Lunes na naman.
Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock. Alas-kwatro na ng madaling araw.
4 am talaga ang madalas ko na ina-alarm kahit na alas siyete naman ang pasok ko.
Mabagal kasi akong kumilos kaya gano'n.
Pagkatapos kong ihanda ang uniporme at undergarments ko ay agad akong pumasok sa banyo at naligo.
Ilang minuto lang ang lumipas, agad na rin akong natapos maligo.
Nagbihis na ko at nagsuot ng medyas. Sinunod ko ang sapatos, pagtapos ay nagsuklay na ko.
Tumingin ako sa salamin at naisipan kong magtali.
Hinati ko sa dalawa ang buhok ko. kinuha ko ang isa at pinaikot 'yon bago itali ng tali kong ribbon. Gano'n rin ang ginawa ko sa kabila at ng makita kong okay naman at pantay ang taas nila ay nakuntento na ko.
Nag-spray ako ng pabango sa leeg, sa wrist at sa harap ng siko. Pinabanguhan ko rin ang damit ko sa harap at likod.
Kinuha ko na ang bag ko at nagpasiyang bumaba.
"Ma, anong almusal?" tanong ko pagkababa ko.
Napalingon sila sa akin.
Nanlaki ang mata ko.
Anong?!
"Buti naman at na kababa ka na. Kanina ka pa hinihintay nitong kaibigan mo," tukoy ni Papa sa lalaking nasa gitna nila ni Mama na ngayon ay nakatingin sa akin. Pare-pareho silang nakaupo sa sofa.
"Leon?!" gulat na sigaw ko.
"Yeah? Bakit parang gulat na gulat ka?" Tumayo ito at lumapit sa akin.
Napamaang ako sa kaniya pero agad ko rin siyang sinamaan ng tingin.
Anong ginagawa ng isang tukmol sa bahay ko?
At paano niya nalaman ang bahay ko?
"Hindi ako makapaniwalang may kaibigan ka na, Ekaanta," nakangiting sabi ni Mama. Tumayo na rin ito at lumapit sa amin.
"Ma, sabing tigil-tigilan niyo na ang pagtawag sa akin ng ganyan!"
Ayokong tinatawag akong ganyan! Ang pangit.
"Sabi sa 'yo eh, ayaw ng kapatid kong tinatawag siya niyan," sabat ni ate na nakalapit na rin pala sa amin. Umakbay ito sa akin.
Iritang tinanggal ko 'yon
"Mukha nga," sagot ni Leon.
"Ate! Anong mga pinagsasabi mo sa kaniya, ha?"
Nagkibit-balikat ito. "Mga katangahan mo at kasamaan?"
"Kainis ka!"
"'Nak, marunong ka na pa lang makipagkaibigan?" tanong ni Papa. Napalingon kami sa kaniya na nakaupo pa rin sa sofa.
Psh!
"Pa naman, eh!"
"Alam mo ba, ijo, ikaw ang una niyang kaibigan na pumunta rito sa bahay dahil ngayon lang rin siya nagkaroon ng kaibigan."
Tumango-tango si Leon. "Really po?"
Aba ang galang ha?
"Ang gwapo mo naman, 'nak? May jowa kana?" out of nowhere na tanong ni Mama.
"Ma!"
Umiling ang lalaki bago ngumite.
"Aba, talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ni ate. "Sa gwapo mong 'yan?"
BINABASA MO ANG
He Stole My First Kiss | Completed √
Teen FictionEkaanta is a nobody in their school at ang gusto lang niya ay mag-aral ng maayos at tahimik, pero hindi niya inaasahan na sa dinami-rami ng estudyante sa school nila, si Leon pa ang makakaaway niya, si Leon na isa sa miyembro ng Amazon High's basket...