"Si Leon, siya ang makakatulong sa 'yo."Napamaang ako. "At paano mo nasabi?"
Pinaliwanag nito sa amin ang plano niya.
Gusto niyang dumikit-dikit ako kay Leon para hindi ako lapitan ng sisterhood na 'yon dahil 'pag nasa tabi raw ako ni Leon ay hindi ako mapapahamak kasi hindi naman daw gagawa ang mga babae na 'yon ng ikaka-turn off sa kanila ni Leon. Ayaw nilang mag mukhang masasamang babae.
At syempre, hindi ako sang-ayon sa plano niya 'no!
"Ayoko nga!"
Napasapo ito sa noo. "'Pag hindi mo 'yon ginawa, katapusan mo na!"
"Mas lalo lang mag-iinit ang mga mata nila sa akin!" Diin ko.
"O sige. May naisip ka bang paraan para maiwasan mo sila?"
"Psh! Lilipat na lang ako ng school!"
Oo 'yon agad ang naisip kong plano. Lalo na't na sabi rin ni Jane kanina na halos lahat ata ng kababaihan dito sa school ay kasapi ng sh na 'yon. Kaya wala na talaga kong pag-asa.
"Papayagan ka kaya ng magulang mo?" tanong ni Kate.
Napakamot ako sa noo. "Iyon lang. Baka tanungin ako ni mama kung anong dahilan ko, ayoko pa namang sabihin dahil ayokong mag-alala sila." Tapos dahil hindi ko sasabihin ang dahilan ko kung ba't ako lilipat ay sasabihan ako ng kapatid ko na nagiinarte lang ako.
"Kitams? Gawin mo na lang kasi ang sinasabi ko," pilit ni Jane.
"Oo nga, beh. No choice ka na rin naman, eh," sang-ayon ni Kate.
"Eh ano na lang iisipin sa akin ng ugok na 'yon, ha?! Ayoko talaga!"
"Mas gugustuhin ko pang lumipat ng school kesa magmukha talagang malandi sa iba!" dugtong ko.
"Sasabihin mo naman ang totoo kung ba't dididikit ka sa kaniya, total naman siya may kasalanan ng lahat ng ito."
Napaisip ako.
Oo nga naman. Tama si Jane, tama sila. Kasalanan niya 'to lahat kaya dapat lang perwisyohin ko siya.
Napabuntong hininga ko.
Parang no choice na talaga.
******
Kasalukuyan kaming nasa likod ng school. uwian na at tapos na rin ang detention ko kaya kasama ko na sila.
Mapuno ang likod ng school kaya madalas maraming tambay dito tuwing break time tapos ito, kami, nagtatago sa taas ng puno habang hinihintay na makauwi na 'yong mga estudyante lalo na 'yong mga babae.
Naisip kasi namin kanina na ngayon na gawin ang plano pag-uwi ng mga estudyante.
Kakausapin na namin—ko pala si Leon. Sasamahan lang nila ko.
"Sigurado ba kayong hindi pa umuuwi si Leon?" Naniniguradong tanong ko sa kanila.
"Oo, alam ko nagpra-practice sila ngayon sa gymnasium," sagot ni Kate.
"Paano mo nasabi?"
"Wala ka bang tiwala sa amin, girl? Nando'n nga sila ngayon. Narinig namin usapan nila kanina sa room," sabi ni Jane.
Tumango-tango ako. "Sige-sige."
Saglit kaming natahimik bago magsalitang muli si kate.
"Alam niyo ba mga beh, sira pala 'yung bell ng school natin."
"Hindi nga?"
Tumango ito.
Kaya pala ilang araw ko ng hindi naririnig 'yon.
BINABASA MO ANG
He Stole My First Kiss | Completed √
Teen FictionEkaanta is a nobody in their school at ang gusto lang niya ay mag-aral ng maayos at tahimik, pero hindi niya inaasahan na sa dinami-rami ng estudyante sa school nila, si Leon pa ang makakaaway niya, si Leon na isa sa miyembro ng Amazon High's basket...