Chapter thirteen

3.6K 62 10
                                    

EKAANTA POINT OF VIEW:

Naalimpungatan ako dahil sa naguusap sa tabi ko.

"Bumili ka ng makakain niya, Jane! Gutom 'to pagkagising kaya kailangan may pagkain na nakahanda," boses ni Kate.

"Sige dito ka lang bantayan mo siya."

"Sige."

"'Wag kang aalis, ha?"

"Oo nga!"

Nakarinig ako ng pagsarado ng pinto.

Dahan-dahan akong dumilat at napatingin sa paligid.

Sa tingin ko base sa mga gamit, nasa clinic ako.

Teka?

Bat nandito ako?!

Napabalikwas ako ng tayo.

"Eka? Oh my! You're awake!" Napatingin ako sa kaniya na nasa gilid ko. Nakaupo sa mono block sa tabi ng hinihigaan ko.

Naguguluhan ko 'tong tinignan. "Why I am here?"

Nanlaki ang mata nito. "Why? Anong ginawa sa 'yo ng mga babaeng 'yon? Nabagok ba ang ulo mo? Bat 'di mo matandaan?!" Hinawakan nito ang ulo ko at tinignan-tignan. "Ang sabi ng nurse, okay ka naman daw. Maliban sa pisnge mong may pasa. Nagkamali ba siya?"

Napahawak ako sa pisnge ko na may band aid na.

Oo nga pala...

Nag-init ang mata ko. "K-Kate.." Yinakap ko ito.

"Bakit? May masakit ba?" Yinakap niya ko pabalik.

"N-no, I'm okay."

Tumagal ng ilang segundo ang yakapan namin.

Tumulo ang luha ko nang maalala ko kung paano ako sinampal nung isang babae.

Napasinghot ako.

"Are you crying?" takang tanong niya.

Umiling ako at pinunasan ang sariling luha. Humiwalay ako sa kaniya.

Kunot-noo ko siyang tinignan. "Paano ako nakarating rito? Ang naaalala ko lang nasa loob ako ng abandonadong classroom at nakakulong ro'n."

Kinabahan talaga ko ro'n. Ang sama nila!

"Nalaman naming nasa loob ka ng dating classroom na 'yon sa likod ng gym kaya agad ka naming pinuntahan."

"Paano niyo nalaman?"

"May tumulong sa amin."

Nangunot ang noo ko. "Sino?"

Hindi ako nito pinansin bagkus ay hinaplos nito ang pisnge ko kung saan ako sinampal. "E-Eka, I'm sorry. Hindi namin napansin agad na wala ka na sa likod namin. Sorry!" Muli ako nitong niyakap habang namumula ang mata. "Kasalanan namin ang nangyare sa 'yo. Kasalanan namin ni Jane." Niyakap niya ko.

Niyakap ko rin siya pabalik. Umiling ako. "Wala kang kasalanan. Wala kayong kasalanan. Kasalanan ko 'yon kasi ang bagal kong maglakad." Hinimas ko ang likod nito.

Kasalanan nung paru-paro. Kasalanan niya kung ba't ang ganda niya.

"You're awake." Napatingin kami sa nagsalita.

Pakiramdam ko nanghina ang katawan ko dahil ibang tao ang nakita ko sa tapat ng pintuan. Hindi siya ang inaasahan ko.

Where is he? Wala ba talaga siyang pake sa akin?

Hindi ba siya nagsisisi kasi hindi niya ko nabantayan?

Napabitaw kami sa isa't isa ni Jane.

"James, Hanz. Nasaan si Leon?" Takang tanong ni Kate sa mga 'to.

He Stole My First Kiss | Completed √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon