Chapter 21

1.8K 32 0
                                    

Madalas mag-isa akong tumatambay sa library. This is my version of the peace garden now. Kapag narito ako imbes na management books ang binabasa ko ay napapadpad ako sa mga libro and magazines about interior designs. And sometimes, I'll try to make my own design according to what I have just read. Para akong nagself-study lamang.

Ironically, I act as though I am still pursuing my dreams after being deprived, but the thing is, I was not deprived of my dreams.Ako ang may gustong kunin ang Business Management kahit na ang gusto ko ay Interior Design or anything about Arts. Ako ang nagdeprive sa sarili ko mula sa pangarap ko.

Minsan hindi ko na din maintindihan ang sarili ko. I know I lost a part of me and I'm continuously losing myself. Pero ang problema, hindi ko na alam kung paano pigilang mawala ang lahat sa akin.

"Kilala mo ba yung Yohan Arevalo? Yung freshman..." Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nakita kong mahinang nag-uusap ang isang babaeng maikli ang buhok at isa pang babaeng may kulot naman na buhok. Nakaupo sila sa ikalawang mesa mula sa harap ko kaya ay rinig ko pa rin.

"Ah, yung nagtry-out sa basketball varsity?" Tanong nung babaeng kulot ang buhok.

Natigil ako sa pagdrawing at natulala. Pati ba naman usapan ng iba si Yohan pa din ang maririnig kong topic? This is making me crazy.

"Oo. Ang gwapo niya no?" Humahagikhik pang sabi ng babaeng may maikling buhok.

Napairap ako. I want to shush them but the thing is their voices aren't really that loud. Ako lang talaga ang may malaking tainga na kahit ilang kilometer ang layo basta't tungkol kay Yohan ay naririnig pa din. Ako pa ang lalabas na nakikinig sa usapan nila.

Yumuko ako at kunwaring pinagpatuloy ang pagdrawing ngunit ang totoo ay nakatanga lamang ako at nakikinig sa kanila. Ayokong pahalata.

"Yeah, too bad may girlfriend na."

"Malay mo magbreak pa. Wala namang forever ah." Natatawang sabi nung isa. I found myself slyly nodding to her statement.

Oh, I am not a hypocrite! Aaminin ko sa sarili ko na gusto kong magkahiwalay sila. I don't care if I am betraying them as friends for wishing them bad. I don't care if it will break Yohan's heart. I'll be there to help him heal. I don't care about anything as long as I'll be given another chance.

Pinilig ko ang aking ulo para maalis sa isip ko ang mga ito.

I can be evil in thoughts but not in deeds. Alam kong kahit anong isipin kong masama ay hindi ko pa rin kayang gumawa ng masama. That's why I am keeping my distance. Hindi ko man matanggap pa ng buong buo ang lahat pero kaya kong rumespeto.

"Well true, sana nga!" Humagikhik ang may kulot na buhok. Natawa na silang dalawa.

"Pero grabe 'no teh? Nakakainggit yung girlfriend niya. Ang gwapo niya na nga, galing pa magbasketball tapos ang sweet pa! Kanina nakita ko sila sa cafeteria. Sinusubuan niya si girl!"

Nagsusubuan na naman yung dalawa? Ngumiwi ako sa inis at kirot na naramdaman. It's not new to me dahil madalas nilang gawin iyon kahit sa harap ng maraming tao. Sa harap ko!

Hindi naman ako nagda-diet dahil alam kong sexy na ako pero napipilitan nalang dahil nawawalan ako ng appetite kapag kasabay ko silang kumain. Namamayat na nga ata ako. I'm getting malnourished and it's their damn fault!

"Talaga? Ayy ang sweet talaga!" Kinikilig na pahayag ng kulot ang buhok.

Napatingin ulit ako sa dalawang babae. Nakita kong ang lalapad ng ngiti nila at mukhang sinisilihan ang kanilang upuan. Umiling ako at umiwas na ulit ng tingin. Kanina ay naiinggit pa ang dalawang ito ngayon naman kinikilig na. Paano nila iyon nagagawa? Parang gusto kong magpaturo.

Loving BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon