Lunes na ngayon at may pasok na naman.Kasalukuyan akong nasa loob ng kwarto ko at nag-aasikaso sa pagpasok sa school.
Bookworm ako oo, pero hindi ako ganon kasipag mag-aral.
Hindi mo ko matatawag na nerd kasi hindi ako pala-aral at hindi rin ako naka-salamin. Tinatamad nga kong pumasok ngayon. Sadyang mahilig lang talaga ko magbasa ng libro tulad ng fantasies, teen fiction, tragic, and more!
Kainis!
What if bumalik na lang tayo sa panahon na lalaki lang ang nag-aaral? What if lang naman.
Haaayyy!
Nakakatamad kasing pumasok. Parang gusto ko na lang mahiga buong araw o araw-araw.
Second quarter na namin at ang sabi ni Ma'am Madrid nung biyernes, may recitation raw kami ngayong araw sa subject niyang English. Be ready raw.
Like? nakakatamad mag review, beh.
Nakapagbihis na ko ng uniform at hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko pagtapos kong suklayin.
Saglit akong tumingin sa whole length mirror. Bet na bet ko talaga ang uniform namin. Mala, korean uniform.
Ang white polo kong uniporme na tinuck-in-an ko ng itim kong palda na 3 inches above the knee at pinatungan ko ng kulay itim na blazer na hanggang bewang lang, na may na katatak na logo ng school sa left side. Amazon High School. Dalawa lang rin ang butones nito. At nakaipit sa loob non ang neck tie ko.
At syempre ang black medyas kong hanggang tuhod at flat na itim rin na school shoes.
Mas lalong tumingkad ang kaputian ko pero sakto lang naman.
Nang makuntento na ko sa ayos ko ay agad kong kinuha ang light pink bag ko at sinuot. Lumabas na ko ng kwarto.
"Oh, nagaaral ka pala?" Bungad sa'kin ni ate Hana pagkababa ko ng hagdan.
Inirapan ko 'to. "Obvious ba? Eh, ikaw? Aga-aga ang pangit mo."
Maliit lang ang bahay namin kaya pagbaba mo, makikita mo agad ang sala at dining area. Magkatabi lang sila.
Pare-pareho silang kumakain na ng umagahan.
Nakaupo si ate sa tapat ni Mama habang 'yung isang paa ay nakapatong na naman sa upuan.
Sasagot pa sana ito sa'kin nang sumabat si mama.
"Aga-aga, nagaasaran na naman kayo!" Sita samin ni Mama.
"Si ate, kasi!"
"Si Eka, kasi!"
Nagkatinginan kami ni ate. Pinaningkitan ko siya ng mata habang tinataasan niya lang ako ng kilay.
"Ang lakas ng loob mo! Ikaw naman nauna, ha?"
"And so? Ikaw nga wala kang galang! parang 'di mo ko ate, ha?" Dinuro niya pa 'ko ng hawak niyang hotdog.
"Wala kong kapatid na duwende!" asar ko sa kaniya saka ko siya binelatan.
"Aba't talagang! Mama, oh! Pa, 'yung anak mo, oh?"
Natawa ko saka ko siya muling binelatan.
"Tumigil na kayo. Eka, umupo kana nga at kumain." Si papa na ang sumaway samin.
Agad akong umupo sa tabi ni ate. Don kasi talaga ang puwesto ko. Habang si papa nakaupo siya sa dulo ng lamesa. Kung saan talaga nakaupo ang padre de pamilya. Si mama naman na nasa gilid ni papa, ang katapat ni ate Hana.
Nagkatinginan kami ni ate kaya pareho kaming nag irapan sa isa't isa.
Nagsimula na kong kumain.
Hotdog, itlog, ham, fried rice, tinapay at syempre may tig-iisa silang kape habang ako ay gatas. 'Yan lang ang laman ng hapag namin ngayon.
BINABASA MO ANG
He Stole My First Kiss | Completed √
Teen FictionEkaanta is a nobody in their school at ang gusto lang niya ay mag-aral ng maayos at tahimik, pero hindi niya inaasahan na sa dinami-rami ng estudyante sa school nila, si Leon pa ang makakaaway niya, si Leon na isa sa miyembro ng Amazon High's basket...