"Pagbutihan niyo ang defense lalo na doon sa #20! Bantayan niyong mabuti dahil mabilis siya kahit hindi siya matangkad." Utos ni Jobs sa amin. Laro ng mga babae ngayon at nandito sila para i-coach kami.
Tumutulo ang pawis ko kaya ay ginamit kong pampunas ang jersey shirt ko. Wala akong pakialam kung nawawalan na naman ako ng poise.
"Falcons on three!" Sabay sabay na inilahad nila ang mga kanang kamay at ipinagpatong-patong iyon sa loob ng ginawa naming bilog. Hindi na ako sumali pero nakisigaw nalang ako. Naisip ko kasing I can handle my own sweat but not theirs. Hello? Kung makikisiksik ako ay didikit din ang pawis nila sa akin.
Nakita kong parating sa pwesto ko si #20 kaya naman ay binantayan ko itong maigi. Naiinis na ako at gusto ko na siyang kalmutin sa sobrang galaw niya. She's dribbling from left to right and front to back. Pasikat masyado ang babaeng ito. Sana mabitawan niya iyong bola!
Ngumisi siya sa akin nang harangan ko siya. Umismid ako sa ngisi niya. Mawawala din iyan, you'll see!
"Pwedeng umalis ka sa daanan ko, hindi ako pumapatol sa lesbo." Maarteng saad niya. Ngumiwi ako. I know what she's trying to imply, na type ko siya. Like ewww?! Feelingerang palaka to! Kahit siguro tomboy nga ako hindi ko pa din siya magugustuhan! She's simply ugly!
"Huwag kang mangarap dyan." Mariing sagot ko naman lalo siyang ngumisi sa pagiging seryoso ko. Now, it's game time! Naiinis na ako sa babaeng ito. Kanina niya pa ako pinaparinggan at iniinsulto.
Humakbang siya pakaliwa kaya naman ay ganoon din ang ginawa ko at nang lilipat siya sa kanan ay mabilisan kong inagaw sa kanya ang bola at nagtagumpay naman ako. Naghiyawan ang mga tao sa paligid at ang pinakamalakas ay sa mga kaibigan ko. Tumawa ako habang dinidribol ang bola papunta sa ring. Nakita kong hinabol niya ako at sinubukang harangan. Ha! Ako naman ang napangisi. Told you girl, I'll wipe off that annoying smirk. Nakita kong nainis siya at biglang nagseryoso ang hitsura pero binalewala ko iyon at sinubukang tumalon para sa isang lay-up.
Napangiwi ako nang bumagsak ako sa sahig. "Agh!" Narinig ko ring pumito ang referee sa ginawang pagtulak sa akin ng babaeng iyon. I tried to stand up only to wince from pain. Shit. I think I injured my ankle pa. Bumagsak ulit ako sa sahig dahil sa baling natamo. Gusto ko mang sugurin ang babaeng iyon sa ginawa niya sa akin ay hindi ko na magawa.
Nagaalalang dumalo sa akin sina Jobs, Leo at Yohan. "You okay?" Tanong ni Leo habang sinisipat ang aking paa. Umiling ako. Inikot-ikot pa niya iyon na parang wala lang.
"Damn you! Masakit nga di ba?" Naiinis kong sigaw dito dahil hindi makaramdam na nasasaktan ako sa ginagawa nitong pag-ikot sa paa ko. Tumawa lamang ito kaya inirapan ko na.
"Chill." Malumanay na pahayag ni Jobs na lalo ko atang ikinainis.
"You want me to chill? That bitch just pushed me kaya ako nagkaganito. Ang lakas mang-asar, pikon naman pala." Naiiritang sabi ko pa. Nag-uumapaw na sa inis ang aking sistema.
"Anong sabi sayo? Gusto mo awayin ko?" Seryosong wika naman ni Yohan. Natigilan ako at para bang naubos lahat ng inis ko saka napalitan ng purong kilig. Gagawin niya yun? Aawayin niya ang babaeng iyon para sa akin?
"Yohan, hindi magandang mang-away ka ng babae. It was just a game siguro ay nagkapikunan lang talaga sila sa court. It happens right? Baka masuspend pa ang team natin if you'll do that too." Bumaling ito sa akin. "And yang injury mo, hindi naman malala. We'll just apply cold compress and you'll be good to go pero huwag ka na munang maglaro ngayon ulit." I rolled my eyes at Jobs! Damn it! Why does he always have to be the mature thinker? Nandoon na eh! Kinikilig na ako sa gagawin ni Yohan for me then haharangin niya lamang.
Inalalayan nila ako sa pagtayo at paglakad papuntang clinic to have my ankle checked pa din. Doon na ako nagpalipas buong hapon. Hindi nila ako pinaalis at ang masama pa ay iniwan nila ako ng walang kasama, pati si Yohan ay hindi nagawang manatili doon para samahan ako. Lahat sila ay nanood ng cheering competition. Itinulog ko nalang ang nararamdamang pagkairita sa buong araw na ito.
Nang uwian ay nailalakad ko na ang paa ko ng dahan-dahan. Wala pa rin ang mga kaibigan ko para balikan ako sa clinic kaya ay ako nalang ang naghanap sa kanila. Nalibot ko na ata ang buong school maliban sa gym. Nang makapasok ako doon ay kitang-kita ko na agad si Yohan sa isa sa mga benches na may kasama na namang babae. Huminga ako ng malalim sa nakikita, tanggap ko na ang ganitong tanawin ngunit unti-unti akong nanigas nang makilala ang kasama niyang babae. It's #20, si palakang kokak. Ang alam ko din ay senior student na yan pero maliit pa din. Bakit niya ito kalandian? Nakalimutan niya na ba agad na tinulak ako nito at ininsulto? I feel betrayed more than heart broken. Kaibigan ako at hindi lamang kung sinong babae di ba? Then he should respect me. Sana ay naghanap nalang siya ng ibang babaeng lalandiin ay mas tanggap ko pa.
Hindi na ako tumuloy sa pagpapakita sa kanila at umuwi na lamang sa bahay. Pagdating ko doon ay nagsumbong agad ako kay Mommy na napilayan. I'll know she'll overreact and she really did. Pagkasabi ko ay dinala niya agad ako sa hospital para ipagamot. The doctors said that I am fine but mom still asked for me to be confined hangga't hindi siguradong magaling na nga ang paa ko.
I was grinning because I was really aiming for that. Ayoko munang pumasok sa buong week ng intramurals. Nagtatampo ako ngunit ayoko iyong malaman nila. I want Yohan to realize what he did wrong without me telling him anything. Sana man lang maging sensitive siya sa bagay na ito, kahit man lang dito di ba?
"Bakit ka nakaconfine? I thought okay naman ang paa mo?" Tanong ni Yohan sa akin ng bisitahin nila akong apat sa hospital.
"Not really. Masakit pa din siya." Kumunot ang noo nito at hinawakan pa ang paa ko saka sinubukang pisilin. Umarte akong nasaktan sa ginawa niya.
"Akala namin mild injury lang yan, lumala? Pero kailangan ba talagang nakaconfine ka pa dito? Ilang araw ba?" Tanong ni Jobs.
"I'll be staying here for a week sabi ni Mommy." Sagot ko at saka ibinaling na ulit ang atensyon sa pinapanood.
"Week? OA naman ni Tita." Tumatawang sabi ni Kik. Ngumisi lang ako pero ang buong atensyon ay nasa pinapanood pa rin.
"So hindi ka makakapaglaro?" Tanong ulit ni Jobs. Umiling ako bilang sagot.
Duh! I am enjoying my stay here kaya. Hindi ko kailangan magpaka-amasona sa court at magpakapawis ng bongga sa paglalaro. This is way better kaya bakit ko ipagpapalit? For what? For them? For the team? No way. Ako lang ang naghirap. Ako ang nasaktan. So where's my team during those times? Wala. Hayun at nilalandi pa ang kaaway.
I know it's wrong to ask for something in return with everything I do but can anyone blame me? People have the tendency to do things because they expect others to do it to them as well. It's not the golden rule for nothing. Sa mundong ito, aminin man natin o hindi...dumarating talaga tayo sa puntong gusto natin nasusuklian ang lahat ng mga ginawa natin. Especially when it's love and care that was given.

BINABASA MO ANG
Loving Bestfriend
RomanceCliché story of a girl who fell in love with her best friend. The boyish Veneia Angela Samonte fell in love with her best friend since birth, Yohan Vladimir Arevalo- the player. And the player fell in love with - oh no, not her but with some evil w...