Ilang oras na ang lumipas at 18th candles ko na, Si Jane ay nasali ro'n, kaloka. For girls only lang 'yon 'di ba? Akala ko nga kasali siya sa 18th roses ko, sa 18th candles ko pala.
Natapos na si Mama, si Ate at 'yong mga kaibigan niya, si Mina. Si Jane, Kate, 'yong mga Mama nila at 'ang last ay 'yong mama ni Leon!
Shuta!
Nakatulala lang ako sa Mama ni Leon habang nagbibigay ito ng message sa akin.
"Eka, I know, kilala mo na ako kaya hindi ko na kailangang magpakilala. Sorry kung naglihim ako. Si Leon talaga ang anak na sinasabi ko sa 'yong hinahanap ko lagi," natatawang sabi nito.
"T-Tita Dana.." Hindi makapaniwalang banggit ko sa pangalan ng Nanay ni Leon. Siya pala 'yong nanay ni Leon? My god!
"Lagi ka kasi niyang tinatanaw sa bahay niyo kaya ro'n ko siya hinanap non pero.. ang totoo niyan, gusto lang talaga kitang makita at makilala kaya nagpupunta ako ro'n. Gusto ko kasing makilala 'yong babaeng kinababaliwan ng anak ko. Alam mo bang may mga picture ka sa kwarto niya?" Patuloy ni tita.
"T-Talaga po?" Napatingin ako kay Leon. Namumula ang pisnge at tenga nito. Kasama niya sila Jane at sila Hanz sa isang table.
"Yeah." Pinagmasdan niya ang mukha ko. "Nang makita ko 'yong picture mo sa kwarto niya, naisip kong gusto kitang makita sa personal kaya pinuntahan kita sa bahay niyo pero sa labas lang ako. Iyon 'yong araw na una nating pagkikita, ang ganda mo pala talaga sa personal." Nakangiting nitong sabi. "Gustong-gusto talaga kita para sa anak ko. Remember the day na narinig ko kayong magkausap ng anak ko at inaya ka niyang makipag-date?"
Tumango ako. "Opo."
"Nanggaling talaga ako sa bahay niyo non. Naglakas loob akong kausapin ang Mama mo kaya nagkakilala na rin kami. Tinanong ko siya kung ano na bang status niyo ni Leon. She told me na wala pa kayong Label ng anak ko. Nasabi ko ngang ang hina naman ng anak ko kaya sinabi niya sa aking dahil pala 'yon sa pangako ni Leon sa Ama mo. At ito na, kayo na. I'm so happy para sa 'yo at sa anak ko!"
Mahigpit niya kong niyakap. Napayakap rin ako sa kaniya. Parang gusto kong magtampo sa lahat dahil pati siya ay nilihiman ako. Si Mama, si Ate, Papa at si Leon, nilihiman nila ko.
Natapos ang 18th candles at hindi ako makapaniwalang Lolo pala ni Leon si Dean. What the f, 'di ba? Ano 'yon?!
Nakakagulat kaya. Pinakilala na kasi ako ni Leon sa Papa't lolo niya kanina na nandito rin pala. Eh, 'yong papa niya kilala ko naman na kaya hindi na ko nagulat, sa Lolo niya lang talaga.
Nahiya nga ko ng kinausap na nila ko. Paano ba naman kasi umamin na sa akin sila Mama na ang pamilya pala ni Leon ang nagbayad sa venue na ito.
Ang kapal ng pamilya ko para pumayag do'n. Catering lang ang ambag nila sa debut ko. Sa malaki kasing cake ay si Leon ang nagbayad.
Mabalik tayo sa realidad.
Nakapagpalit na ko ng simpleng dress lang para makagalaw naman ako ng maayos pero kulay red pa rin.
Nakakandong ako kay Leon ngayon habang nakayakap siya sa bewang ko. Kasama namin sa isang table si James, Hanz, Jane, Kate at Nathan.
Si Nathan na kanina pa pinupukulan ng masamang tingin ni Leon. "Who is he?" iritang tanong nito.
"Si Nathan. Pinsan siya ni Jane," sagot ko. sumimangot ito sa akin.
"Paano mo siya nakilala? Paanong nakasali siya sa 18th roses mo ng hindi ko alam?" Masama na rin ang tingin niya sa akin.
"Ay, ako beh! Ako ang may kasalanan," sabat ni Jane sa amin. "Kulang kasi ng isa dahil umatras ako. Mas bet ko kasi ang 18th candles kaya dinawit ko na pinsan ko tutal naman magkakilala na sila."
BINABASA MO ANG
He Stole My First Kiss | Completed √
Teen FictionEkaanta is a nobody in their school at ang gusto lang niya ay mag-aral ng maayos at tahimik, pero hindi niya inaasahan na sa dinami-rami ng estudyante sa school nila, si Leon pa ang makakaaway niya, si Leon na isa sa miyembro ng Amazon High's basket...