Chapter Thirty-seven

2.8K 44 10
                                    

Dahan-dahang dumilat ang mga mata ko. Puti. Puti ang lahat ng nasa paligid.

Nanghihina pa rin ako at masakit ang aking katawan pero hindi na gano'n kalala.

Napatingin ako sa lalaking katabi ko. Mahigpit ang yakap niya sa akin kahit tulog siya.

Pinilit kong itagilid ang katawan ko paharap sa kaniya. Hinaplos ko ang gwapo niyang mukha. Mukha siyang pagod at mukhang ngayon lang nakatulog.

Ang mahal kong si Leon na tatanga-tanga at naniwala sa pictures na photo shop. Napabuntong hininga ako.

Binalutan ng kilig ang malandi kong katawan kahit masakit at nanghihina pa ito kahit papaano, nang maalala ko 'yong pag 'I love you' niya sa akin.

Nakagat ko ang labi para pigilan ang nagbabadyang pagngiti.

Natigilan ako nang dahan-dahan itong nagmulat. Nakusot niya muna ang mata bago ito tuluyang nanlaki.

"Gising ka na!" nabibiglang sabi nito.

"G-Good morning..."

Malawak itong ngumite. "Shit. Gising ka na talaga!" anito at mas lalong hinigpitan ang yakap sa akin at sunod-sunod akong hinalikan sa mukha. "Gising na ang baby ko," sabi niya at mabilis akong hinalikan sa labi. Smack lang 'yon pero may halong panggigil.

Napangiti ako.

"I missed you," At muli na naman niya kong hinalikan pero sa pisnge.

"L-Leon..."

"Okay ka na ba?" nag-aalala nitong tanong at sinuri ako.

Ngumite ako. "Y-Yeah..."

Tinitigan niya ko ng matagal bago sumeryoso ang mukha niya. Inalis nito ang yakap sa akin at umupo. Hinaplos niya ang hita ko kaya medyo napadaing ako.

Umigting ang panga niya. "Liar."

Napanguso ako. "M-Masakit pa nga pero hindi naman na gano'n."

Napabuntong-hininga ito at muling humiga sa tabi ko. Bahagya niyang inayos ang buhok ko at saka niya pinanatili ang kamay sa pisnge ko.

"Sorry this is my fault," nakokonsensyang sabi nito.

Umiling-iling ako. "Wala kang kasalanan. Ang kasalanan mo lang ay ang pagiging guwapo mo."

Sumimangot ito. "Do you love me?" out of nowhere na tanong niya.

Nabigla man at medyo nahihiya pa ko ay nagawa ko pa ring sumagot. "M-Mahal kita."

Ngumite na naman ito. "I love you more," aniya at muli akong niyakap. Sumubsob siya sa leeg ko.

Nanlaki ang mata ko ng halikan niya ko ron. "L-Leon naman, eh!"

Sinubukan ko itong itulak pero bigo ako. Hinahalik-halikan niya ko ro'n kaya napapalunok ako. Napapikit ako.

"Anong naramdaman mo sa nagawa natin sa tapat ng gate ng bahay niyo?" tanong niya at umangat para salubungin ng tingin ang dilat at nanlalaki kong mata.

Alam ko 'yong tinutukoy niya. Naalala ko tuloy! Nakakahiya.

"T-Tinatanong pa ba 'yon!" kunwaring inis na sabi ko.

Ngumisi ito. "Yeah. Ano? Answer me."

Nakagat ko ang labi at nahampas siya. "T-Tse!"

Humalakhak ito. "Hindi na dapat ako nagtanong. Alam ko namang nasarapan ka no'n dahil umungol ka na ang sarap sa pandinig at gusto ko ulit marinig."

Napatili ako sa sobrang hiya ng bumabalot sa akin. Tinulak ko siya at nagtalukbong ako ng kumot. Humalakhak lang siya.

"N-Napakaano mo! Manyak!"

He Stole My First Kiss | Completed √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon