FOURTH QUARTER NA AT LAST ONE MINUTE NA LANG.Hawak ni James ang bola at naghahanap ng paraan para mapasa sa iba ang bola dahil sa tindi ng dalawang bantay niya.
Nang makahanap siya ng butas sa dalawa ay agad niya 'yong ginamit para doon dumaan ang bola. Pinasa niya ang bola kay Rafael pero ilang segundo lang nito na hawak ang bola ay agad naman nitong pinasa kay Hanz.
Napatingin si Hanz kay Leon na medyo malapit sa kanilang ring. Nang malaman na wala itong bantay ay agad niyang pinasa kay Leon ang bola. Tumakbo ng kaunti si Leon bago pomosisyon at inihagis ang bola sa ring.
Kasabay ng pag-shoot nito sa ring ang biglang pagtunog ng buong gymnasium hudyat na tapos na ang laban.
Dumagundong ang buong gymnasium dahil sa tili at cheer ng mga estudyante.
Napatingin ako sa score nila.
Nakangiti akong napatayo at napapalakpak. Panalo sila! Tumakbo sila John, na na-ibangko kanina dahil sa pagod patungo kanila Leon.
Pawisan na masayang nagyakapan ang mga tukmol.
Akala mo naman champion na talaga sila. Eh, may iba pa silang makakalaban bago ang finals.
Lumapit sa akin si Leon kaya agad ko siyang inabutan ng tubig at towel.
Kinuha niya iyon habang nakangiti. "We won," anunsyo niya.
Natawa ko, "Napanood ko nga."
Mabilis itong yumakap sa akin kaya agad akong napapitlag at lumayo sa kaniya.
"Pawis na pawis ka, oh? Magpunas ka nga muna," sita ko sa kaniya.
Sumimangot ito. "Ikaw ang magpunas sa akin."
Tumaas ang kilay ko at magsasalita pa lang sana ng itikom niya ang bibig ko gamit ang hintuturo niya.
"No buts!"
Napabuntong-hininga na lang ako. Tumalikod siya kaya inangat ko na ang jersey niya at pinunasan ang likod niya.
"Lagi ko siyang nakikitang kasama mo. Girlfriend mo ba siya, bro?" Tukoy ni Troy sa akin pagkatapos nitong uminom sa bottled water niya. Nakatingin siya kay Leon.
Natigilan ako sa tanong niya. Naging dahan-dahan ang pagpunas ko sa likod ni Leon. Hinintay ko kung anong isasagot ni Leon pero nanatili itong tahimik. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita ang reaksyon niya.
Nakagat ko ang labi.
Kinausap ni John si Troy kaya nawala ang atensyon nito sa amin.
Dumating rin si Jane at Kate.
Binilisan ko ang pagpunas sa likod ni Leon at agad na natapos.
"Bakla, tara. Pasok tayo sa mga booth!" aya sa akin ni Kate na nakababa na pala mula sa bleachers.
Pinilit kong ngumite. "Tara!"
Kumapit silang dalawa sa braso ko kaya nagpatianod na lang ako sa kanila papalayo.
Hindi ko na muling sinulyapan si Leon.
Nakalabas kami ng gym at agad na dumerecho sa field.
Inikot namin ang paningin sa paligid.
"Horror booth tayo!" excited na sabi ni Jane.
"G!" sabay na sang-ayon namin ni Kate.
Nagbayad kami sa dalawang estudyante na may-ari ng booth bago pumasok sa horror booth.
Nakakapit kaming tatlo sa isa't isa at dahan-dahang naglalakad.
Napatili kami nang may biglang sumulpot na lalaking duguan.
BINABASA MO ANG
He Stole My First Kiss | Completed √
Teen FictionEkaanta is a nobody in their school at ang gusto lang niya ay mag-aral ng maayos at tahimik, pero hindi niya inaasahan na sa dinami-rami ng estudyante sa school nila, si Leon pa ang makakaaway niya, si Leon na isa sa miyembro ng Amazon High's basket...