Hinahalikan niya na naman ako.
Muli na namang pumasok sa isip ko ang maraming tanong.
Bakit? Bakit niya ba ito ginagawa? Tini-take advantage niya ba ko dahil wala kong magawa tuwing hinahalikan niya ko?
Kaya paulit-ulit na niyang ginagawa?
Nakaramdam ako ng inis.
He bit my lips because until now my lips had remained closed, I did not respond to him.
Pinilit niyang buksan ang labi ko gamit ang labi niya pero hindi ako nagpatinag.
Hinahayaan ko lang siyang gawin ang gusto niya dahil alam kong wala ulit akong magagawa para pigilan siya.
Ramdam kong naiinis na siya dahil sa kamay niyang napapalakas na ang hawak sa mga kamay ko at sa noo niyang nakakunot na.
Asar na kinagat niya ang labi ko at bumitaw do'n.
Matalim ang tingin ang pinukol niya sa akin. "Why?"
Bakit inaasahan niya bang magre-respond ako sa halik niya?
Sabagay, ilang beses na pala kong tumugon sa kaniya.
Parang tanga.
Mali itong ginagawa namin.
Walang kahit na ano mang namamagitan sa amin.
Bakit niya ko hinahalikan?
At bakit..
Hinahayaan ko lang?
Ginusto ko na rin ba 'to?
Nanatili akong tahimik at umiwas ng tingin.
Nakikita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin parin siya sa akin. Pero 'di ko gaano makita ng maayos ang reaksyon niya.
"Amora," may lambing ang boses nito.
Hindi ako nagpatinag kahit gusto ko na siyang tignan.
Sa totoo lang gustong-gusto kong tinatawag niya ko niyan.
"Amora, anong problema?" Nagsusumamo ang boses nito na ngayon ko lang narinig.
Ang dami kong tanong sa isip pero sinubukan ko na bang magtanong sa kaniya?
Napatingin ako sa kaniya.
Hindi pa, dahil takot ako sa magiging sagot niya.
Pero ayoko na ng mga tanong na laging bumabagabag sa akin gabi-gabi.
Gusto ko ng kasagutan.
Napatingin ako sa mata niyang nangngungusap.
Humugot ako ng hininga para magkaroon ng lakas ng loob sa balak kong itanong.
"Leon..."
Pinagmasdan niya ko at sinuri niya ang mukha ko na parang hinahanap niya ang kasagutan do'n kung bakit hindi ako tumugon sa halik niya at kung ano bang nangyayari sa akin.
"Leon... Bakit mo ba 'to ginagawa?"
Parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan pagkatapos kong itanong ang matagal ko ng gustong itanong, after ng ilang araw ay nagawa ko na rin.
Natigilan ito at nang makabawi ay agad na nawalan ng emosyon ang mukha niya at binitawan ako.
Umupo siya at tumalikod sa akin.
Napaupo na rin ako. "S-sagutin mo ko." Hindi pa rin siya umimik.
"Bakit mo ko hinahalikan?" Pagpupumilit ko.
Gusto ko ng kasagutan. Gusto ko ng mawala ang mga thought ko.
Hinawakan ko ang balikat niya at tumunghay sa kaniya. Gusto kong hulihin ang tingin niya pero agad siyang umiwas.
BINABASA MO ANG
He Stole My First Kiss | Completed √
Teen FictionEkaanta is a nobody in their school at ang gusto lang niya ay mag-aral ng maayos at tahimik, pero hindi niya inaasahan na sa dinami-rami ng estudyante sa school nila, si Leon pa ang makakaaway niya, si Leon na isa sa miyembro ng Amazon High's basket...