Natapos na nila Leon 'yong tent. Dalawa 'yong tinayo nila. Para sa kanilang tatlo 'yong isa at para naman sa aming tatlo nila Jane ang isa.
"Gagaling niyo naman, boys!" puri ni Jane sa tatlo na nagpapahinga na. Nakaupo ang mga ito sa punong kahoy na putol na nasa lupa.
"Kami pa ba," mayabang na sabi ni Hanz.
Pumasok na 'ko ng tent pati si Kate. Napatingin ako sa loob. Okay 'yong pagkakatayo. Gagaling nga nila.
Bukas iyong zipper na nagsisilbing pintuan ng tent kaya sa bungad lang kami umupo ni Kate para matanaw pa rin ang nasa labas.
"Padaan mga be," sabi ni Jane sa amin ni Kate. Nakaharang kasi kami, papasok siya sa loob.
Nagbigay kami ng space sa kaniya para makadaan ito nang bigla siyang pigilan ni Leon gamit ang salita.
"Hoy! Kumuha ka ng sarili mong tent, bakla," anito.
Sabay-sabay na nangunot ang noo naming tatlo.
"Bakit naman?" takang tanong ni Jane kay Leon.
"Kasya naman kami rito," sabi ko.
"Tss. He's still a boy kahit na binabae siya. Bawal kayong magtabi-tabi sa pagtulog," seryosong sabi ni Leon.
"K-Kaloka ka, Leon. Pusong babae naman ako 'no! Wala akong gagawin sa kanila. Babae ako at hindi ako mato-tomboy sa kanila!" giit ni Jane.
"But still, lalaki ka pa rin," seryosong sabi rin ni James.
Padabog na lumayo sa amin ni Kate si Jane. Humarap ang bakla sa dalawa.
"Kaloka kayo! Nakakakunsumi. Hanz, kausapin mo nga ang dalawang 'to!" Baling niya kay Hanz na nagseselpon.
Nagkibit-balikat lang si Hanz.
"Bwisit ka! Walang silbi!"
Muli siyang bumaling sa dalawa. Kay James at Leon. "Kung hindi ako matutulog sa tent nila, saan ako matutulog?!"
"Magtayo ka ng sarili mong tent, basic," sagot ni Leon sa kaniya.
"Oo nga, may kamay ka naman," sang-ayon ni James.
"Grabe naman kayo sa kaniya. Okay lang naman sa amin. Jane, 'wag mo na lang silang pansinin—"
"Shut up, Kate."
Natigilan si Kate dahil kay James na masama ng nakatingin sa kaniya ngayon.
Pati tuloy ako natigilan. Like, be, mabait na James 'yong kilala ko. Anyare?
"Pwede pa naman manghiram ng tent sa owner ng white house, Jane. Hiram ka na lang," si Hanz.
Nagsalubong ang kilay ko.
"Tumigil nga kayo! Jane, don't mind them. Kami naman ang makakatabi mo, hindi sila," pagpapagaan ko ng loob ni Jane.
"Try mong makinig sa kaniya, bakla. Patay ka sa akin," banta ni Leon kay Jane na tahimik na lang na nakatayo.
"Leon!" ang tono ng boses ko ay pinapatigil ko siya.
Second passed, nagulat na lang kami nang biglang tumawa si Jane. Tumango-tango ito.
"Alam ko na, alam ko na, boys. I get it, kaloka kayo. Ito na, kukuha na ko ng sarili kong tent," anito.
Napatingin ako kay Leon at James na seryoso pa rin.
Tumalikod na si Jane.
"Jane," tawag namin ni Kate sa kaniya.
Lumingon ito sa amin at ngumite. "Don't worry, wala kong hinanakit mga be. I'm fine." Kumindat pa ito sa amin.
BINABASA MO ANG
He Stole My First Kiss | Completed √
Teen FictionEkaanta is a nobody in their school at ang gusto lang niya ay mag-aral ng maayos at tahimik, pero hindi niya inaasahan na sa dinami-rami ng estudyante sa school nila, si Leon pa ang makakaaway niya, si Leon na isa sa miyembro ng Amazon High's basket...