"Wow! Your daughter is a natural beauty, Veron." Saad ng baklang HMUA nang makita ang kinalabasan ng gawa niya. I admit I look extra beautiful tonight because of the make-up. But my hair is the same, still in an old maid bun.
"Sure ka bang yang chucks ang gusto mong isuot? Ang dami-daming magagandang heels dito baby girl oh." Hindi ko alam kung pang-ilang tanong na sa akin iyan nung baklang HMUA, sa pagbabakasakaling makumbinsi niyang magbago ang desisyon ko. Ngumisi ako at saka umiling.
"I am more comfortable wearing these baka matisod lang ako sa heels." Pahayag ko. But of course, I am lying. I know how to walk on those things like a pro. I just don't wanna be so girly tonight, as I've said, I am not yet ready to give up this disguise. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Mommy na nakaupo sa bed ko.
"Let her be, Sasha. She has her own style that even I cannot reckon nor change." Ani Mommy. She knows that I will never be persuaded. Nilingon ko ito at tinawanan. I kissed her on the cheeks lightly and checked myself one last time on the mirror.
I am wearing a simple yet detailed champagne colored cocktail dress paired with my black high-cut chucks. I have this skater chic vibe to it actually. Parang hindi ako pupunta ng isang formal event sa ayos ko pero kung tutuusin ay mas nagmumukha akong tao ngayong gabi kaysa sa ayos ko araw-araw.
At dahil wala akong date ay hinatid ako ni daddy sa hotel na paggaganapan ng senior's night. Nakita kong marami nang nagdadatingan. Lahat sila ay nagbobonggahan ang mga hitsura, from their gowns to their shoes and to their jewelries. I am definitely running for the worst dressed award.
Namataan ko mula sa malayo ang pagdating nina Lucy and Jobs na magka-date for the night. Agad akong nagpaalam kay daddy upang puntahan ang dalawa. Gusto kong sumabay para hindi ako panghinaan ng loob.
"What the-" hindi naituloy ni Lucy ang histerikal niyang reaksyon pagkakita sa akin. Nakita ko din ang pagpisil ni Jobs sa kamay nitong nakahawak sa braso niya. Natatawang tinignan ko sila at kinindatan.
"How do I look?" Tuwang tanong ko saka umikot pa.
"O-okay." Tila napipilitan pang sagot ni Lucy.
"You look great, Ven." Matamis ang ngiting sabi ni Jobs. I cooed.
"Thank you! I know I do." Muntik na akong matawa ng tuluyan ng makita ko ang pagngiwi ni Lucy sa sinabi ko.
"Let's go in?" Yaya ko sa dalawa. Sabay-sabay kaming naglakad papasok. Sa may entrance ay kailangan daw sabihin ang pangalan at ng partner upang maiannounce sa loob ang pagdating. What? That grand of an entrance? I should probably wait until the program starts before I go in? I can only subject myself to a limited humiliation and this one is too much.
Nakita ko ang naaawang tingin na ibinigay sa akin ni Lucy. "Are you okay? We can just say that you are with us. The three of us can all go in at once." Marahang suhestiyon nito.
"No! No! I won't be a third wheeler." Tumatawang tanggi ko. "Sige na, pumasok na kayo. I can't ruin your night. I'll go in alone. I'll be fine." Paninigurado ko sa kanya.
"Basta sumunod ka ha? Everyone's inside already and they are all waiting for us." Sabi ulit nito. Tumango naman ako bilang sagot. Pagkatawag ng pangalan nila ay pumasok na agad silang dalawa. Dinig ko ang palakpakan mula sa loob maging ang ibang hiyawang nangyari. Lalo akong kinabahan sa maaring mangyari sa akin.
Veneia Angela Samonte and...
Hindi na iyon nadugtungan ng announcer, nanatili iyong nakabitin lamang. Kinalma ko ang sarili sa pamamagitan ng paghugot ng malalalim na paghinga at saka naglakad papasok. Nang makita ko na ang buong ballroom ay tahimik lamang na nakatingin sa akin ang mga tao. May narinig akong mangilan ngilan lamang na pumapalakpak at sa tingin ko ay mga kaibigan ko lamang iyon. Natauhan din siguro ang mga tao at saka unti-unting lumakas ang palakpak. It was awkward. It was one epic fail moment!
Buong gabi ay nasa table lang ako. They are all busy dancing or socializing while I'm busy eating. May iba't ibang cakes na nakalatag sa harap ko. Anything sweet is my comfort food because damn this. Kung alam ko lang na wala naman akong mapapala dito kundi kahihiyan at init ng ulo ay sana nanatili na lang ako sa bahay.
I looked at Yohan and Jean who were dancing for like twenty songs already and rolled my eyes. Hindi ba sila napapagod? Nagtatawanan din sila and a little too intimate for my liking that's why I am so pissed!
I diverted my attention to the cakes instead. Kumain ako ng kumain at inubos ko iyon. Hindi ko namalayang sa wakas ay napagod din sila sa pagsasayaw.
"You finished all of those cakes? Baboy mo talaga." Natatawang asar ni Yohan sa akin. Hindi ko siya pinatulan.
"Napagod kayo kakasayaw?" Tanong ko kahit na ang gusto kong itanong ay kung bakit tumigil pa sila sa pagsayaw. Because seriously, I thought they plan on dancing forever!
I never even had my first dance yet. Niyaya na ako nina Jobs and Leo and even some classmates pero tinanggihan ko iyon saying wala pa ako sa mood magsayaw kasi gusto ko siya ang first dance ko. First and last...
"Pagod na daw si Jean." Simpleng sagot ni Yohan sa akin saka inasikasong maigi si Jean. "Do you want me to get you food? Nagutom ka ba? How about desserts?" Narinig kong masuyong tanong nito kay Jean. Napasimangot ako lalo, nag-aalab sa inggit ang mga mata ko. Yumuko nalang ako para hindi iyon mahalata at pinaginteresan ang mga crumbs ng cake sa pinggan like it is the most fascinating thing on earth.
What I'd give to be in Jean's position right now. Probably my all? I think I really need to give it my all first to be in her position because it's gonna be difficult to steal it from her.
"Hindi ka ba sasayaw?" Nag-angat ako ng tingin sa kay Yohan. Bumilis ang tahip ng dibdib ko. It is hoping against hope that he'll finally ask me for a dance.
"Wala namang nagyayaya eh." Pinalungkot kong sagot. God, I am desperate!
"Meron naman ah ang arte mo kasi. Sino naman hinihintay mong magyaya sayo, si Santa Claus?" Sarkastiko at nanunuya niyang pahayag. Lalo akong nanlumo. Ang kaninang nabuong pag-asa ay gumuho.
Pwede ko bang sabihin na siya ang hinihintay ko? I mean, he's too numb to even notice. He's way too engrossed with Jean to remember to ask me. His best friend!
Tipid na ngumiti ako sa pang-aasar niya. "Wala," bago ko iyon madugtungan ay may nagyaya na sa aking magsayaw na kakilala. Pumayag na ako at sumama dito sa dancefloor at iniwan ang dalawa sa table. Sumasayaw ako at nakikitawa sa partner ko pero sa totoo lang ay sobrang lungkot ang lumukob sa akin nang marating ang dancefloor.
Hindi din ako sumusulyap sa table namin. Ayokong makita siyang nakaupo doon habang nandito ako sa dancefloor at nagsasayaw. I don't wanna think about it. I may not take it too well. Baka bigla nalang magbagsakan ang mga luhang kanina ko pa pilit na ibinabalik.
"Are you okay?" Tanong sa akin ng partner ko. I smiled at him and nodded. Mas pinag-igihan ko ang pagpapanggap na okay. Nag-usap pa kami pero habang nakatingin ako sa kanya ay lalong nagsisink-in sa akin na he's my first dance and...
Yohan will never be my first dance now.
~~~•~~~
Happy Easter everyone!!!💓

BINABASA MO ANG
Loving Bestfriend
RomanceCliché story of a girl who fell in love with her best friend. The boyish Veneia Angela Samonte fell in love with her best friend since birth, Yohan Vladimir Arevalo- the player. And the player fell in love with - oh no, not her but with some evil w...