isang subok lamang ay nabuksan niya agad at iniabot sa akin.

"Here. This is why you should eat more. Konti lang kasi ang kinain mo kaninang breakfast." Aniya.

"Thanks." Mahina kong pahayag dahil nagtatawanan pa rin ang iba lalo na nang sumigaw at kumaway pa sa amin sina Kik at Leo.

Loving BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon