Chapter Four

4.5K 73 14
                                    

Lumabas ako ng kwarto pagkatapos kong maligo at magbihis ng uniporme.

"Good morning!" bati ko kay ate na kalalabas lang sa kwarto niya na katabi lang ng kwarto ko. Nakabihis rin ito ng uniporme niya bilang manager sa isang restaurant. Itim na coat, white na damit sa loob at fitted skirt. Tinali niya ang lahat ng buhok niya gamit ang isang tali lang. Formal na formal ang ayos ng lola niyo.

"Morning," aniya.

Magkasunod kaming bumaba. "Ate, may bf kana?" out of nowhere kong tanong.

Umirap ito. "Self love muna ko ngayon."

"Hindi ako naniniwala. Taon-taon ka kaya nagpapalit ng Jowabels."

"Manahimik ka nga," saway nito. "Maganda kasi ako kaya gano'n."

"Sus. Ang kamo wala lang tumatagal sa 'yo dahil masama ugali mo," asar ko.

Sumama ang tingin nito sa 'kin at papaluin na sana ko nang bigla akong tumakbo at nagtungo sa hapag. Naroon na si Papa at Mama.

"Good morning, Ma, Pa!"

Ngumite sila sa 'kin. "Good morning, señorita ko," si Papa.

"Good morning, bunso. Halika na at maupo," si Mama.

"Ako walang good morning?" sabat ni ate na nakahabol na pala sa akin at inirapan lang ako.

Natawa si Mama at Papa. "Good morning," sabay na sabi nila.

"Sus, halatang napilitan lang kayo, ah. Halatang may paborito, eh."

Magkasunod kaming umupo ni ate sa hapag. "Itong panganay ko talaga. Kumain ka na nga lang at baka lumaki ka pa."

"Papa!" maktol ni ate.

*****

Napapangiwi ako habang naglalakad papasok sa building ng room ko. Paano ba naman kasi pagpasok ko palang sa entrance, ang sama na ng tingin sa 'kin ng mga estudyante.

Napatingin ako sa mga babae na nasa kaliwa ko banda. 'Yong tatlo sa kanila, sila ang nakatayo sa likod ng bench habang 'yong tatlo pang babae ang nakaupo ro'n. Masama ang tingin nila sa 'kin. Bigla kong kinabahan. Hindi ko alam kung bakit.

Iwinaksi ko na lang sila sa isip at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makapasok ako ng building.

"Eka!" Natigilan ako sa paghakbang sa hagdan dahil sa tumawag. Napalingon ako ro'n.

Napakunot ako ng noo. Nakangiti silang lumapit sa akin. "Hi!" Bati nila. Si Jane at Kate.

Ngumite ako sa kanila. "Hello. Bakit nga pala?"

Napakamot si Jane ng buhok. "Sabay ka na sa 'min. Papasok ka na sa room 'di ba?"

Tumango ako. "Yeah."

Muli silang ngumite. "Yown! Tara na," si Kate at kumapit sa braso ko gano'n rin si Jane.

"Humarang giba," natatawang sabi ni Jane. Napangiti kaming dalawa ni Kate.

Nakarating kami sa room pero sabay-sabay kaming natigilan nang makita naming nakaharang sa pinto ang mean girls.

"Excuse me," mataray na sabi ni Jane sa mga ito.

Napatingin sa 'min ang tatlo kaya kitang-kita ko na naman ang makapal na make-up ni Michelle. Sabay-sabay silang humalukipkip. Nag-flip hair pa nga si Layla bago humalukipkip kaya nakita ko na naman ang hikaw nitong mahaba at puso ang dulo. Mas bet ko talaga si Joan sa kanilang tatlo, eh.

Ngumite sa akin si Michelle. Hindi ko alam kung totoo o plastic lang.

"Sorry. Sige na pasok na kayo," aniya. Nilahad pa nito ang kamay at binigyan kami ng daan.

He Stole My First Kiss | Completed √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon