Chapter 20

2K 30 4
                                    

It's the first day of classes. My first day in College. I'm taking up Business Management. Why? Simply because yun ang course na kinuha ni Yohan.

Yeah! Yeah, fine! Ako na talaga ang martyr. Pilit ipinagsisiksikan ang sarili sa taong ayaw naman talaga sa akin. But the thing is, he wouldn't know that I'm forcing myself in his life. Iisipin niyang I'm a constant variable, matagal na akong nasa buhay niya kaya natural lamang kung kasama niya pa rin ako ngayon.

"Wow! Awesome! You're driving your own car too, dude! Astig mo talaga!" Pahayag ni Kik nang magkita kami sa parking lot. Inikutan niya pa ang kotse ko na para bang inoobserbahan niya. I don't know anything about cars and I'm not interested, aside from their colors. I wanted a purple car but it's too girly for my character so I was forced to settle for a blue one. Dang!

"When did you learn to drive?" Tanong pa nito. Ang alam ko kasi ay noong summer ay nag-aral din siya with Leo. Sina Jobs and Yohan ay matagal nang marunong.

I shrugged and saw Yohan's car approaching. Unang beses namin itong magkikita ngayon simula nang bumalik ako. Inayos ko ang sarili, glanced at my car's window too para tignan kung maayos naman ba ang mukha ko.

"Last summer too. Nagpaturo ako sa pinsan ko. We'd go to Laoag, sa Sand Dunes sometimes so I can practice." Sagot ko habang busy sa pagsuklay ng buhok ko.

Am I being obvious? No, of course not.

Nang nagpark sa katabi kong parking space si Yohan ay nakahanda na ang malapad kong ngiti.

Goodness, Ven! You can't even contain yourself. You are too ecstatic!

Patuloy kong sita sa sarili ngunit hindi ko naman pinapakinggan. I remained all smiles until the passenger door opened and Jean popped out from there. Tumikhim ako at pinilit ibalik ang nawalang ngiti.

"Ven! I missed you!" Sigaw ni Jean nang makita ako. Muntik na akong umirap. Nasanay kasi akong irap ng irap sa mga pinsan ko.

"Yeah! Me too!" Plastic kong sagot.

"Hey Ven!" Yun lang ang naging bati sa akin ni Yohan saka nito kinausap si Kik. What? Didn't miss me, Yohan?

"Where have you been all summer? Ang ganda ng kulay mo! Nag-beach ka ba?" Sunod-sunod na tanong nito.

"Kami din ni Yohan, nagbeach, sumama siya sa family reunion namin sa Batangas pero two days lang yun and we were busy so wala akong oras para magpa-tan. Sayang talaga. I envy your sun-kissed skin!" Patuloy niyang pahayag.

I'm itching to tell her that I envy her for spending time with Yohan though. Mas maganda pa rin iyon kaysa sa tan ko. Mas maganda iyon kaysa kahit anong bagay.

Palihim na humugot ako ng malalim na hininga at pilit na binigyan siya ng tipid na ngiti. "That's great! Talagang official na kayong dalawa. He's met not just your family but your clan. Ibang level na!" Sa pinasiglang tono kong pahayag, itinatago ang sakit, inggit at sarkasmo sa pahayag kong ito.

"Yes. I'm so glad dahil napapatunayan kong seryoso talaga sa akin si Yohan." Sagot naman niya. I wanna slap her for being happy.

Nasasaktan kasi ako sa tuwing masaya siya. Kasi ako din, napatunayan kong seryoso nga si Yohan. He has never been this serious before. I don't even remember him being serious at all to the point of involving their families...ngayon lang. Kay Jean lang.

Mabuti nalang at biglang dumating na ang iba pa din naming kaibigan kaya ay nakalayo ako kay Jean. Pero sa paglayo ko sa kanya ay siya namang paglapit ni Yohan dito. Honestly, hindi ko na alam
ang mararamdaman ko. Masakit, malungkot at nakakaiyak. Pero parang kaya ko naman, napipigilan ko pa naman. Masasanay din siguro talaga ako.

Loving BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon