Binuksan ni Ma'am Madrid ang pinto ng office ng Dean at magkasunod kaming pinapasok ni Leon.Malawak ang office ng Dean. May divider sa gilid na kinalalagyan ng mga trophy at medalya. Sa kabilang gilid ay shelves na pulos libro ang nakapatong.
Sa gitna nakapuwesto si Dean at 'yong office table niya. Kaagad naming naagaw ang atensyon niya mula sa mga papel na hawak niya. Sa tingin ko nasa 70's na ito. Maputi na ang iilan na buhok sa bunbunan. Matangkad ang dean at maputi. Malakas pa ang matanda.
Papalit-palit ang tingin nito sa amin ni Leon habang nakakunot ang noo kaya napayuko ako.
Nahinto ang tingin niya sa gurong kasama namin.
"What happened?" tanong niya rito.
"Sir, 'tong dalawa na 'to ay minukbang ang labi ng isa't isa—" natigilan ito sa pagsasalita nang sumabat ang Dean.
"Pardon me?"
Nanlaki naman ang mata ko. What the f? Grabe sa minukbang Ma'am ah.
Tumikhim si Ma'am. "I mean naabutan ko silang naghahalikan sa loob ng room nila na alam naman nating labag sa rule. PDA sila Sir," paliwanag ni Ma'am na umirap pa sa kawalan. "Mga walang modo. Sa mismong loob ng school pa talaga nila 'yon ginawa."
Nag-init ang pisnge ko. Nakakahiya. Bakit ko ba hinayaan na halikan ako ni Leon?!
Napatingin ako kay Leon nang matumba niya ang nakatapatong sa lamesa na maliit na mahabang kahoy, nakaukit ro'n ang sa tingin ko ay pangalan ng Dean. Hindi niya man lang ito inayos, natumba niya na nga. Hambog talaga!
Hindi ko tuloy nabasa. Hindi ko pa naman knows kung anong buong pangalan ni Dean. Dean lang tawag ko sa kaniya.
Nakagat ko ang labi nang magtama ang paningin namin ni Leon. Ngumisi ito sa akin.
Bwisit.
Umiwas na lang ako ng tingin sa kaniya dahil sa hiya kahit na parang gusto ko siyang balatan ng buhay.
Natawa ang Dean sa tinuran ng guro. "Parang may iba pang pinaghuhugutan ang pagka-asar mo sa kanila, Miss Madrid. Bitter yarn?"
'Tong matandang 'to kung magsalita akala mo Gen Z.
"H-Hindi, Sir." Napaiwas ng tingin ang guro.
"Bakit ba kasi hanggang ngayon ay wala ka pang nagiging boyfriend?"
You mean Nbsb si Ma'am? Kaya pala terror na teacher dahil hindi pa nakakaranas ng romance sa buhay.
Napanguso ang guro kaya muntik na kong mapa-iww. Ang creepy.
"Smack lang naman siguro ang ginawa nila—"
"No, Sir! Torrid kiss 'yon!" sigaw ni Miss Madrid kay Dean.
Tumango-tango ang matanda. "You can leave now, Miss Madrid. Kakausapin ko na sila."
Tumango ang guro. Sinamaan muna kami ng tingin bago tumalikod at lumabas. Pagkasarado ng pinto ay otomatikong bumaling sa amin ni Leon ang Dean.
Nagkatinginan sila ni Leon. Napailing ang Dean habang bored naman na nakatingin lang sa kaniya ang tukmol.
"Who started the kiss?" seryosong tanong ng dean.
Napalunok ako bago napayuko.
"Me," casual na sagot ni Leon na nakapagpa-angat ng tingin ko. Wala man lang kahihiyan sa katawan.
"I didn't know na ang isa sa varsity ng school na katulad mo ay gagawa ng eskandalo sa loob ng school na ito, Mr. Damian Leon Fernandez. Alam mong malalaman ito ng iyong magulang, tama?"
BINABASA MO ANG
He Stole My First Kiss | Completed √
Teen FictionEkaanta is a nobody in their school at ang gusto lang niya ay mag-aral ng maayos at tahimik, pero hindi niya inaasahan na sa dinami-rami ng estudyante sa school nila, si Leon pa ang makakaaway niya, si Leon na isa sa miyembro ng Amazon High's basket...