Lumapit si James at Leon sa aming dalawa ni Kate.
Nagkatinginan kami ni Leon. "Partner tayo," aniya.
Napabuntong-hininga ako. Bakit ba ko nahihiya sa ugok na 'to? I think hindi niya naman alam na napahiya niya ko.
Napairap ako. "Ewan ko ba. Ayaw mo kong lubayan,"
"Tsk. It's not my fault, kabayo."
"Delubyo ka naman! Bwisit."
Hinatak ako nito palapit sa kaniya at yumapos sa bewang ko.
"Hoy, ang clingy mo!" sita ko sa kaniya.
"Huwag ka nang mag-inarte," anito.
Napairap na lang ako.
"Kate, lumapit ka sa akin," tawag ni James kay Kate na hindi makatingin sa kaniya, sa malayo ito nakatingin.
Tumalima naman si Kate. "S-Sige."
Umakbay si James kay Kate. Pulang-pula naman ang pisnge ng gaga.
"Nasaan si Hanz at Jane?" tanong ko kay Leon.
"Malay ko sa kanila," bored nitong sagot.
"Luh? Ano nga? Magkasama lang kayo kanina."
"There," si James ang sumagot. Tinuro nito si Hanz at Jane na magkasama. May kasama itong dalawang babae. Kasama rin nila ang ibang basketball team at 'yong mga partner nito.
"Okay na ba? Magsimula na tayo," Ma'am Perez said. Sinenyasan nito ang mga staff ng white house na may mga hawak na dyaryo na ipamigay na ang mga iyon kaya naman tumalima ang mga ito at binigyan ang bawat pares ng isang dyaryo.
Magkasunod na inabutan ng isang dyaryo si Leon at James.
"Meron na bang dyaryo ang lahat?"
"Opo!" sagot naming lahat kay Ma'am Perez.
Pinaliwanag ng guro ang larong gagawin namin at 'yong mga rules na alam ko naman na. May music na kasabay ang laro namin habang tumutunog 'yong music iniikutan ng pares 'yong dyaryo na nasa lapag.
Kada-hinto naman ng music tatapak na ang bawat pares sa dyaryo, kung nagawa niyong hindi lumampas sa dyaryo, next level na kayo. Tutupiin ng kaunti ang dyaryo at muling tutunog 'yong music. Paulit-ulit lang 'yon hanggang sa lumiit 'yong dyaryo.
Pinalapag na nito sa amin ang dyaryo at pinatayo na ang bawat pares ro'n.
"Let's start the game! Music on!"
Tumalima na ang lahat.
Inikutan namin ni Leon ang dyaryo.
"You think mananalo tayo?" tanong ko sa kaniya.
"Yeah," mayabang na sagot nito.
Biglang huminto 'yong music at kaagad kaming tumapak ni Leon sa dyaryo. Hindi naman kami nahirapan dahil malaki naman 'yong dyaryo.
First level, walang natanggal. Tinupi sa kalahati ang dyaryo.
Pakiramdam ko mahirap agad. Second level pa lang.
Muling tumunog 'yong music at inikutan lang ulit namin ni Leon 'yong dyaryo.
Muling huminto ang music at nahirapan na kami ni Leon sa pagtapak sa dyaryo. Tig-isang paa na lang kasi namin ni Leon ang nagkasya.
Napakapit ako sa braso niya habang nakayapos siya sa bewang ko.
"Ang laki naman kasi ng paa mo!" iritang sabi ko sa kaniya.
"Natural lang 'yon dahil matangkad ako. Huwag ka ngang maangal, babae."
Maraming pares agad ang natanggal.
BINABASA MO ANG
He Stole My First Kiss | Completed √
Teen FictionEkaanta is a nobody in their school at ang gusto lang niya ay mag-aral ng maayos at tahimik, pero hindi niya inaasahan na sa dinami-rami ng estudyante sa school nila, si Leon pa ang makakaaway niya, si Leon na isa sa miyembro ng Amazon High's basket...