NEXT DAY
"Eka!" Napatingin ako kay Jane at Kate na nasa tapat ng gate ng school.
"Oh, bat narito kayo?" takang tanong ko.
Ngumite sila sa akin. "Hinintay kana namin dito para sabay-sabay na tayong pumasok," sabi ni Kate.
Ngumite ako. "Ganoon ba. Sige, tara na."
Kumapit silang dalawa sa braso ko. "Sama ka sa amin sa mall bukas, be? Magsha-shopping kami ni Kate," aya ni Jane sa akin.
Umiling ako. "Next time na lang. Wala kong pera."
"Edi libre kana lang namin," si Kate.
"Hindi na, be. Sa susunod na lang talaga." Nakakatamad at saka nakakahiya naman sa kanila.
Napabuntong-hininga si Kate. "Sige na nga."
"Basta sa susunod, ha?" si Jane.
Tumango ako bago ngumite. "Sa susunod. Promise!"
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makapasok kami sa building at makaakyat sa room namin.
Bumaklas sila sa kapit sa akin dahil hindi kami kasyang tatlo 'pag sabay-sabay kaming pumasok sa pinto ng room. Ako ang nauna at halos manigas ako nang may bumuhos sa 'king malamig na tubig.
Narinig ko ang singhap ni Jane at Kate bago ako nakarinig ng tawanan. Tawanan mula sa mga kaklase ko at—Napatingin ako kay Leon at sa kaibigan nitong si Hanz, pareho silang tumatawa habang nakatingin lang sa akin si James. Nakaupo si Leon sa lamesa ng teacher habang nakatayo sa gilid niya ang dalawa.
Napatingin ako sa timba na nakasabit sa taas, may tali mula ro'n kaya sinundan ko ng tingin hanggang sa makita ko ang dulo niyon na hawak ni Leon.
Sinamaan ko ng tingin ang ungas. "Ano 'to, Leon? Nakaganti kana sa akin kahapon! Bakit mo ko binasa?!" Nilapitan ko siya. Kalmado lang ito kahit nanggagaliti na ko sa harapan niya.
"Baka kasi hindi ka pa naliligo. Ayaw mo non, nakalibre ka ng tubig?" Sinipa ko siya sa binti na kinadaing niya.
"Namumuro kana! Anong gagawin mo sa mga gamit kong nabasa, ha? Mapapalitan mo ba 'yong mga lectures ko?"
Napaasik ito. "Problema mo na 'yon. Namumuro ka na rin kakapanakit sa akin!"
Nag-init ang mata ko. "Gago ka!"
Magsasalita pa sana siya nang matigilan ito nang mapatingin sa namumula ko ng mata.
Tinalikuran ko ito at nagmamadaling lumabas.
"Ang sama talaga ng ugali mo, Leon! Palitan mo ngayon 'yong mga notebook at iba pa niyang gamit na binasa mo!" rinig ko pang singhal ni Jane kay Leon bago ako tuluyang makalayo sa room.
Napapunas ako ng luha at padarag na binuksan ang pintuan ng girl's bathroom.
Hindi ko muna inalintana ang sarili kahit na basa ako at inuna ang bag. Tinanggal ko iyon sa pagkakasukbit sa balikat ko at binuksan.
Nanlumo ako nang makita ang lahat ng gamit ko na basa na. Tinignan ko 'yong mga notebook ko kung may maisasalba pa ba ko pero wala na talaga.
Napaiyak na lang ako. "Paano na lang 'yong mga lecture ko ngayon?" Madalas pa man ding clearance ang lectures before matapos ang school year.
"Eka..." Napalingon ako kay Kate na siyang nagsalita. Nasa pintuan ito kasama si Jane.
Napapunas ako ng luha. "May tao ba riyan, be?" si Jane. Nagalangan sigurong pumasok dahil lalaki pa rin siya at CR ito ng babae.
BINABASA MO ANG
He Stole My First Kiss | Completed √
Teen FictionEkaanta is a nobody in their school at ang gusto lang niya ay mag-aral ng maayos at tahimik, pero hindi niya inaasahan na sa dinami-rami ng estudyante sa school nila, si Leon pa ang makakaaway niya, si Leon na isa sa miyembro ng Amazon High's basket...