Napailing ako sa dalawa kong katabing sina Jane at Kate na cheer nang cheer sa lalaking 02 ang number sa likod.
Base sa panonood ko sa kaniya, magaling siyang mag-volleyball. Blocker ata ang tawag sa kaniya basta siya 'yong laging humaharang sa bola, basta gano'n! Hindi naman kasi ako maalam sa Volleyball at sa kahit na anong sports.
Pero hindi ang galing niya ang dahilan kung bakit ganito mag-cheer ang dalawang ito sa kaniya.
Pinagmasdan ko ang mukha ng lalaki. Guwapo ang lalaki at maputi, matangkad rin siya at sigurado akong 'yon ang dahilan ng dalawang tukmol na 'to kaya siya chini-cheer.
Mukha niya ang nakalagay sa merch na kinakawag-kawag ng dalawang tukmol.
Ang lalaking iyon ay sa Volleyball team ng school namin kalaban nila ang team ng ibang school.
Maganda ang laban. Parehong magaling ang dalawang kupunan.
Ini-spike ng kalaban ang bola na agad naman naharang ni number 2 kaya bumalik sa kanila ang bola na nasalo naman ng kalaban at muling binalik sa kanila ang bola.
Paulit-ulit na naging gano'n ang nangyayari sa pagitan nila at parehong hirap maka-score ang dalawang kupunan.
Grabe, nakaka-intense pala ang laban ng Volleyball.
"Rodriguez, kaya mo 'yan!" Tili ni Kate. Si number 2 ang tinutukoy niya.
Nakasulat ang apelyido nito sa likod ng Jersey niya.
"Go, baby!" Si Jane.
Nawala ang atensyon ko sa panonood at napatingin sa kamay ng katabi kong kinalas ang pagkakahawak sa kamay ko at nilipat sa bewang ko at doon nanatili.
Nakagat ko ang labi.
Pinilit kong muling ituon ang sarili sa panonood kahit na nakukuha ng atensyon ko ang kamay niyang humihimas sa bewang ko.
Napasulyap ako sa kaniya na seryoso lang na nanonood.
"Leon..."
Agad itong tumingin sa akin. "Hmm?"
Napalunok ako. Bakit parang ang sexy niyang mag 'hmm'?
"'Di ba dapat nagpa-practice kayo ngayon dahil mamaya na ang laban niyo at hindi nanonood?"
Inipit nito sa tenga ko ang kaninang nakakalat kong buhok sa aking mukha.
"Yeah, dapat nga. Pero nag-practice naman na kami kagabi kaya okay lang na manood na kami ngayon bago ang laban," aniya. "Pero sila John ay nagpa-practice pa rin ata ngayon." Nagkibit-balikat siya.
Tumango-tango ako. "Gano'n ba."
"Yes," sagot niya kahit hindi naman iyon patanong.
Itutuon ko na sana ulit ang atensyon ko sa panonood nang bigla niyang hawakan ang baba ko at nilapit sa mukha niya ang mukha ko.
Napatingin ako sa kaniya na nakatingin ngayon sa labi ko.
Binasa niya ang sariling labi bago kinagat. Pumungay ang mga mata nito. "You know what..." Pabitin niyang sabi bago itingin sa akin ang mapupungay niyang mga mata. "I want to kiss you, again... and again."
Naitikom ko ang labi at napapalunok na umiwas ng tingin sa kaniya.
Muling uminit ang pisnge ko. Binitawan niya ang panga ko kaya iniharap ko na ang mukha sa laban.
Binagsak nito ang mukha sa aking leeg at doon nanatili.
Naramdaman ko ang mainit nitong hininga sa aking leeg kaya hindi maiwasang magsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan.
BINABASA MO ANG
He Stole My First Kiss | Completed √
Teen FictionEkaanta is a nobody in their school at ang gusto lang niya ay mag-aral ng maayos at tahimik, pero hindi niya inaasahan na sa dinami-rami ng estudyante sa school nila, si Leon pa ang makakaaway niya, si Leon na isa sa miyembro ng Amazon High's basket...