Chapter Fifteen

3.5K 61 20
                                    

Inihiga ako ni Leon sa clinic bed. "Sinambunutan kana't lahat-lahat, hawak mo parin 'tong ice compress at mga pagkain. Tss." Mahinahon na siya. Napatingin ako sa hawak ko. Hawak ko pa nga sila, 'yong ice compress at plastic ng mga pagkain na binili sa akin nila Jane.

Mas lalo kong napaiyak. Kinuha niya sa akin ang mga iyon at umupo sa tabi ko. Nakahiga ako habang nakaupo siya sa clinic bed, sa tabi ko.

"Tahan na," alo niya. Napasinghot ako.

"Kasalanan mo 'to, eh! Bakit mo pa kasi ako tinawag, nadamay pa tuloy ako!" sisi ko sa kaniya.

Napabuntong-hininga ito. "Hindi ko naman alam na mangyayare 'yon."

"Kasalanan mo pa rin!"

"Yeah, it's my fault. I'm sorry, kasalanan ko," nakokonsensyang sabi nito at inayos ang gulo-gulo kong buhok.

"Tingin mo maaayos mo pa 'yan?!" singhal ko sa kaniya.

"I'm sorry... You can kick me, if you want."

Inirapan ko ito. "Ewan ko sa 'yo. Bwisit ka! Lagi na lang akong napapahamak because of you!"

"Sorry..." Napaiwas ito ng tingin.

"Manahimik ka na nga lang! Kairita ka! Bakit ba kasi ang pogi mo!"

Natigilan ako sa sinabi ko. A-Anong sabi ko? Ba't ko 'yon sinabi! Kairita!

Natigilan ito bago unti-unting napangisi.

"I'm sorry. I'm too handsome kaya nangyayare sa 'yo 'yan," nakangising sabi nito.

"Siraulo!" Muli kong singhal sa kaniya.

Napaismid naman si Jane at Kate. "Ang dami kasing alam, pwede namang mag-walk out sa cafeteria nang hindi tinatawag si Eka. Nadamay pa tuloy ang kaibigan namin!" singhal ni Jane kay Leon.

Natahimik si Leon.

"Tigil niyo na nga 'yan," saway ni James. "Nasaan ba 'yong nurse?"

"Aba, malay namin. Sabay-sabay tayong pumasok dito, James. Paano namin malalaman?" sabi ni Hanz.

"Hindi ko kayo tinatanong. Kausap ko sarili ko."

"Sows!" si Hanz.

"Problem?" Sabay-sabay kaming napalingon sa kapapasok lang sa clinic na babae na I think nasa mid twenties pa lang. Maputi, maganda pero maliit. Nakapusod ang buhok nito, nakasuot siya ng eye glasses at nakapang-nurse uniform.

"Miss nurse!" sabay-sabay na sabi nila. Except sa amin ni Leon.

"Miss nurse kayo dyan. Nurse Lianne, okay?" pagtatama nito sa kanila.

"N-Nurse Lianne pala. 'Yong kaibigan ko po kasi nakipagwagwagan—"

"Nakipagwagwagan?" komento ko sa sinasabi ni Kate.

"Este sinambunutan po siya. May mga kalmot po siya sa noo."

Lumapit sa akin si Nurse Lianne at sinuri ang noo ko. "Ikaw 'yong babaeng dinala rin dito ni Leon nung isang araw, ah. What's your name?"

"Eka po."

"Ano na naman bang nangyari? Hindi pa nga magaling 'yong pasa mo sa pisnge. Nandito ka na naman."

Napakamot ako sa kabilang pisnge, 'yong walang pasa.

"Hindi ko na rin po alam."

"Leon?" Baling nito kay Leon. "May kinalaman ka ba sa nangyayari sa kaniya? Habulin ka pa naman ng babae at ng gulo."

"Yeah.." sagot nito na sa iba nakatingin.

Napailing si nurse Lianne. "Kung ako sa 'yo, iwasan mo na si Leon at 'yong dalawang kaibigan niya na 'yan. Pare-pareho lang sila. Para makaiwas ka sa gulo," muling baling sa akin ni Nurse Lianne.

He Stole My First Kiss | Completed √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon