Chapter Thirty-four

2.2K 42 7
                                    

Nagising ako dahil parang may naaamoy na naman akong mabaho.

Nanlaki ang mata ko nang pagdilat ko paa ang sumalubong sa mga mata ko.

Kaagad ko 'yong tinanggal sa tapat ng mukha ko at umupo.

Ang baho ng paa kainis!

Sinilip ko kung kaninong paa galing iyon. Napairap ako sa kawalan nang malaman kung sino. Kainis na Kate ito. Ka-babaeng tao ang baho ng paa.

Napakamot na lang ako sa noo. Napatingin ako sa paligid at agad na nangunot ang noo ko nang hindi ko mapamilyaran kung nasaan ako.

Malaki ang kwarto naghahalo sa puti at abo ang kulay ng kwarto. Cabinet, sofa, ilaw at kurtina. Halatang mamahalin lahat ng mga gamit dito.

"Nasaan kami?"

Napatingin ako sa kama at dinama ito. Grabe ang lambot. Walang-wala sa kama ko sa bahay. Oo, malambot iyon pero hindi ganito kalambot.

Kulay abo ang kulay ng kumot samantalang nahahati sa abo at puti ang kulay ng dalawang unan.

Saan bang lupalop ako ng Philippines napadpad?

Napatingin ako sa wall clock ng silid na ito. 7:31 pm na?

Napabuntong-hininga ko. Ang naaalala ko lang bago ako mapadpad dito, nahimatay ako, kami. Pagkatapos naming maamoy 'yong tae. Kababuyan talaga ni Jane. Grabe!

Tinotoo talaga ang pagtae sa damo! Nagkalat pa. Ang yaman-yaman, ang baboy!

Napatingin ako sa pinto nang may kumatok rito.

"Pwede ba kong pumasok?" boses lalaki. Pero hindi pamilyar sa akin.

Napatingin ako kay Kate na nakabaligtad sa paghiga sa kama. Imbes na ulo ang iunan, paa! Kaya paa niya rin ang nabungaran ko kanina.

Kinumutan ko ito para naman matiwasay ang ayos niya. Naka-bukaka kasi, kainis.

"P-pasok," nautal pa ko. Nabulunan pa kasi ako sa sarili kong laway. Shunga.

Bumukas ang pinto at niluwa niyon ang matangkad na lalaki. Maputi, sakto lang ang katawan at guwapo! Naka-fitted jeans ito na maong at kamisetang kulay itim.

Ngumite ito sa akin nang magtama ang paningin namin dahilan para lumabas ang dalawang dimple nito.

O-M-G.

Pogi! Darn!

"Hi," aniya.

Naiilang akong ngumite at umiwas ng tingin. "H-Hi."

Natawa ito nang mapansing nahihiya ako. "Don't be shy. My name is Nathan." Nilahad nito ang kamay.

Napakamot ako ng ulo. "Eka." Inabot ko ang kamay niya at nakipag-shake hands.

"I know," aniya pagkatapos naming magbitaw.

Napakunot ang noo ko. "Ha?"

Muli siyang ngumite. "Pinsan ako ni Jan-Jan, I mean Jane. Ilang beses ka na niya sa aking na-kwento kaya kilala na kita."

Napanganga ako. "Hindi nga?" Hindi ko alam kung para saan 'yong 'hindi nga' ko. Pareho kasing hindi ako makapaniwala na kinukwento ako sa kaniya ni Jane at pinsan siya ni Jane. Like duh? Ang gwapo niya. Isa siyang fafa! Sabagay pogi rin pala si Jane kahit bakla. Dapat 'di na ko magtaka na pinsan niya ito.

Tumango siya. "Oo."

Ha?

Napakamot ako ng ulo. Deym. Nahawaan na ata ko ni Hanz ng kuto. "Nasaan kami?"

Nagpamulsa ito.

"Nagkataon kasi na pumunta ko sa coffee shop ni Jane kanina and naabutan ko kayong tatlong nakahiga sa floor. Naguguluhan na 'yong dalawang waiter do'n kung anong gagawin sa inyo kaya tinulungan ko na lang sila para buhatin kayo at isakay sa sasakyan para dalhin dito. Sumama rin sila at tinulungan nila kong dalhin kayo rito sa loob," litaniya niya.

He Stole My First Kiss | Completed √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon