After eating I walked up to where most of the people are seated. Nakita ko ang mga magulang ko sa isang lamesa kasama sina Tito Josef at Tita Betty at iba pang mga hindi ko kakilalang tao. Seeing that they are all oldies, I refuse to join them so I scanned the tables to look for my friends.Habang nililibot ko ang aking tingin ay nakikita ko naman ang mga tingin ng ibang bisita sa akin ngunit imbes na mailang ay lalo akong umayos ng tayo at patuloy na hinanap ang aking mga kaibigan. Agad ko naman silang nakita dahil sa pagtayo ni Yohan mula sa kanilang lamesa habang mataman na nakatingin sa akin.
Naglakad siya palapit sa akin para salubungin ako. When did he ever became a gentleman? Wait, that sounds incomplete.
When did he ever became a gentleman towards me?
"Saan ka nagpunta kanina?" Salubong niya sa akin ngunit hindi na naman siya mukhang galit o inis. Nagkibit balikat lamang ako bilang sagot at nilampasan siya papunta sa aking mga kaibigan.
Ngumiti ako nang mapansing lahat sila ay nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa akin hanggang sa unang nakabawi ang mga babae at sinugod ako ng yakap.
"Veneia!" The girls squealed in delight. Batid kong napatingin sa amin ang halos lahat ng mga bisita dahil sa lakas ng kanilang pagkakasigaw sa pangalan ko.
"Girls, honestly, I can't breathe." Natatawang reklamo ko dahil nakayakap pa din silang tatlo sa akin. They all laughed.
"Oh my gosh, girl! You really are back!" Ecstatic na saad ni Mena.
"And you look so great!" Sabi naman ni Kyra habang sinisipat ang kabuuan ko.
"Told you she's here." Singit na sigaw ni Yohan mula sa aming gilid. He seems proud and happy. The girls replied but I ignored him. They asked me to sit with them at the table where I saw a few bottles of expensive liquors and glasses. Tumaas ang aking kilay.
Bago umupo ay niyakap ko isa-isa sina Jobs, Leo and of course, Kik the most.
"Kailan ka dumating? Hindi ka man lang nagpasabi!" Ani Jobs.
Doon ko lamang din napansin ang presensya ni Jean. She's just staring at me and she looks uneasy. Hindi siya sumalubong sa akin kanina kaya ramdam kong hindi pa rin siya maayos sa nangyari sa aming dalawa noon. So, I just gave her a small smile in order not to be rude before settling down between Jobs and Leo. I feel like I'm one of the boys again.
"I arrived just this morning. Bakit ko sasabihin 'di hindi na surprise yun?"
"Wow! Plano mo talagang sorpresahin si Yohan ngayon?" Inosenteng tanong ni Kik sa akin kaya hindi ko malaman kung paano ko siya sasagutin. Where did he bloody get that idea? Oh my, of course, he is Kik! I forgot just how annoying he can get sometimes.
Sinulyapan ko si Yohan na ngayon ay nakaupo sa aking tapat katabi ni Kik at Jean. He looks hopeful waiting for my answer but I may be wrong. I became worried when I remembered Jean is with us I don't want this to cause conflict now so I looked at her briefly to see her reaction only to meet her eyes. She's looking at me too like she's also waiting for my answer. Wala akong makitang galit o inis sa kanyang mukha para sa nakabiting tanong ni Kik sa akin na siyang ikinamangha ko.
I guess she learned how to trust Yohan's love for her. Na walang sinuman ang makakaagaw kay Yohan sa kanya, lalong lalo na ako. Good for them.
"You know what, buti nalang birthday niya pala ngayon so nakita ko kayo agad." It is the safest answer I can think of.
Mabuti na lamang nang dahil sa naging sagot ko ay napunta na ulit ang usapan sa pagkatuwa nila sa aking pagdating hanggang sa napunta na iyon sa kanya-kanya naming mga buhay at trabaho. They also saw and checked out my tattoos. Manghang-mangha sila sa rose and thorns ko sa likod.

BINABASA MO ANG
Loving Bestfriend
Roman d'amourCliché story of a girl who fell in love with her best friend. The boyish Veneia Angela Samonte fell in love with her best friend since birth, Yohan Vladimir Arevalo- the player. And the player fell in love with - oh no, not her but with some evil w...