"Anong award ang sinasabi niya?" Kunot noong lingon sa akin ni Leon.
Napatingin ako sa kaniya bago napaiwas. "Hindi ko alam."
"Tumingin ka sa akin."
Hindi ako sumunod.
"Amora."
Tinawag niya na naman ako sa pangalan na 'yan.
"A-Ano?"
Hinawakan niya ang baba ko para iharap sa kaniya ang mukha ko bago panatilihin ang kamay sa pisnge ko.
Saglit niyang sinuri ang mukha ko bago nagsalita. "Natakot ka ba?" Nag-aalalang tanong niya.
Buti na lang hindi niya napansin pamumula ng pisnge ko dahil sa kaniya.
Umiling ako.
Napatingin siya sa kamay ko at hinawakan 'yon.
Muli niya kong binalingan. "Iba ang sagot ng kamay mong malamig," aniya. Napaiwas ako ng tingin.
Ang totoo niyan, natakot talaga ko kanina dahil naalala ko ang ginawa sa akin nung tatlong babaeng nagkulong at nanakit sa akin nang makita ko sila.
Kung paano ako sampalin ni Cathy at kung paano ako naiyak sa loob ng abandonadong classroom na 'yon dahil sa takot na hindi na makalabas. Maging 'yong pananakit sa akin nila Michelle sa banyo ng White House.
Bumuntong-hininga siya bago ako bitawan.
Nagpamulsa ito. "Don't worry, ako ang bahala sa kanila," seryosong sabi niya.
"P-paano?"
"Huwag mo na muna silang isipin."
Hindi niya sinagot ang tanong ko.
"Pre!"
May tumawag sa kaniya. Napalingon kami ro'n.
Papalapit sa amin ngayon ang buong basketball team.
Pare-pareho silang seryoso.
"John," banggit ni Leon sa pangalang tumawag sa kaniya.
Seryoso silang nagtinginan ng makalapit sila John sa amin.
Tumingin si John at 'yung iba pa sa backdoor ng gym kung saan nanggaling at kung saan lumabas sila Michelle kanina.
Muli silang tumingin kela Leon.
Para silang nag-usap sa tingin.
Tumango 'yong tatlo, sila Leon. Kaya muling tumingin sila John sa pinto.
Anong meron?
Alam na rin ba nila?
"Guys! Practice na ulit!" Tawag ni Coach Jack sa kanila.
Napatingin ang lahat sa kaniya at nagsitanguan.
"Yes, Coach!" sagot nila.
"Amora."
Napalingon ako sa kaniya.
"Dito ka lang, 'wag ka ng pupunta sa kung saan-saan," bilin niya. "Magtabi-tabi lang kayo lagi," baling niya kay Jane at Kate.
Tumango ang dalawa. "Oo. Hindi namin siya pababayaan," sabi ni Kate.
Muli siyang tumingin sa akin bago inaya si James at Hanz.
Nagsisunod na sila sa ibang kasama.
"Girl!" Napalingon ako sa dalawa. Hinatak nila ko paupo.
"Ano sa tingin mo 'yong award sa 'yo ng mga bruha na 'yon?" Tanong ni Jane.
BINABASA MO ANG
He Stole My First Kiss | Completed √
Teen FictionEkaanta is a nobody in their school at ang gusto lang niya ay mag-aral ng maayos at tahimik, pero hindi niya inaasahan na sa dinami-rami ng estudyante sa school nila, si Leon pa ang makakaaway niya, si Leon na isa sa miyembro ng Amazon High's basket...