After that conversation, he became eerily quiet and distant to me. Kahit noong nasa sasakyan na kami pauwi ay hindi pa rin siya kumikibo. Mom and Tita Betty seem to notice as they were giving us both weird glances but they know better than to pry. Hinayaan nila kaming manahimik na dalawa.
Nang tumigil ang sasakyan sa tapat ng bahay ay palihim ko siyang sinulyapan. Nanatiling nakatingin siya sa harap at hindi lumilingon kahit na noong nagpasalamat si Mommy sa kanya. Tumingin lamang siya sa rear view mirror sa kanyang pagsagot.
I get it. Nasaktan siya sa sinabi ko. I admit that it was harsh of me to rub the truth in his face. Hindi ko lamang napigilan ang sarili. He made me remember the way he saw me as just the best friend when all along I wanted him to see me as something more.
And I hate recalling that part of my past. I'm ashamed at how pathetic and desperate I was.
Nagpaalam na din ako kay Tita Betty. I got out and didn't talked to him nor looked back.
Simula nang gabing iyon ay hindi ko na siya nakita pa muli. Hindi na siya nagpupunta ng bahay at nangungulit. Mas mabuti na rin ang ganito dahil nagkakasakitan lamang ulit kami gaya ng dati.
As much as possible, I don't want that to happen. Hindi ko gustong maulit ang nangyari noon at ako naman ang manakit ngayon. I still have a heart and my conscience.
Napagpasyahan kong lumabas ngayong araw. I am in a nearby coffee shop and drafting a design on my laptop. I need a change in environment and a little noise around. Lagi na lamang kasing apat na sulok ng kwarto ang aking nakikita. The change in scene and perspective may enhance my creativity.
Abala ako sa ginagawa nang may humila ng upuan sa aking tapat. I rolled my eyes cause I have an idea who it is. Akala ko pa naman tumigil na siya sa pangungulit? Inangat ko ang aking ulo para sana tignan siya ng masama ngunit laking gulat ko nang makilala kung sino ang nasa harap.
"Gabe!" Magkahalong gulat at galak kong sambit.
"I'm glad to see you too, Veneia. But were you expecting someone?" Natatawa niyang pahayag dahil sa narinig na tuwa mula sa akin. Ngumiti ako at binalewala ang huli niyang tanong.
"Akala ko hindi na ulit tayo magkikita dahil hindi ko naman nakuha ang number mo. Sorry for what happened too, by the way."
Ngumiti siya at tumango.
"It's okay. I understand that he was just jealous." I made a face and did not say anything more for this nonsense.
"So, you and Yohan?" He asked not letting the topic die. I shook my head no and even so, he concluded otherwise.
"I don't believe you, that is not what I saw. Kunwari ka lang palang single."
"Hindi. I am really single!" Giit ko kahit na hindi naman kailangan patunayan. The fact that he thinks me and Yohan are in a relationship starts a revolution in my mind. It seems like the most impossible thing in the world right now. He tsked and still seem doubtful.
"I suddenly have an idea why you've changed." Nang-aasar ang kanyang tono na para bang may alam siya na hindi ko alam.
"Why?" Seryoso at kunot noo kong tanong. I'm annoyed at the way he keeps on pushing it when it's not true.

BINABASA MO ANG
Loving Bestfriend
RomanceCliché story of a girl who fell in love with her best friend. The boyish Veneia Angela Samonte fell in love with her best friend since birth, Yohan Vladimir Arevalo- the player. And the player fell in love with - oh no, not her but with some evil w...