Chapter Sixteen

1K 23 10
                                    

"Accla, anong gagawin mo?!" mahinang singhal sa akin ni Jane. Kasama niya si Kate.

"H-Ha?" lutang kong turan.

"Ikakapahamak mo 'yang balak mong gawin! Baliw ka!" sermon sa akin ni Kate.

Hinatak nila kong dalawa palayo ro'n.

Inupo nila ko sa bench. Madaming ganito sa paligid ng school na madalas tambayan ng mga estudyante.

Sinamaan nila ko ng tingin. "Ano bang nasa isip mong babae ka?" Jane asked.

Nakagat ko ang labi. "N-Naaawa ako sa kaniya."

"Dapat 'di ka naaawa sa bruhang 'yon! Pagkatapos kang saktan!" si Kate.

"Oo nga. Nakaramdam ka pa ng awa pagkatapos kang sambunutan. Deserve niya 'yon!" si Jane.

Napanguso ako. "E, kasi naman. Grabe naman kasi 'yong ginagawa sa kaniya nila Michelle."

"Dapat lang sa kaniya 'yon!" sabay na sabi nila.

"Alam niyang mangyayari 'yon sa kaniya 'pag nalaman 'yon ni Michelle!" si Jane.

"Sigurado akong 'pag pumayag ang Dean na hindi siya i-kick out pagkatapos makiusap ng magulang niya, siya na rin mismo ang kusang lilipat dahil sigurado akong hindi siya titigilan ng sisterhood ni Michelle," sabi ni Kate. "Pero sure naman akong 'di papayag si Dean 'no!"

"Ang sama niyo! Hindi ba kayo naaawa?"

Natigilan sila. Napakamot ng batok si Jane at napaiwas ng tingin. Napaiwas rin ng tingin si Kate. "Dapat lang sa kaniya 'yon, makati kasi. Kairita siya," rinig kong bulong ni Jane.

"Nagpanting nga 'yong tenga ko nung marinig kong may nangyari sa kanila ni Troy at Ybarro, e," inis na sabi ni Kate. Sa malayo pa rin ito nakatingin.

"Sana all talaga," sabay na sabi nila.

Napailing na lang ako. "Paano niyo nalamang nando'n ako? Kanina pa ba kayo naro'n?"

Napatingin sila sa akin. "Naisip naming nandon ka dahil wala ka sa room. Doon ka kasi namin madalas nakikita ni Jane na tumambay nung 'di ka pa namin close," sagot ni Jane.

"Kararating-rating lang din namin do'n. 'Yong part lang na sinabi ni Mariafe na may nangyari sa kanila ni Troy at Ybarro ang narinig namin," sabi ni Kate na parang biglang nabwisit.

"Jusme kayo. Dapat 'di na kayo nagulat sa sinabi niyang 'yon. Si James na rin ang nagsabi sa Dean's office kanina na pinambayad ni Mariafe 'yong katawan niya sa ibang varsities para mapatahimik sila 'di ba?"

"Kahit na! Hindi pa rin ako makapaniwala!" sabi ni Kate.

"Ang popogi kaya non, Eka!" si Jane.

Napairap ako. "Inggit lang kayo, e!"

"Kaya nga kami nagkakaganito dahil naiinggit kami sa kaniya!" sabay na sabi nila.

Napairap ako.

Wala naman 'yong teacher at 'yong sumunod na teacher kaya tumambay na lang kami rito sa bench at puro chismisan lang ang ginawa namin hanggang sa mag-break time ulit.

*****

Bumalik na kami sa room at lahat ginawa ko hindi ko lang matapunan ng tingin ang tukmol na si Leon. Shuta siya alam kong nakangisi na naman 'yon sa akin at isa pa, nahihiya ako!

Lumipas ang oras at huling subject na namin. Mapeh.

Nakinig lang ako nang nakinig. Tutok na tutok ako kay Sir at ni isang beses ay 'di ko inalis ang paningin sa kaniya maiwasan ko lang na tignan si Leon.

He Stole My First Kiss | Completed √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon