Chapter Seven

1.2K 31 3
                                    

Naglalakad na 'ko papuntang building ko. Nakatulog ako kanina sa puno hindi ko namalayan ang oras.

Ilang minuto na kong late! At dahil late na ko, hinayaan ko na lang at 'di na nagtatakbo. Late na rin naman, ano pang silbi non?

Nakarating na ko sa building namin. Hindi pa ako tuluyang nakakapasok sa building ay napahinto ako nang may humarang sa nilalakaran ko.

Kita mo nga naman.

Ang pangit ng bungad, mean girls.

Nangunot ang noo ko. Problema ng mga 'to?

"Well, well, well, " Michelle said. Pinasadahan niya 'ko ng tingin mula ulo hanggang paa, gano'n din ang dalawang babae.

"Look at you.." Tinuro niya ko. "Calmly walking here, akala mo walang ginawang masama, eh?"

Malamang ang tinutukoy niya na ginawa ko ay 'yong sa library.

"Ano na namang nabalitaan namin na ginawa mo kay Leon kahapon at kaninang umaga?" mataray na tanong ni Michelle.

"Siya lagi ang nauuna."

"You think maniniwala kami sa 'yo?" aniya.

"Hindi ko naman sinabing maniwala kayo," casual kong sagot.

Pagak itong natawa bago ako samaan ng tingin. "Sinabi na namin sa 'yo na kapag inulit mo pa, kami ang makakalaban mo, bitch!" Bigla ako nitong tinulak.

"Ano ba, Michelle!" inis na sigaw ko sa kaniya.

Napangisi ito. "Tapang, ha?"

"Eka, Eka, Eka." Pinaikutan ako ni Joan at Layla. "Hindi lang naman kami ang makakalaban mo, eh," sabi ni Layla. "Pati sila." Bulong nito sa 'kin at tinuro ang grupo ng mga kakabaihan na nasa ilalim ng puno nakatambay at syempre masama ang tingin sa 'kin.

What the fudge? Sila 'yong mga babae sa cafeteria kahapon at nakita ko sa bench nakaraan.

"Ang lakas ng loob mong saktan si Leon ng ilang beses. Nagawa mo pa siyang buhusan ng Juice sa cafeteria," sabi ni Joan bago ngumisi. Nilapit niya ang bibig sa tenga ko. "Alam naming nagpapansin ka lang sa kaniya kaya ginagawa mo 'yon. Malandi ka rin, eh." Bulong niya.

Sinabi ko na nga ba at gano'n ang magiging tingin nila sa 'kin. Mga bobo!

Muling nagtabi ang tatlo at nginisihan ako. Kotongan ko 'tong mga 'to, eh!

Kung palaaway lang talaga ko kanina ko pa ginawa 'yon!

Humakbang palapit sa 'kin si Michelle at yumuko para magkapantay kami dahil mas mataas siya sakin. 'Yung school shoes niya kasi may heels.

"I will give you a warning because I am still nice to you." Kumuha siya ng kapiraso kong buhok at saglit na hinatak 'yon at agad ring binitawan. Napadaing ako. "Kapag nagpapansin ka pa ulit kay Leon o sa isa man sa member ng basketball team, makikita mo hinahanap mo," aniya at kumindat.

"Eka!"

Pareho kaming napalingon sa tumawag sa 'kin.

Jane? Kate?

"Hoy mga babae! Anong ginagawa niyo kay Eka, huh?!" mataray na sigaw ni Kate sa tatlo nang makalapit sila ni Jane sa amin.

Hinatak ako ni Jane at tinago nila kong dalawa sa likod nila.

"Wala kayong gagawin sa kaniya dahil kami ang makakalaban niyo!" Banta ni Jane at saka umamba ng sapak.

Umayos ng tayo si Michelle. "Wala pa naman kaming ginagawa, wala pa," Diin nito sa 'Wala pa'

"Umalis na nga kayo! Shoo!" Taboy ni kate sa kanila.

Inirapan muna kami ni Michelle bago inaya ang alipores niyang umalis.

He Stole My First Kiss | Completed √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon