Chapter 7

1.7K 39 2
                                    

"Ven, okay na ankle mo?" Salubong sa akin nina Mena at Lucy. Ngumiti ako at tumango. Regular classes na naman dahil tapos na nga ang intrams. Pinanindigan ko ang pagpapaconfine sa akin ni Mommy for a week sa hospital. Hindi naman iyon masama, relax na relax nga ako.

"I heard from Jobs you were brought to the hospital." Ani Lucy. Binalingan ko siya at nginisian. Kahit papaano ay naging close na din ako sa kanila. Natutuwa ako dahil kahit ganito ang hitsura ko ay paunti-unti tinanggap nila ako bilang kaibigan at natutupad ang matagal ko na ding gusto, ang maging miyembro ng grupo nila.

"Yeah. So, nagkausap kayo ni Jobs?" Puno ng malisya kong tanong. Kitang-kita ko ang pamumula ng pisngi niya habang si Mena naman ay tawa ng tawa.

"Yes! You know ba during the games, kami ni Kyra cheered for our teammates tapos we were looking for her, she was with Jobs pala! They were dat-" Biglang tinakpan ni Lucy ang bibig nito kaya natigil sa pagkukuwento. Inis na inalis naman ni Mena iyon. "You ruined my lip gloss." Sabay irap na reklamo nito kay Lucy. Napapailing na ngiti na lamang ako sa dalawa.

"Saan si Kyra?" Hinanap ko ito habang iniikot ang mata sa buong room. Nang ibalik ko ang tingin sa dalawa ay nakita ko itong sabay na nagkibit balikat. Ginaya ko ang ginawa nila at nagtuloy na sa upuan ko.

"Ven mah dude!" Malakas na wika ni Kik nang umupo ito sa tabi ko at niyakap-yakap ako. Napapangiwi ako sa bawat alog at higpit ng kanyang yakap kaya ay binatukan ko siya upang matigil.

"Francisco naman! Ang aga-aga nambubulabog ka! Ano ka alarm clock?!" Singhal ko dito. Tumawa ito saka nagsalita gamit gaya ng tono ko.

"Veneia naman! Ang aga-aga ang corny mo!"

Binatukan ko ulit siya ngunit agad siyang nakaiwas. Ngumuso ako sa pag-iwas niya ngunit bigla naman may bumatok din sa kanya. Nilingon ko kung sino at nakita ko si Yohan at Jobs sa likod ni Kik.

"Inaasar mo na naman si Ven." Suway ni Jobs kay Kik.

"Is your ankle fine now?" Tanong ni Yohan. Itinaas ko ang paa ko at inikot ikot iyon sa harap nilang tatlo.

"Yeah, obviously." Bumaling ako kay Jobs nang may maalala. "Congratulations coach Jobs! Champion tayo ah. Pa-burger ka naman!" Sabay bigay dito ng magandang ngisi.

Umismid ito. Ang arte! "Kung magpapa-burger ako hindi ka kasali. Wala ka namang naitulong eh." Sinimangutan ko ito.

"Burger lang, wala nang kai-kaibigan!?Grabe naman, ganyan ka na pala Jobs!? Tsaka anong wala, isinakripisyo ko ang sarili sa court na iyon!" Madrama kong saad. Ewan pero feel ko mag-emote, siguro dala na din ng sobrang boredom sa pananatili ko sa hospital kaya medyo nababaliw ako ngayon. "Sige ka! Isusumbong kita kay Lucy!" Pananakot ko na mukha namang epektibo. Hindi ko nga lang sigurado kung natatakot ba talaga siya o nahiya sa sinabi ko.

"Wow dude! Sinong Lucy?" Interesadong tanong ni Kik. Umirap ako. Ang bagal talaga ng pick-up nito ni Kik, minsan mapapaface-palm ka na lang.

"Ang slow mo talaga kahit kailan, Kik! Sino pa? Eh di si Lucy!" Pahayag naman ni Yohan. Literal akong napaface-palm sa sinabi nito. Akala mong nalinawan niya ang sitwasyon ngunit kung titignan ang hitsura ni Kik ay parang lalo lang itong lumala sa kawalan ng ideya. Ang sarap pag-untugin ng dalawa. Ang titino talaga kausap!

Tinignan ako ng matalim ni Jobs ngunit nginisian ko lang siya.

"Magsumbong ka. Ano namang magagawa niya?" Matapang na hamon niya sa akin. Pinanliitan ko siya ng mata at akmang sisigaw na upang tawagin si Lucy. Kitang-kita ang panlalaki ng mata niya sa pagkataranta.

"Oo na! Ven, oo na! Kahit limang burgers pa!" Dagliang bawi nito. Malapad akong napangisi. Now I know...

"Whoa! Ako din dude, libre mo din ako." Saad ni Kik na nakatanggap lang ulit ng batok galing kay Jobs.

Loving BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon