Chapter Twenty-three

2.6K 66 18
                                    

Kasalukuyan akong nasa hapag kumakain ng almusal kasama ang pamilya.

Miyerkules ngayon at syempre may pasok na naman. Nakauniporme na ko at papasok na lang 'pag natapos na kong kumain.

Katamad nga!

Bakit kasi dalawang araw lang ang walang pasok sa isang linggo?

Pwede bang limang araw na lang at dalawa lang ang pasok sa isang linggo?

Baligtarin natin, parang mas bet ko 'yon, eh.

"Malapit na Intrams niyo 'di ba? Papasok ka na ba sa araw na iyon?" Tanong ni ate.

Tumango ako.

"Ay wee? Siguro dahil kay Leon 'no?" nakangiting sabi niya.

"Hindi 'no! Dahil 'yon sa mga kaibigan ko."

Napanganga ito at napahinto naman sa pagkain si Mama at Papa.

"Mga? Kaibigan? Bukod kay Leon, meron ka pang ibang kaibigan, 'nak?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mama.

Muli akong tumango.

"Talaga?!" Hindi rin makapaniwalang sigaw ni Ate.

"Mabuti naman. Akala ko tatanda ka na talagang wala man lang kaibigan, anak ko, senorita," sabi ni Papa.

"Sawa ka na bang mag-isa kaya ka nakikipagkaibigan? O sinasapian ka lang ngayon?" Inalog nito ang balikat ko. "Kapatid, ikaw ba 'yan?"

Iritang tinanggal ko 'yon. "Pwede ba, kumakain ako."

Ngumite ito. "I'm so proud of you, nagagawa mo na talagang makipag-socialize!" Yinakap niya ko.

"Pwede ba 'te, ang baho mo!"

Napabitaw ito sa sa akin at napaamoy sa sarili bago napangiwi.

"Sorry. Wala kasi akong pasok kahapon kaya kahapon pa rin ako 'di naliligo."

"Kadiri!" Pinagpagan ko ang uniporme ko.

Baka mangamoy amoy niya pa ko kahit na kapapabango ko pa lang. Ayoko pa namang maging mabaho pagpasok ko.

Nag-peace sign ito bago muling umayos ng upo.

Psh!

"Tao po!" Nakarinig kami ng katok sa labas.

Gulat akong napalingon ro'n ng mapamilyaran ang boses.

Nagkatinginan kami nila Mama.

"Kaibigan mo, Hana?" Tanong ni Mama kay Ate.

"Hindi. Hindi naman ako pinupuntahan ng mga 'yon rito lalo na at umaga," sagot ni ate.

"Tao po! Magandang umaga! Gising na po ba si Eka?" tawag ng nasa labas.

Nanlaki ang mata ko at agad nagtatakbo sa pintuan. Binuksan ko iyon.

"Ohayo, kawai!"

Jane?

Kailan pa 'to naging Japanese?

Napatingin ako sa kaniya at sa mga kasama niya.

Pare-parehong naghihikaban ang mga kalalakihan habang nakangiti sa akin si Jane at Kate.

"Anong ginagawa niyo rito?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Wala lang. Gusto ka lang namin sunduin ni Jane ngayong araw," sagot ni Kate. Gusto ko sanang itanong kung paano sila nakapunta rito e, hindi naman nila alam papunta rito pero dahil kasama nila si Leon na siyang nakakaalam papunta rito. Gano'n rin si James at Hanz, hindi ko na pinagpatuloy.

He Stole My First Kiss | Completed √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon