Camp. Yes, araw na ng camp ngayon!
Ala-sais palang ng umaga at nagaasikaso na ko. Seven kasi 'yong alis namin sa school. Nasa school na si Jane at Kate. Chinat na nga nila ko na naghihintay na daw 'yong mga school bus sa labas ng school. Kasama na rin nila si Hanz at James.
Nakapagbihis na ko. Jumper ang suot ko ngayon na one inches above the knee lang. Jumper short siya. At oversized t-shirt na white ang sa loob. White rubber shoes naman ang suot ko sa paa.
Pinusod ko lang ang buhok ko gamit ang isang tali at bwala! Ready na akong gumora!
Sinukbit ko na sa balikat ko ang bag kong kulay baby blue na medyo malaki, para magkasya ang mga damit ko na gagamitin ko sa loob ng tatlong araw at 'yong mga gamit sa katawan. May dala rin akong libro pero isa lang.
Lumabas na ko ng kwarto at bumaba. Natigilan ako pagkababa ko.
"Leon, akala ko hindi mo na susunduin ang anak ko," si Mama. Nakapantulog pa ito gaya ni Papa at Ate. Pare-pareho silang nasa hapagkainan kasama si Leon. Kararating-rating lang ata ni Leon.
Maaga rin gumising pamilya ko dahil may pasok si Ate at Papa. Si mama naman ang nag-aasikaso sa kanila.
Nasa kaniya-kaniyang pwesto si Mama, Papa at Ate. 'Yong pwesto talaga nila tuwing kumakain kami pero katabi ngayon ni Mama si Leon. So 'pag umupo ako sa tabi ni Ate makaka-harapan ko si Leon.
Naka-fitted jeans ito at black jacket. Ang pangloob ay white t-shirt. The f? Kung alam ko lang na magw-white ito sana hindi na ko nag-white!
Naka-white na may kaunting black naman itong rubber shoes na ang tatak ay Fila. Oo, sinilip ko pa iyon sa ilalim ng lamesa.
"Na-late lang po ng gising," magalang na sagot ni Leon.
"Gano'n ba. Nakasanayan kasi namin na maaga mo lang sunduin si Eka," sabi ni Mama. True maaga lang talaga ako sunduin ni tukmol kaya akala ko nga rin 'di niya na ko susunduin.
Naglakad na ko palapit sa kanila. Umupo na ko sa pwesto ko.
"Good morning po," bati ko sa kanila.
"Morning, anak," sabay na bati sa akin ni Mama at Papa.
"Morning," bati sa akin ni Leon. Nginitian ako ng tukmol.
"Morning," tamad kong sagot. "Nasaan 'yong bag mo?"
Tinuro nito ang sofa. "There."
Nakita ko nga ro'n ang bag niyang kulay itim. May katabi iyong malaking plastic na ewan ko kung ano ang laman.
Tumango ako.
"Chinat ako ni Jane at Kate na wala ka pa raw sa school. Kaya pala, kasi susunduin mo pala ko," sabi ko sa kaniya. Kumain na rin ako.
"Hindi ka na nasanay. Lagi ko naman na 'tong ginagawa," aniya.
"Sabi ko nga."
"Mukhang masaya 'yong camp na 'yan ah. Ayan ba 'yong sa labas kayo matutulog, sa tent?" sabat ni ate.
"Oo, bat 'di mo pa ba nararanasan 'yon?" Kunot-noong tanong ko.
"Oo. Wala namang gano'n sa amin dati," aniya. Bigla ako nitong tinaasan ng kilay. "Kung makapagsalita ka dyan, akala mo naman naranasan mo na rin. Ngayon ka pa lang naman makakasama sa mga ganyan!"
"Alam ko lang dahil nakasulat sa papel na binigay ni Ma'am. Epal 'to." 'Yong papel na nga pala na iyon ay naisuli na namin kay Ma'am Madrid kahapon nung time niya pagkatapos kong ipapirma kay Mama.
"First time mong sasama ngayon sa camp, Eka?" Leon asked.
Tumango ako. "Oo." Kumagat ako sa tinapay na hawak ko.
BINABASA MO ANG
He Stole My First Kiss | Completed √
Teen FictionEkaanta is a nobody in their school at ang gusto lang niya ay mag-aral ng maayos at tahimik, pero hindi niya inaasahan na sa dinami-rami ng estudyante sa school nila, si Leon pa ang makakaaway niya, si Leon na isa sa miyembro ng Amazon High's basket...