Chapter Thirty-two

2.3K 37 1
                                    

Alas-tres pa lang ng umaga pero gising na gising na ako at nakatulala sa kisame. Hindi ko makalimutan 'yong nangyari kagabi sa amin ni Leon sa tapat ng gate.

Hindi tuloy ako makatulog.

Wala pa kong tulog, kaloka. Sabog na sabog ako! Plus, gutom!

Hindi ulit ako nakakain ng dinner kagabi. Hindi na kasi ako bumaba pa pagkatapos kong magtatakbo papunta dito kagabi.

At heto, nagdadalawang isip na naman ako kung papasok pa ba ako o hindi na muna. Lagi na lang ganito nangyayari tuwing umaga.

Kainis!

My god! Ayokong pumasok! Ayoko ulit siyang makita, nahihiya ako!

Ano ng gagawin ko?

Tapos umiyak pa ko sa harapan niya! Ano na kayang iniisip niya sa akin? Kung ano-ano pa naman 'yong pinagsasabi ko sa kaniya!

Siguro mukha kong naka-drugs dahil sa itsura ko ngayong sabog. Mukha rin siguro akong nakasinghot ng katol.

Ang lakas ng impact sa akin ng nangyari kagabi. Siya kaya?

Baka para sa kaniya wala lang 'yon. Tulad sa tuwing hinahalikan niya ko na parang wala lang, parang walang nangyari pagkatapos.

'Yong nangyari sa tapat ng gate namin, bakit humantong kami sa ganoon? Bata pa kami para sa ganoong bagay. Letse!

Napahilamos ako ng mukha at sabog na umupo at bumaba sa kama.

Lutang na inihanda ko ang uniporme ko at undergarments at saka nagtungo ng banyo. Parang nag-wisik lang ata ko ng katawan dahil sa bilis kong natapos.

Nagbihis na ko ng uniporme at 'di na nag-abala pang magsuklay. Sinuot ko na ang bag at bumaba.

Pagkababa ko, napatingin ako sa orasan namin na nasa pader.

It's already 3:30? Gosh. Ibig sabihin ang bilis ko talagang naligo at nag-asikaso? Sa tanang buhay ko ngayon lang ata nangyari 'yon.

Inikot ko ang paningin sa paligid. Tulog pa ang buong pamilya ko. Buti na lang. Alam kong gulong-gulo na ang mga iyon sa nangyayari sa akin. Lalo na 'yong ate kong tsismosa. Alam kong kating-kati na 'yong magtanong sa akin.

Ilang beses din nila kong kinatok sa kwarto kagabi para ayaing kumain pero sinabi kong busog na ko kahit hindi naman talaga.

Nakagat ko ang labi at nagmamadaling kumuha ng dalawang tinapay sa kusina at pinalamanan iyon.

Pagkatapos ay nilagay ko sa bag ang isa at ang isa ay kagat-kagat ko. Kaagad na akong lumayas ng bahay.

Alas-kwatro o kaya alas-singko madalas dumating si Leon para sunduin ako kaya mabuting ganitong oras pa lang ay umalis na ko ng bahay para maiwasan siya.

Lahat gagawin ko para maiwasan ko ang tukmol na 'yon!

Lakad-takbo ang ginawa ko hanggang sa makarating ako ng school at maubos ko 'yong tinapay ko.

Hindi ko na inalintana ang mga masasamang tingin sa akin ng mga estudyante at 'yong parang natatawa nilang itsura pagkatapos akong tignan.

Bahala na sila r'yan. Alam kong mukha kong zombie, so what? Baka ma-depress silang lahat pag nalaman nila ang nangyari sa amin ni Leon sa tapat ng gate ng bahay namin HAHA!

Napadaing ako nang may biglang bumangga sa akin. Muntik pa kong matumba pero buti na lang na-balance ko ang sarili.

Inirapan ako ng babae na siyang may gawa nun. "Sorry not sorry," nakangisi nitong sabi.

Nagtawanan sila ng mga kasama niya habang nilalagpasan ako.

Narinig ko rin ang tawanan ng ibang estudyanteng nakatingin.

He Stole My First Kiss | Completed √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon