Special Chapter (HIS POV: PART 1)

2.4K 39 2
                                    

I was first year high school back then. Nasa likod ako ng school na pulos puno. Nakatayo ako sa ilalim ng isang puno. Hinihintay ko si Hanz at James na binalikan 'yong phone ni James na naiwan sa room. Pupunta kasi kami sa kubo na kailan lang namin tinayo. Nasa loob ito ng mala-gubat na likod ng school.

Iyon ang nagsisilbi naming tambayan tuwing walang klase.

James and Hanz? They're my childhood friend.

Habang hinihintay ko sila ro'n, napatingin ako sa isang babaeng nakaupo sa ilalim ng isang puno. May hawak na libro pero hindi niya naman binabasa at nakatulala lang sa kung saan. Dalawang puno ang pagitan namin.

Nangunot ang noo ko at pinagmasdan ang babae. She's wearing our school uniform. Uniform ng babae, syempre. Bilugan ang mukha nito at maamo iyon. She have a black straight hair na hanggang balikat. Maputi rin ang balat nito.

Napatitig ako sa kaniya nang bigla siyang ngumite.

Napatingin ako sa tinitignan nito. Well, hindi pala siya nakatulala. Nakatingin siya sa paru-paru na lumilipad sa maliit na puno ng dandelion ro'n na siyang natatanging bulaklak na nabubuhay sa mala-gubat na likod ng school.

Umihip ang hangin dahilan para sumayaw ang mga puno at mahulog ang ilang mga tuyot na dahon sa lupa.

Hinangin ang buhok ng babae. Tumingala ito at pumikit. Dinadama ang dumadamping hangin sa katawan nito.

"Leon, anong nginingiti-ngiti mo r'yan?" Nabigla ako at napalingon sa nagsalita. Si Hanz kasama nito si James.

"Huh?" takang naibulalas ko.

"Nakangiti ka kanina habang nakatingin sa kung saan. Saan ka nga ba nakatingin?" Tinignan nito ang tinitignan ko kanina.

Nakangising muli akong tinignan ni Hanz. "Iyong babae ba ang tinitignan mo?" tanong nito.

"Tsk. Of course not."

"Sus, sinungaling. Type mo?" He asked again. Muli nitong tinignan ang babae gano'n rin ako. Tumayo na ang babae at nagpagpag ng palda. Nagsimula na itong maglakad.

"She's not my type," sagot ko sa tanong niya.

"Then why are you smiling habang nakatingin sa kaniya kanina?" Usisa ni James sa akin.

"Hindi naman ako nakangiti," tanggi ko.

"Kitang-kita namin, dre. Huwag ka nang mag-deny," anang ni Hanz.

"Guni-guni mo lang 'yon," sabi ko at tumalikod na. Nagsimula na kaming maglakad patungo sa kubo.

"Sabi mo, e," anito.

"Tignan natin," si James.

Lumipas ang araw at muli kong nakita ang babae na nakatambay sa ilalim ng puno sa likod ng school kung saan ko rin siya nakita nakaraan.

Nandoon ulit ako dahil pupunta sana ako sa kubo para matulog. Balak ko sanang ubusin ang oras ng lunch break na natutulog lang.

She's alone again. Mag-isa lang siyang kumakain. May dala na naman itong libro na nasa lapag muna dahil kumakain siya.

Wala ba siyang kaibigan at siya lang mag-isa?

Hindi ko namalayan na lumipas na ang oras ng lunch break na pinagmamasdan ko lang siya hanggang sa matapos ito sa pagkain at nagbasa na lang ng libro.

Tumunog ang bell hudyat na tapos na ang lunch break.

Niligpit ng babae ang pinagkainan niya at tumayo. Pinagpagan nito ang palda pagkatapos ay naglakad na.

He Stole My First Kiss | Completed √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon