Chapter Twenty-one

2.5K 51 22
                                    

Umaga na at may concealer na naman ang aking fes. Nadampian ko na 'to ng ice compress at nalagyan ko na rin ng ointment. Ginawa ko rin 'to kahapon pagbalik namin ni Kate sa tent namin pagtapos sabihin ni James na pinasok niya sa loob ang mga 'yon.

Nasa loob kami ngayon ng cafeteria, kumakain ng almusal. Si Jane at Kate lang ang kasama ko. Hindi namin kasama sila Leon dahil hindi naman namin sila nakita ngayong umaga.

"Eka! Hoy!"

Nabalik ako sa katinuan mula sa pagkakatulala nang tawagin ako ni Jane.

"B-Bakit?"

"Bakit mo mukha mo! Gagi, kanina ka pa tulala, bes!" aniya. Pareho sila ngayong nakatingin sa akin ni Kate.

"H-Hindi naman ah," tanggi ko.

"Tse. Okay ka lang ba? Parang wala ka sa katinuan, e," si Kate.

"Okay lang ako, 'nu ba kayo."

Pinaningkitan nila ko ng mata. "Okay ba 'yong isawsaw mo 'yong itlog sa kape?" si Jane.

Napatingin ako sa kamay ko at kaagad na nanlaki ang mata ko nang makita ko 'yong ginagawa ko. May hawak nga kong itlog at sinasawsaw ko 'yon sa kape.

Mabilis ko 'yong nabitawan kaya nahulog ang itlog sa lamesa.

Kukunin ko pa sana kaso biglang tinapik ni Kate 'yong kamay ko. "Madumi na 'yan!" aniya.

"Wala pa namang limang segundo," sabi ko.

"Kahit na."

"Ano bang nangyayari sa beshy ko na 'yan?" sabi sakin ni Jane.

Napatikhim ako. "G-Ganito talaga ko minsan sa umaga."

"We?" si Jane.

"Spill the tea, sis. May nangyari ba?" Taas-kilay na sabi ni Kate. Nilagok nito ang kape habang nakatingin sa akin hanggang sa maubos 'yon.

"Wala nga. Minsan talaga binibigyan ko ng time 'yong sarili kong tumulala sa umaga lalo na tuwing nagkakape," paliwanag ko.

Tinitigan nila ko ng matagal. "Bahala ka na nga dyan," si Jane.

"Makakain na nga lang," Si Kate. Nagpatuloy na ang dalawa sa pagkain.

Nakahinga naman ako ng maluwag. Buti naman at 'di na sila nangulit.

Nagpatuloy na lang rin ako sa pagkain.

"Bilisan na lang natin baka biglang magpakita ang mga bruhang sila Michelle," sabi ni Jane.

Tumango ako.

"Yeah," sagot ni Kate.

****

"Last day na natin ngayong lahat dito sa camping kaya mas maganda at nakaka-enjoy ang ibibigay naming laro sa inyo," nakangiting sabi sa amin ni Ma'am Perez.

Nandito ulit kami nasa labas ng kaniya-kaniyang tent at pinapakinggan si Ma'am Perez. Pare-pareho kaming nakatayo.

"Gusto niyo na bang maglaro?" tanong ng guro sa amin.

Naghiyawan naman ang mga estudyante at mga nagsi-oo.

"Hindi ko na patatagalin pa. Ang una nating laro ay..." sinabi nito ang larong gagawin namin.

"Group yourselves into three!"

Nagkatinginan kaming tatlo. Tatlo na kami so, kami-kami na ang magkaka-grupo. Sabay-sabay kaming ngumite.

"In, 1, 2, 3, Go!"

Kaagad na humawak sa braso ko ang dalawa at nagtungo na kami sa gubat. Lahat ng magkaka-grupo ay ganoon rin.

He Stole My First Kiss | Completed √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon