Chapter Thirty-six

2.3K 45 11
                                    

Masakit ang ulong napadilat ako. Agad kong nilibot ang paningin sa paligid.

Ang baho ng amoy sa lugar na ito. Walang kalaman-laman pero... napalunok ako nang makakita ako ng madaming ipis sa paligid at gagamba.

May malalaki at maliliit.

Nanlaki ang mata ko. Nasaan ako?

Binalutan ako ng kaba ng maalala ko ang huling nangyari bago ako hinimatay.

Ito na ba ang award nila Michelle para sa akin? Ang ikulong ako kasama ng mga nilalang na ito?

Hindi ko kaya! Ikamamatay ko 'to. Napatili ako nang may gagamba ng papalapit sa akin kasunod nito ang dalawang ipis.

"MAMAAAAA! KYAAAAAHHH!"

"TULONG!"

Deym! Kailan pa naging close ang ipis at gagamba? Ang alam ko kinakain ng gagamba 'yong ipis?

Muli akong tumili nang mapansin kong may isa pang gagambang papalapit sa akin. Gusto kong magtatakbo papalayo pero nakatali ang kamay at paa ko, ang tanging nagawa ko lang ay umusod gamit ang puwet na tinigil ko ring gawin dahil kahit saan ata ko pumunta may ipis at gagamba!

Padabog na bumukas ang pinto at niluwa non ang isang babaeng mataba. I know her. Isa siya sa tatlong matatabang babae.

Salubong ang kilay nito. "Ang ingay mo, ano ba!"

"I-Ilabas mo ko rito! Ayoko dito."

Natawa ito. "Ano ka chiks? Pagkatapos mong lumandi hindi mo alam na may consequences?"

Napaiyak ako nang mapansin kong malapit na sa akin ang isang gagamba. "Please... Parang awa mo na ilabas mo na ko."

Ngumisi ito. "Hinding-hindi 'yan mangyayari."

"Anong nangyayari r'yan?" Magkasunod na pumasok si Michelle, Joan at Layla.

Sabay-sabay silang ngumisi nang makita ako. "Gising na pala ang malanding version ni sleeping beauty," sabi ni Layla.

"Masarap ba ang tulog mo with them?" Si Michelle, tinutukoy niya 'yong mga ipis at gagamba sa paligid.

"Natuwa ka ba sa award namin sa 'yo being the first malandi ng babaeng nakatagal sa school? Ang hirap kayang manghuli ng mga ipis at gagamba sa paligid." Taas-kilay na sabi ni Joan.

Mukha bang award ang mga 'yon?

"P-parang awa niyo na ilabas niyo ko rito," makaawa ko.

Sabay-sabay silang natawa. "Okay, sabi mo, eh. Mabilis naman akong kausap," nakangiting sabi ni Michelle.

Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti naman.

Tinayo niya ko gamit ang pagsambunot sa akin sa buhok na tiniis ko na lang. Gusto ko na talagang lumabas. Nakaalalay naman sa akin sila Joan dahil hindi ako makalakad. Nakatali nga kasi ang mga paa ko.

Inupo nila ko sa medyo basang lupa may mga inani pang palay ng bigas sa gilid. Sobrang baho pa. Seryoso nasaan ba talaga kami?

Muli na namang ngumisi si Michelle. "Actually hindi naman talaga 'yon ang award namin sa 'yo, eh. Iba." Matamis itong ngumite. "Pero huwag kang mag-alala hindi na namin patatagalin at ibibigay na namin sa 'yo," aniya.

Napalunok ako. Sigurado akong masama ang balak ng abnormal na babaeng ito.

Pumalakpak siya at nagsilabasan ang madaming babae. Halos bente ata ang mga ito.

May kaniya-kaniya silang hawak na baseball bat. A-anong?

"Ang dami nila 'no? Kulang pa nga 'yan. Mas madami 'yan kung tutuusin. Baka maubos na ang girls sa AHS 'pag tinangay ko sila lahat dito. At baka ikamatay mo na," si Michelle.

He Stole My First Kiss | Completed √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon