I need to suppress or even kill this feeling. Yes, kill this. He's supposed to be just a friend. Nagawa ko nang pigilan dati baka pwede ko pa ding gawin ngayon. I have to. Mali talaga ito. So the next days ay pinilit kong maging normal ulit ang lahat...kagaya ng dati.
"Ven, sama ka?" Tanong ni Yohan sabay akbay sa akin at lapit pa ng mukha. My breath hitched. Good heavens! Hindi ko siya matingnan dahil nanigas na ako. Why does he have this effect on me? Why is it too strong?
Siguro ay nainip siya sa hindi ko pagsagot kaya ay inalis niya ang pagkakaakbay sa akin at hinarap ako. Doon lamang ako nakahinga ng maayos.
"Ven, ang sabi ko, sasama ka?" Ulit niya. Siya nalang pala ang naiwan sa akin dahil nakalabas na ang tatlo at doon naghihintay sa may corridor.
"Mauna na kayo sa gym. Dito na muna ako may tatapusin pa akong notes." Dahilan ko.
Ven, akala ko ba normal ulit? Bakit umiiwas ka na naman?
I reprimanded myself but mahirap talaga, alright?! Habang tumatagal palang pinigilan mo ang isang bagay ay lalong nagpipilit kumawala.
"Hi Ven! Bakit mag-isa ka dito sa room?" Nilingon ko si Lucy na may kinukuha sa bag niya. Ngumiti ako.
"May tinatapos lang." Lumapit siya sa akin at tinanaw ang ginagawa ko.
"Notes for Economics ba yan? Can I copy too? Hindi ako nakapagtake down kanina eh." Umupo siya sa upuan sa unahan ko nang nakaharap pa din sa akin.
"Sure." Sagot ko at nagpatuloy na sa paglilipat ng notes sa mas maayos na paraan. Hinintay niya akong matapos at nang matapos ay ibinigay ko na sakanya iyon.
"Let's go. Sama ka with us sa benches." Nakangiting yaya niya sa akin. Gusto ko sanang tumanggi at manatili na
lang sa room para matulog ngunit nahila niya na agad ako."Girls, look who's with me again?!" Sigaw ni Lucy kina Mena at Kyra. Nakita ko ang pagngiti ng dalawa nang makita ako na hila-hila ni Lucy.
Napapatingin sa amin ang ibang students na umuukupa sa ibang benches ng may pagtataka ang mga mukha. Yeah, I know. They must be wondering why am I with these girls.
"Okay lang ba if I join you? Hindi ba masyadong nakakahiya?" I asked uncertain.
"Of course not! Why is it nakakahiya? Ikaw talaga!" Natatawang tanong ni Kyra. I just shrugged and looked around again. Sumunod silang tatlo sa pagtingin sa paligid.
"Don't mind them. They will never understand." Nakangiting saad naman ni Mena. Ngumiti na din ako.
"Malapit na ang intramurals. What sport are you joining?" Tanong sa akin ni Lucy nang mapag-usapan namin ang nalalapit na mga school events.
"Siguro women's basketball nalang ulit." Nakita ko ang pagngiwi nila. Of course, girls like them would never play this sort of sport. Ganoon din naman ako noon. Naalala ko nung una kong subok ay halos maiyak ako sa inis. The boys were all so persistent for me to join them dahil kulang sila ng isang player nang magkaroon sila ng laban with another bunch of guys. Wala akong nagawa kundi sumali sa kanila, ako lamang ang babae. I was so afraid of breaking my nails or scraping my knee from running and dribbling the ball but I got used to it after several games. Muntik na akong mag-inarte habang naglalaro kung hindi ko lamang kailangan magpanggap.

BINABASA MO ANG
Loving Bestfriend
RomansaCliché story of a girl who fell in love with her best friend. The boyish Veneia Angela Samonte fell in love with her best friend since birth, Yohan Vladimir Arevalo- the player. And the player fell in love with - oh no, not her but with some evil w...